Chapter 22

1039 Words
"Grant?" Anong nangyayari? Ibig bang sabihin ang lahat ng nangyari noon ay likha lang ng isang panaginip? Ang lahat ng tungkol sa RTS maging ang pagka-comatose ni Hannah ay hindi totoo at panaginip lang? Pero bakit ganoon? Parang totoong-totoo. "Grant, are you okay?" tanong ni Hannah. Kita ko ang pagtataka sa itsura niya at labis na pag-aalala. "Hannah..." Hinawakan ko siya sa kamay at saglit pa siyang tinitigan. "I think we should go home." "O-okay." Mabuti na lang at hindi na siya kumontra. Minadali na namin ang pamimili bago nagbayad at nagpasyang umuwi. Buong byahe lang ako na tulala habang paulit-ulit na iniisip kung totoo ba ang lahat ng nangyayari sa kasalukuyan? Kahit anong gawin kong isip ay wala akong makuhang sagot na magpapatotoo sa lahat ng nangyari noon lalo pa at narito ngayon si Hannah sa harap ko, buhay na buhay at bilang asawa ko. Nang makauwi ng bahay ay kaagad akong dumiretso sa kwarto at ganoon din si Hannah. Bagama't nag-aalala minabuti niyang iwan na lang muna ako roon na mag-isa matapos niyang magbihis. "I think you should rest, Grant. Maybe you're just tired." Tama siya baka nga pagod lang ako. Nang makalabas na siya hindi ko alam kung bakit hindo ko maalala ang araw ng kasal namin. Ni hindi ko nga naalala na ikinasal pala ako. Hindi ko rin maalala ang bahay na ito na siyang sinasabi niyang pagmamay-ari namin. Itinaas ko ang kamay ko at napansin ko ang suot kong relo. Nakatingin ako sa kisame at sa apat na sulok nito. Muling bumalik ang atensyon ko sa relong suot-suot ko. Ang relo na ito. Hindi ako maaaring magkamali. Eto rin ang relong nagsisilbing guides namin sa loob ng laro pero bakit suot ko pa rin ito? Hindi kaya? Posible nga kayang nasa loob pa rin ako ng RTS. Pero si Hannah, paano siya napunta rito? At lahat ng bagay na nangyayari dito ay totoong-totoo. Nasa totoong mundo ako. Nahilamos ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa samu-t saring bagay na pumapasok sa utak ko. Hindi ko malaman kung ano ang totoo at kung ano ang dapat kong paniwalaan hanggang sa isang notice ang siyang lumabas sa screen. Ryzen killed Raziel. Tama nga ang hinala ko. Nasa loob pa rin ako ng RTS. Pinilit kong isipin ang mga nangyari, ang unti-unting pagkawala ng mga kasama ko at ang pgmulat ko sa totoong mundo. Ang Lucid, tama. Posibleng ang Lucid ang may kagagawan ng lahat ng ito. Marahil ibinibigay ng Lucid ang panaginip na nais ng mga player na siyang nagkukulong sa kanila sa ilusyon at nagiging dahilan ng kanilang kasawian. Kung ganoon nga, paano ko matatalo ang Lucid? Paano ako makakalabas sa panaginip na likha ng Lucid? Kailangan kong makaisip ng paraan. Binalikan ko ang mga nangyari simula nang magising ako sa ilusyong ito. Malabong walang kahit anong palatandaan ang maaaring magkonekta sa bawat pangyayari. Posible kayang si Hannah ang siyang kumakatawan sa Lucid? Kung ganoon paano ko matatalo ang Lucid kung hindi ko kayang saktan ang babaeng dahilan kung bakit ako naglalaro? Doon lang din bumalik sa alaala ko ang dahilan kung bakit ako naglalaro ng RTS, si Hannah at wala ng iba. Napatingin ako sa pintuan nang pumasok doon si Hannah. Ilang oras na rin pala ang nakalilipas mula nang iwan niya akong mag-isang nag-iisip dito sa kwarto. Hindi ko maiwasang suriin ang itsura niya. Siyang-siya talaga ang babaeng pinakamamahal ko ng lubos. Kung siya ang susi para makawala sa ilusyong gawa ng Lucid, ano ang dapat kong gawin? "Grant, nakaluto na ako ng dinner. Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Ayos na ako, Hannah." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil ayokong matali nang habang-buhay sa ilusyong likha ng Lucid ngunit hindi ko maiwasan dahil pakiramdam ko ay parang sinasaktan ko na rin siya. "May problema ba tayo, Grant?" Kita ko ang pagdaramdam sa kaniyang mga mata at ganoon na rin ang labis na pag-aalala. Wala akong magawa lalo pa at natatalo ako ng matinding pagnanasang makasama siya. "Wala naman." Ngumiti ako sa kaniya at naramdaman ko pa ang pagdampi ng kaniyang kamay sa aking pisngi. "Grant, kung ano man ang bumabagabag sa 'yo, kalimutan mo na lang. Ang importante ay magkasama na tayo. Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay kahit na kailan," sabi niya bago ko naramdaman ang paglapat ng kaniyang mga labi sa aking labi. Ang mainit niyang yakap na siyang matagal kong inaasam na muling maramdaman. "Hannah..." siguro nga. Tama siya. Kalimutan ko na lang ang lahat ng tungkol sa RTS dahil narito na siya ngayon sa piling ko. Buhay na buhay at malakas. Kahit na kailan ay hindi na siya mawawala sa akin. Magkakasama na kami habang buhay kaya ano pang rason para talunin ang Lucid at balikan ang larong RTS kung nandito na naman sa aking tabi ang natatanging hiling na pinakamimithi kong matupad. Naramdaman ko ang marahang paggapang ng kaniyang halik sa aking pisngi patungo sa aking leeg. Hindi ko naiwasang mapapikit nang mariin habang dinadama ang sandaling iyon. "I love you, Grant." "I love you more, Hannah." Muli naming pinagsaluhan ang mainit na halik. Ramdam ko ang unti-unting paglalim noon habang naglalakbay ang aking kamay sa kaniyang katawan. Halos nauubusan na kami ng hininga ng paghiwalayin namin ang aming mga labi upang bigyang daan ang mas mainit pang tagpo sa aming dalawa. Dahan-dahan niyang hinubad ang suot kong T-shirt. Hindi ko naiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang namumula niyang pisngi habang ginagawa iyon. "Don't look, Grant. Ano ba?" Ngumuso pa siya pagkasabi noon. "I can't help it, I'm sorry," sabi ko bago siya hinila upang muling hagdan. Iginapang ko ang aking kamay sa kaniyang likuran upang tanggalin ang hook ng kaniyang brassiere bago ko tuluyang hinubad ang suot niyang pang-itaas. "G-Grant..." Natuwa naman ako sa nahihiyang itsura niya habang pilit tinatakpan ang kaniyang dibdib. "N-nakakahiya." "Don't be, Hannah. Remember? You are my wife now and I'm your husband. Soon we will be a family," sabi ko at saka dahan-dahang idinampi ang aking mga labi sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Narinig ko pa ang mahinang ungol na lumabas sa kaniyang bibig bago ako magising sa katotohanang ang lahat ng ito ay panaginip lang matapos marinig ang boses na tumawag sa aking pangalan. "Grant! Grant! Gumising ka, Grant!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD