Chapter 17

1991 Words
Nagpatuloy ang araw at halos pangalan lang namin ni Ryzen ang nangingibabaw sa listahan ng mga players na pumapatay sa mga boss monsters kaya naman kahit paano ay nagkakaroon din ako ng mga bagong kakilala at kaibigan sa loob ng laro.   “Grant!” Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Saglit ko pa itong tinitigan bago ko ito nakilala.   “Pius?”   “Oo ako nga. Buti naman at nakikilala mo pa rin ako,” sabi nito. Nakangiti ito nang mga oras na iyon. Kailan nga ba kami huling nagkita? Napasulyap ako sa kasama niya. Hindi ako maaaring magkamali. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko ito. “Oo nga pala, student ko.” Inuyuko pa nito ang ulo sa aking harap na animo’y sinasabing batiin ako.   “K-kumusta po kayo, Master Grant?”   Ano raw? Master? Napakamot naman ako sa aking ulo dahil sa sinabi nito.   “Grant na lang. Pare-pareho lang naman tayong player dito,” sabi ko.   “Nako, Grant! Alam mo bang idol na idol ka nitong si Noob. Nabanggit niya sa akin na minsan mo na raw siyang iniligtas sa Dermestidae,” sabi nito kaya napakunot ang noo ko.   “Iniligtas ko siya?”   “Opo,” sumagot naman ang player na si Noob.   Pinilit kong isipin kung kailan iyon ngunit kahit anong isip ko ay hindi ko na maalala.   “Ako po ko ‘yong new player na umiiyak noon dahil muntik na akong suwagin ng dambuhalang salagubang.”   Dahil sa sinabi niya hindi ko naiwasang maalala si Jane. Halos muntik na rin kami noon, buti na lang at dumating si Ryzen na kasalukuyang nagboboss hunting noon. Napabuntong-hininga ako. Bakit ba sa lahat ng oras ay laging nakadikit si Ryzen sa pangalan ni Jane?   “Master Grant?” Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang muling magsalita si Noob.   “Ah oo.” Ngumiti-ngiti na lang ako kahit ang totoo ay hindi ko na talaga matandaan. Siguro sadyang hindi lang ako matatandain o baka dahil noong mga panahon na ‘yon ay nangingibabaw pa ang galit sa akin dahil sa pagkamatay ni Unknown.   Tatalikod na sana ako upang ipagpatuloy ang monster hunter event nang magsalita si Pius.   “Ano kasi, Grant…” Humawak pa ‘to sa batok niya na animo’y nahihiya, “pwede ba kaming sumama sa pagboboss hunting mo?”   “Ha?” Napanganga ako nang wala sa oras dahil sa sinabi nito. Hindi naman sa ayoko silang isama subalit masyadong mapanganib ang mga lakad ko lalo pa at pilit kong inaabot na makapasok man lang kahit sa top 10 ng Ranking.   Sa larong ito bawat Rank ay may tigtatatlong player. Isa iyon sa natutunan ko kay Unknown. Gaya na lang ni Unknown na nasa Rank 10. Ibig sabihin lang, sa pagkawala niya, nabakante ang posisyon ng Rank 10 at iyon ang kinakailangan kong masungkit.   “Pero kasi—”   “Ganyan ba talaga kapag malalakas na player? Ayaw man lang kaming tulungang umangat.”   “Hindi naman sa ganoon. Ano kasi…” Sa huli ay napabuntong-hininga na lang siya. “Sige na nga, pero huwag kayong aalis sa tabi ko kahit na anong mangyari.”   “Oo naman. Narinig mo ‘yon, Noob? Isasama tayo ni Grant sa boss hunting niya. Makakakuha na rin tayo ng mga kailangan nating items para mas lumakas. Sa wakas, mae-experience ko na rin kung paano ang totoong laban sa mga monsters.” Habang natutuwa si Pius, hindi naman ako mapakali dahil ito ang unang pagkakataon na makikipaglaban ako sa mga boss monsters na may kasama akong ibang player sa party.   Bukod pa roon, hindi ko rin maiwasang mabahala lalo pa at kulang pa ang kakayahan nila para makipaglaban sa mga boss monster. Dahil doon, hindi ko maiwasang mag-alala. Ngunit sa nakikita ko ngayon, mukhang masaya naman sila, sapat na ‘yon. Ang kailangan ko na lang gawin ay siguraduhin ang magiging distansya nila sa boss monster.   Kaagad kaming nagtungo sa Atlantis kung saan nagkalat ang iba’t ibang uri ng monsters. Halimbawa na lang ang isang regular monster na kilala sa pangalang Hippocampus. Para lang itong isang maliit na sea horse na hindi naman basta-basta umaatake. Bumubuga ito ng tubig na siyang nagdudulot ng pinsala sa mga makakalaban nito.   “Grant, malayo pa ba tayo?” tanong ni Pius. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pagkairita. Sila na nga lang ang sasama nagmamadali pa.   “Nandito na tayo,” sabi ko, “pero bago tayo sumisid sa kailaliman ng Atlantis ay inumin n’yo muna ang immunity potion n’yo para makahinga kayo sa ilalim ng tubig.”   “Pero, Grant, may problema. Wala kasi kaming immunity potion dahil akala naming ay hindi naman iyon kakailanganin.”   Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa sinabi ni Pius. Wala na akong nagawa kung hindi bigyan sila ng tig-isa ni Noob. Tatagal naman ng isang oras ang epekto noon, sapat na oras na iyon para kalabanin namin ang Cubuzoa.   “Ikaw, Master Grant? Hindi ka ba iinom nitong immunity potion?” tanong ni Noob.   “Ah hindi na. Mag-spam na lang ako ng Water Barrier para makahinga ako sa ilalim ng tubig.” Nakita ko ang pamimilog sa mga mat ani Noob. Nakikita ko ang interes sa itsura niyang mas lumakas pa. Parang noong mga panahong tinuturuan pa ako ni Unknown. Sinong mag-aakalang darating ako sa puntong nakakaangat na ako sa iba? Doon ko unti-unting naisip na hindi na ako ang dating Grant. Malaki na rin ang iniunlad ko dahil sa pagnanais kong habulin ang posisyon para sa Rank 10. Sa pagnanais kong makuha ang pwesto ni Unknown ay ipagpapatuloy ko ang labang nasimulan niya hanggang sa dumating ang pagkakataong ako na mismo ang siyang tatapos kay Ryzen.   Tiningnan ko ang hawak kong Legendary Weapon. Mula nang araw na lisanin ko ang bahay ni Unknown, ipinangako ko sa sarili ko at sa sandatang ito na hinding-hindi ko bibiguin ang mentor ko. Gagawin ko ang lahat para maging malakas at maging katulad niya. Tatapusin ko ang larong ito at babalikan si Hannah dahil alam kong hinihintay niya ako. Hinding-hindi ko siya bibiguin at tutuparin ko ang ipinangako kong pagbalik ko ay magiging maayos na ang lahat.   “Tara na,” sabi ko at tumango naman ang dalawa. Sabay-sabay kaming lumundag sa Karagatan kung saan nagtatago ang mahiwagang bayan ng Atlantis.   Unang bumungad sa amin ang ordinary monster na Piranha. Hindi ito kagaya ng ibang ordinary monsters na tahimik lang. They are violent. They attack players nearby. Hindi ganoon kalakas ang mga ito ngunit sa dami ng mga ito ay hindi namin ito maiiwasan.   Dahil isa itong water element monster ay gumamit ako ng wind type skill na siyang sigurado akong mas malakas ang damage rito kumpara sa ibang skill na mayroon ako, gaya ng itinuro ni Unknown nang panahong bago pa lang akong naglalaro.   “Wind Blast!”   Ang malakas na hangin na gumuguhit sa tubig ay animo’y nagiging talim na humahati sa mga Piranha sa dalawa. Napalingon ako kay Noob at nakita ko ang mabilis na paglangoy ng mga Piranha palapit sa kinaroroonan niya. Kaagad akong lumangoy palapit sa kaniya at nagpakawalang muli ng isang pag-atake.   “Wind Blast!”   Mabilis naglaho ang mga Piranha kung kaya nakalapit na ako sa kaniya.   “Ayos ka lang, Noob?” tanong ko.   “Opo, Master Grant.”   “Ano ka ba naman, Noob. Huwag ka ngang tatanga-tanga. Gamitin mo ‘yang weapon mo. Hindi ‘yan palamuti!” Hindi ko naiwasang mairita sa klase ng pagsasalita ni Pius kay Noob. Ganoon niya ba kung kausapin si Noob palagi? Kailangan ba talaga bulyawan niya si Noob dahil lang doon. “Pasensya ka na, Grant. Ganyan kasi talaga ‘yan si Noob. Masyadong duwag.” Lalo akong nainis matapos marinig iyon sa kaniya. Pakiramdam ko ay parang ako ang sinasabihan niya ng ganoon lalo pa at ganoong-ganoon din ako noong mga panahong nagsisimula pa lang ako sa larong ito.   “Maliit na bagay. Hindi mo naman kailangan pagsalitaan ng si Noob ng masasakit na salita,” suhestyon ko.   “Hindi siya matututo kung magiging mabait akong mentor sa kaniya. Dapat alam niya kung kailan dapat tumakbo at kung kailan dapat labanan ang takot,” sabi nito at sinimangutan ako, “isa pa, wala kang karapatan pakialaman ang klase ng pagtuturo ko sa kaniya. Hindi siya magiging malakas kung habang buhay siyang magpapaalipin sa takot.”   Kung tutuusin ay tama naman ito pero batid kong mali pa rin ang klase ng pagtuturo niya kay Noob. Hindi sa ganoong paraan.   Tahimik lang kaming tatlo doon nang biglang lumabas sa aming screen ang isang notification.   Cubuzoa has awakened.   At sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla itong sumulpot sa aming harapan at mabilis na pinuluputan si Pius nang mga galamay nito. Halos napatulala na lang kami sa pagkagulat, hindi namin alam ni noob kung anong gagawin habang unti-unting napapasukan ng makamandag na lason ang buong katawan ni Pius. Unti-unting nagkukulay violet ang katawan nito samantalang lumulobo naman ang ibang parte ng kaniyang braso at binti.   Rank 4 Elite Monster Level 46 Cubuzoa HP: 850,000   “T-tulungan n’yo ko!” Nakadiretso paabante ang isang kamay nito habang pilit kaming inaabot.   “Master Pius!” Hindi ko na nagawang pigilan si Noob nang mabilis itong tumakbo palapit kay Pius at gamit ang hawak nitong sandata ay hiniwa nito ang mga galamay na nakapulupot kay Pius. Mabilis na nakawala si Pius sa mga galamay nito habang dumistansya naman ang Cubuzoa. Lumapit si Noob kay Pius habang pilit inaalalayan ang huli ngunit masyado nang kumalat ang lason sa buong katawan ni Pius.   “G-Grant… ikaw na sana ang bahala kay Noob.”   “Huwag kang magsalita ng ganyan. Lumaban ka para kay Noob!” bulyaw ko sa kaniya. Bakit ba kasi kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit ba kailangang mawala ang mga taong nakakasama ko sa larong ito?   “Pero kasi…” sabi nito kasabay ng pagtulo ng luha bago ito tuluyang naglaho.   “Master Pius!” Bakas sa mukha ni Noob ang galit dahilan para magpadalus-dalos ito at mabilis na nilapitan ang Cubuzoa at pinaghahampas ng hawak niyang espada. “Hindi kita mapapatawad!”   “Noob!”   Hindi inakala na iyon pala ang hinihintay na pagkakataon ng Cubuzoa upang muling umatake. Muli nitong iginalaw ang mga galamay na siyang tatama na sana kay Noob, mabuti na lang at mabilis akong nakagawa ng paraan upang maprotektahan siya.   “Water Barrier!”   At dahil ginamit ko ang Water Barrier sa kaniya habang malayo ako sa kinaroroonan niya ay nawala ang epekto nito sa akin dahilan para unti-unti akong mahirapan huminga.   “Master Grant!” Narinig ko pa ang ginawang pagtawag ni Noob sa pangalan ko. Kailangan ko siyang protektahan. Kailangan kong tapusin ang Cubuzoa upang makuha ang huling rare item na kailangan ko.   Kahit hirap sa paghinga ay pinilit kong lumaban. Hindi kagaya ng pagkilos sa lupa, lubhang mabagal ang paggalaw sa ilalim ng tubig. Idagdag pa ang unti-unting pagkaubos ng hangin sa aking baga.   “Wind Blast!”   Sa pag-atakeng iyon ay ganoon lang nito kadaling nailagan iyon.   Unti-unti ko nang nasasagad ang limit ko. Wala na rin akong immunity potion na magagamit dahil ang ibinigay ko kina Noob na lang ang tanging natitira na mayroon ako. Anong gagawin ko?   Nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang pinahaba ng Cubuzoa ang kaniyang mga galamay na inilagan ko naman ngunit ang dalawa sa mga galamay nito ay hindi ko nagawang iwasan kaya mabilis itong pumulupot sa aking magkabilang braso. Iyon din ang pagkakataong alam kong hindi na ako makakatakbo pa dahil ramdam ko na ang unti-unting pagkalat ng lason sa aking mga braso. Unti-unti na rin itong namamanhid at mukhang hindi ko na magagawang gumamit pa ng kahit anong skill nang biglang isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.   “Cure!”   At isang anghel ang siyang nakita ko nang lingunin ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD