Chapter 16

1057 Words
“Anong ginagawa niya rito?”   Hindi ko naiwasang isipin na marahil ay si Ryzen ang kasama niya. Kung sabagay, sino ba namang hindi magiging mabuti sa taong ilang beses na inililigtas ang buhay niya?   Saglit ko pa siyang tinitigan habang sinusuri ang itsura niya. Masasabi kong pumayat siya nang kaunti. Ang ilalim ng kaniyang mga mata ay nagsisimula na ring magka-eyebag, at ang mga mata niya ay parang ilang araw nang puyat. Ngunit kung titingnan naman ang mga gamit na mayroon siya ngayon, masasabi kong mukhang pinaghirapan niya talaga iyon na makuha. Tama rin ang mga equips niya kung kaya hindi na kailangang ayusin pa. Ngunit bigla ko na namang naisip na marahil, si Ryzen din ang siyang nagtuturo at tumutulong sa kaniya. Knowing JIn, kaunti lang ang nalalamam niya kung ibang profession ang pag-uusapan.   “Grant!”   Doon lang ako tuluyang nag-iwas ng tingin kay Jane nang marinig ang pagtawag ni Jin mula sa aking likuran.   “Jin, ikaw pala.”   “Kumusta ka na? Ang laki na ng ipinagbago mo ha? Ang lakas mo na ngayon. Sooner or later niyan, sigurado ako pasok ka na sa Master 5.”   Hindi ko naiwasang mapangiti sa sinabi niya. Master 5? Napakaimposibleng mangyari subalit pipilitin kong maabot iyon kung iyon lang ang natatanging paraan para matalo ko si Ryzen.   “Pa’no aalis na ako,” pagpapaalam ko sa kanila.   “Aalis ka na kaagad? Hindi mo man lang ba babatiin si Jane?” tanong ni Jin dahilan para muli akong mapalingon kay Jane.   “Jane, sa susunod mag-ingat ka.” Iyon lang ang sinabi ko at nagsimula na akong maglakad nang isang notice ang muli na namang nag-appear sa screen. Napahinto ako sa paglalakad dahil doon.   Ryzen killed Galeodes.   Nandito rin si Ryzen. Naikuyom ko ang aking kamay nang maalala ang mga nangyari. Hindi ko siya kayang patawarin at hinding-hindi ko iyon gagawin habang buhay.   +++   “Grant…”   “May problema ba?” tanong ko.   Natawa naman ako nang sumalubong sa akin ang makahulugang ngiti ni Jin.   “Spill it out, Jin.”   Kasalukuyan kaming naglalakad na noon palabas ng Caligo Dungeon. Nauuna lang sina Jane at Ryzen habang kami naman ay nasa likuran ni Jin at nagkukwentuhan.   “Akala ko ba aalis ka na? Bakit yata naisipan mong sumama muna sa amin ngayon?” tanong ni Jin sa akin.   “Naisip ko lang na magpahinga muna sandali. Nakakapagod din ang panay boss hunt simula nang mag-start ang event,” sagot ko.   “Talaga ba?” Muli na naman itong ngumiti na tila may hinihintay itong ibang sagot mula sa akin dahilan para mapangiti na lang din ako. Umiling-iling na lang ako habang natatawa sa kaniya.   Napasulyap ako sa dalawang nasa aming harapan at ganoon na lang ang pagdikit-dikit ni Ryzen kay Jane. Hindi ko naiwasang isiping sila na ba? Dinaig pa ni Ryzen ang stalker. Napapalatak tuloy ako dahil s ainis nang bigla kong maalala ng pagkamatay ni Unknown. Kaagad kong hinarap si Jin at tinanong.   “Jin, nasabi mo ba kay Jane ang nangyari kay Unknown?”   “Kailangan pa bang sabihin ‘yon? Lumabas naman sa screen ‘yon.”   “Alam ko. I mean nabanggit mo ba kay Jane na si Ryzen ang siyang dahilan ng pagkamatay ni Unknown?”   Umiling ito bago muling nagsalita.   “Tingin ko mas makabubuting hindi niya na malaman dahil tiyak kong masasaktan lang siya.”   Kung sabagay ay tama si Jin. Kahit paano ay naging malapit na rin si Jane kay Ryzen. Higit kanino man, si Jane ang siyang mas maaapektuhan oras na malaman niyang ang tagapagtanggol niya ay mamamatay tao pala.   “Pero sa totoo lang, hirap na hirap akong itago ang galit ko kay Ryzen. Sa tuwing nakikita ko siya o kahit man lang banggitin ni Jane ang pangalan niya ay paulit-ulit na bumabalik sa akin ang alaala ng pagkawala ni Unknown. Alam mo ‘yon, Grant? Ang bata pa ni Unknown. Napakarami niya pang bagay na maaaring marating sa oras na makabalik na tayo sa totoong mundo. Hindi ko matanggap na sa larong ito lang siya babawian ng buhay nang dahil lang sa kasakiman ni Ryzen.” Isinuntok niya pa ang kaniyang kamao sa kaniyang palad upang ipakita ang labis niyang galit na hindi niya magawang ipakita sa babaeng kasa-kasama niya sa araw-araw.   Nang makarating kami sa Winston City ay kaagad kaming naghanap ng makakainan. Hindi ko naiwasang mapasulyap kay Jane na nakaupo sa aking harapan ngunit laking gulat ko nang makasalubong ko ang mga mata niyang nakatingin din sa akin. Nakita ko ang agarang pamumula sa kaniyang pisngi at ganoon din ang biglang pag-iwas niya ng tingin. Muli na naman akong nakaramdam ng pagkabalisa nang makaramdam ng pagbilis sa t***k ng aking puso. Bagay na hindi ko maipaliwanag at alam kong hindi ko dapat nararamdaman.   “Grant, kumusta? Matagal din tayong hindi nagkita.” Isang makahuluyang ngiti ang ipinukol ni Ryzen sa akin. Gusto ko man siyang suntukin nang oras na iyon ay pinili kong ikalma ang aking sarili dahil kaharap namin si Jane. Bukod pa roon, alam ko sa sarili kong higit na mas malakas pa rin siya sa akin.   “Ayos lang,” tipid na tugon ko.   “Kailan nga ba ang huli nating pagkikita?” tanong nito at muli, isang nakakalokong ngiti ang binigay nito sa akin dahilan para lalo akong magngitngit sag alit. Hindi ko alam kung ano ang nais niya nang mga oras na ‘yon ngunit isa lang ang sigurado ako, sinasadya niyang ipaalala sa akin ang mga naganap noong araw na paslangin niya si Unknown.   Nang dumating na ang mga inorder na pagkain ay doon ako nagpasyang magpaalam na sa kanila. Napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Jane. Bakit ganoon na lang ang naramdaman kong lungkot nang makita ang lungkot sa mga mata niya?   “Jin, maauna na ako. Marami pa akong quest na kailangang tapusin,” sabi ko kay Jin nang tumayo ako at tapikin siya sa balikat. Tumalikod na ako at paalis na sana nang muling magsalita si Ryzen.   “Hihintayin ko ang araw na makakapasok ka sa Rankings, Grant.” Naikuyom ko ang aking palad dahil sa inis. Himbis na sagutin ay minabuti ko na lang na huwag magbigay ng kumento bago ako tuluyang nagpaalam kay Jane.   “Jane, mag-iingat ka lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD