Chapter 15

1393 Words
Grant killed Blaze.   Ryzen killed Purple Emperor.   Grant killed Anisoptera.   Ryzen killed Centaur.   Grant killed Clown.   Ryzen killed Cube.   “Napakalakas na ni Grant. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas mula nang insidenteng iyon at ngayon ay halos napakahirap niya nang abutin. Sinong mag-aakalang magagawa niya akong higitan nang ganoon kabilis?” Ganoon na lang ang pagkamangha ni Jin habang nakikitang ang pangalan ni Grant na lumalabas sa built-in contact lense na suot nila.   Kasalukuyan naman noong nakatuon ang atensyon ni Jane sa labas habang pinagmamasdan ang paglipad-lipad ng paru-paro sa mga bulaklak.   “Jane, nakikinig ka ba?” tanong ni Jin nang mapansing hindi siya pinapansin nito. “Kanina pa ako nagsasalita rito. Hello?”   Nanatili lang si Jane na walang kibo at mukhang napansin naman ni Jin na mukhang hindi ito interesado kung kaya minabuti na lang niyang lumabas ng bahay at mag-ikut-ikot. Nagbabakasakaling muling makikita si Grant.   Nang tuluyang makaalis si Jin ay naiwan namang nag-iisa si Jane sa loob ng bahay. Isang notice na naman ang siyang lumabas sa screen.   Inferno has awakened. Nirvana has awakened.   Tandang-tanda niya pa ang sinabi ni Jin tungkol sa dalawang elite monster na iyon. Isang damager at isang healer. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Grant sa kaniya noong kasa-kasama niya pa ito.   “Jane, be my Shaman. I will protect you always, at all costs.”   Parang silang dalawa lang ni Grant. Siya ang healer at si Grant sana ang damager. Bagay na tingin niya ay hindi na mangyayari. Hindi niya naiwasang magdamdam lalo na at alam niyang hindi naman ito tumupad sa sinabi nito. Pero sa huli aminin niya man sa sarili niya o hindi, kahit paano ay nami-miss niya ito. Matagal na rin nang huli silang nagkita.   “Kumusta ka na, Grant?”   +++   “Jane, sasama ka ba? Magbo-boss hunt ako,” tanong ni Jin. Sandali pa siyang nag-isip bago nagpasyang ibigay ang kaniyang sagot.   “Yeah. I think.” Ngumiti siya. “Kailangan ko rin kasi makakuha ng mga rare items para makaipon pa ng dagdag na moneta. Alam mo naman hindi ba? Gusto ko talagang mabili ang Archangel.”   Nagsimulang maglakad si Jin at sumunod naman siya rito.   “Ah ‘yon bang legendary weapon nang mga pari?” tanong nito sa kaniya.   “Oo. Kahit paano ay marami na ring naituro sa akin si Ryzen sa pagpapalakas ng character ko,” sabi niya. Kaagad niya namang napansin ang kakaibang ng reaksyon ni Jin sa sinabi niya.   “Ah… si Ryzen.” Nag-iwas ito ng tingin at nagpatiuna sa paglalakad.   “May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?” Sa isip-isip niya.   “Oo. Si Ryzen. May problema ba?” Hindi niya naiwasang tanungin ito lalo na at parang hindi ito natutuwa na marinig ang pangalan ng taong paulit-ulit nang nagliligtas ng buhay niya.   “Nako! Wala wala.” Bigla na lang itong ngumiti habang umiiling sa kaniya. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya ay parang mayroon itong hindi sinasabi sa kaniya. Wala naman siyang pakialam kung meron man iitong inililihim sa kaniya ngunit nahihiwagaan talaga siya sa nagiging reaksyon nito lalo pa at alam niyang hindi naman ganoon noon si Jin kapag si Ryzen ang pinag-uusapan nila. Tandang-tanda niya pa kung gaano ito humahanga kay Ryzen kaya parang nakakapanibago para sa kaniya na hindi ito natutuwa sa tuwing makikita o mababanggit si Ryzen.   Tumigil sina Jane at Jin sa Caligo Dungeon kung saan matatagpuan ang mga dark element monster. Napatingin sila sa mga animo’y alupihan na halos hanggang bewang nila ang laki. Nagkalat ito sa paligid at kahit regular monsters lang ang mga ito ay hindi ganoon kadaling patayin ang mga ito dahil sa maliliksing pagkilos ng mga ito at mga sorpresang pag-atake.   Level 60 Chilopoda HP: 100,000   Ang kinaibahan lang ng mga normal monsters ay hindi ito basta-basta umaatake kapag hindi ang player ang unang umatake sa kanila. Base sa impormasyong mayroon sila, likas sa mga ito ang pagiging bulag sa liwanag subalit malinaw naman sa dilim.   Napansin din ni Jane ang isa pang monster na halos kamukha o kapamilya lang din ng Chilopoda. Hindi kagaya ng mga Chilopoda, ang monster na iyon ay mas maliit at halos lagi lang nakapulupot sa sarili.   Level 60 Diplopoda HP: 100,000   “Narito na tayo.” Naagaw naman ni Jin ang kaniyang pansin nang magsalita ito.   Olios has awakened.   Nagpalinga-linga sina Jin at Jane sa buong paligid upang hanapin ang isang elite monster.   “Nasaan na kaya ‘yon?” Lingid sa kanilang kaalaman ay naroon lang ito at nagtatago sa ligtas na lugar habang pinagmamasdan sila.   “Hindi kaya may ibang player na ang pumatay? Lalo na at may event ngayon. Tiyak na halos lahat ay mag-uunahan para lang makaisa mga elite monster. Imagine 2x loots ang makukuha natin sa isang elite monster na mapapatay natin, at malinaw ang nakalagay sa notice na kapag party, each of the members will received double the drop. Sakto at kailangan natin pareho ang makukuha natin dito,” sabi ni Jin.   Muli na namang gumalaw ang elite monster nang hindi nila namamalayan habang abala silang dalawa sa paglilibot ng kanilang mga paningin sa buong paligid.   “Kung may ibang player na ang nakapatay sa Olios, paniguradong lalabas ang notice kung sino ang player na nakapatay. Ibig sabihin ay nananatiling buhay ang elite monster na hinahanap natin. Sadyang mailap lang siya,” paliwanag niya naman.   “Mabuti pa ay maghiwalay tayo sa paghahanap. Mag-signal na lang tayo sa isa’t isa once na isa sa atin ang makakita.”   “Sige.” Kaagad silang naghiwalay ni Jinn ang paglalakad hanggang sa tuluyan silang napalayo sa isa’t isa. Batid ni Jane ang panganib ngunit malakas ang loob niya dahil nakuha niya na-master niya na ang healing spell. Sa gayong paraan ay hindi niya na kailangan ng healing potions para paghilumin ang mga matatamo niyang sugat sa katawan. Mas mabilis niya na ring mare-regenerate ang HP niya kung sakaling magkaalanganin.   Hindi nila alam ay iyon pala talaga ang plano ng Olios – ang umatake habang nag-iisa ang kaniyang bibiktimahin. Kaagad itong lumundag sa harapan ni Jane na siyang naging dahilan ng pagkagulat niya. Saglit niya pa itong tinitigan at doon niya nakumpirmang ito nga ang hinahanap nila.   Rank 7 Elite Monster Level 30 Olios HP: 350,000   Kaagad niyang kinuha ang light stick na siyang ginagamit ng mga player bilang signal nang sa ganoon ay ma-track ng magkaka-party ang bawat isa sa kanila nang maalala ang bilin ni Jin. Sisindihan niya na sana ito ngunit hindi niya na iyon nagawa nang mabilis na magbuga ng sapot ang Olios at direktang tumama sa kaniyang kamay. Mabilis niyang nabitawan ang light stick at muli itong nagbuga ng panibagon sapot na siyang tumama naman sa kabila niyang kamay. Doon niya lang napagtantong na-trap na siya. Mabilis itong nagpaikut-ikot sa kaniya at kaagad na binalot ang kaniyang katawang ng sapot na nagmumula sa pwetan nito. Para lang itong naghahabi habang naghahanda sa panibago nitong pagkain. Pinilit niyang igalaw ang kaniyang mga kamay ngunit tuluyan na itong nabalot ng makapal na sapot.   “Hindi ‘to maaari. Kailangan kong mag-isip.”   Ngunit kahit anong gawin niya ay alam niyang wala na siyang kawala. Halos hindi niya na nararamdaman ang kalahati ng kaniyang katawan samantalang ang paghahabi nito ng sapot sa kaniya ay umabot na hanggang sa kaniyang leeg. Ilang sandali na lang ay alam niyang maging ang kaniyang mukha ay tuluyan na ring matatakpan ng sapot na siyang magiging dahilan ng kaniyang kamataya.   Naiinis man sa kaniyang sarili ngunit alam niyang hindi pa siya ganoon kalakas para tumalo ng isang elite monster. Idagdag pa na isa siyang support type Shaman. Wala pa siyang sapat na kakayahan para umangat at makuha ang forbidden skill na maaari niya sanang magamit upang maipagtanggol ang kaniyang sarili.   Sa huli ay nanlalabo na ang kaniyang paningin. Unti-unti nang binabalot ng sapot ang kaniyang buong mukha. Tanging paghings na lang sa maliit na butas ang kaya niyang gawin.   “Flame…” Mula sa likuran ng Olios ay isang pamilyar na boses ang siyang narinig niya, “Shot!” At sa huling salitang iyon ay isang notice ang lumabas mula sa kanilang built-in contact lense.   Grant killed Olios.   At doon unti-unting natanggal ang mga sapot sa kaniyang buong katawan dahilan para malinaw niyang makita ang lalakeng hinihintay niyang muling makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD