Chapter 18

1073 Words
"Grant, ayos ka lang ba?" tanong niya.   "A-ayos lang." Pero ang totoo ay unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko sa mabilis na pagkalat ng lason sa buong katawan ko. Kahit na braso lang kinapitan ng Cubuzoa ay napakalaking pinsala naman ang kaya nitong ibigay sa kakapitan ng mga galamay nito. Hindi ko akalaing ganito kalakas ang isang ito.   Matutuwa na sana ako dahil narito si Jane ngunit laking gulat ko nang pagpira-pirasuhin ni Ryzen ang Cubuzoa hanggang sa tuluyan itong maglaho.   Grant killed Cubuzoa.   Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na ako pa rin ang naitalang nakapatay ng Cubuzoa o dapat ba akong mainis dahil hindi naman talaga ako ang siyang pumatay nito? Ngunit ang mas kinaiinis ko, bakit sila magkasama? Ibig bang sabihin nito ay lagi silang magkasama sa tuwing makakapatay si Ryzen ng mga boss monsters? Dapat ako ang kasama ni Jane. Pero pinili ko ang lumayo. Ako ang lumayo at iniwan siya sa ere. Pakiramdam ko ay napakawala kong kwenta dahil matapos kong sabihin siya na ang Personal Shaman ko ay bigla na lang akong nang-iwan.   Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata nang masagad na mg tuluyan ang lakas ko.   +++   "Grant!"   "Hannah..."   "Kapag naka-graduate na tayo, maghahanap kaagad ako ng trabaho," sabi niya.   "Kapag naka-graduate na tayo, pakakasalan na kita." Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata gayundin ang unti-unting pagngilid ng mga luha rito at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.   "Pakakasal ako sa 'yo, Grant. Kahit kailan, kahit saan dahil mahal na mahal kita."   "I love you more, Hannah."   "Hannah..."   Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang pag-aasikaso niya sa akin. Kagaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing magkakasakit ako. Hinding-hindi niya ako iniwan kahit na kailan kaya naman wala na akong mahihiling pa. Siya lang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Iyon ang nilalaman ng isipan ko bago ako muling lamunin ng antok.   Kinabukasan, ramdam ko ang bigat sa aking ulo nang magising ako. Nasilaw pa ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa bintana. Inilibot ko ang aking mata sa buong lugar, bahay ito ni Jin. Pero paano ako napunta rito? Ang huling naaalala ko ay pinatay ni Ryzen ang Cubuzoa at wala na akong matandaan mula noon.   Napalingon ako mula sa pintuan nang banyo nang bumukas iyon at halos magkulay kamatis ang buong mukha ko nang makita ko si Jane na tanging towel lang ang bumabalot sa kaniyang katawan. Nanlaki din ang mata niya bago muling pumasok sa loob ng banyo. Ilang minuto ang lumipas bago siya muling lumabas mula roon at nakadamit na siya. Hindi ko maiwasang makita mula sa peripheral vision ko ang pamumula ng kaniyang mukha.   "G-gising ka na pala." Siya ang unang nagsalita.   Tumango lang ako sa kaniya dahil sa labis na hiya.   "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya.   "A-ayos na. Salamat."   Sabay kaming napatingin sa pintuan nang may pumasok.   "Uy, Grant!" Kaagad na lumapit si Jin sa akin at inakbayan ako. "Kumusta pakiramdam mo? Akala ko hindi ka na sisikatan ng araw. Alam mo nag-alala talaga kami ng sobra sa 'yo. Lalo na si Jane. Umiiyak siya habang inaapoy ka ng lagnat. Tapos--"   Napatigil sa pagsasalita si Jin nang tumikhim si Jane at nang lingunin namin ito, ang itsura nito ay parang anghel na biglang tinubuan ng sungay. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatingin kay Jin.   "Ah... Eh... Grant, may tatapusin pa pala akong quest. Maiwan ko muna kayo." Kakamut-kamot pa si Jin sa kaniyang ulo nang mabilis na lumabas ng bahay.   Naiwan na naman kaming dalawa ni Jane.   "S-salamat sa tulong mo, Jane. Kung hindi dahil sa 'yo, marahil wala na ako sa mundong ito." Bigla ko namang naalala ang mga nangyari sa pagitan namin bago pa ako lumayo sa kanilang dalawa ni Jin. "Tungkol pala sa nangyari noon--"   "Huwag mo nang isipin 'yon. Ang importante ay nandito ka na. Hopefully, hindi ka na ulit aalis."   Natigilan ako. Ibig bang sabihin ay hinihintay niya akong bumalik? Ibig bang sabihin ayaw niya na akong umalis ulit?   "Na-miss kita, Grant."   Mas lalo akong hindi nakapagsalita nang sabihin niya 'yon.   "J-jane..."   Tuluyan na akong natigilan nang sumimangot siya at hinawakan ang magkabilang kwelyo ng damit ko.   "Ako ang personal shaman mo. Subukan mo lang na umalis ulit mananagot ka sa akin!" at bigla niya akong binulyawan kaya napatango na lang ako. "Mabuti na 'yong maliwan."   Pinagkrus niya ang magkabaliang braso niya sa kaniyang dibdib bago idinikit ang kaniyang noo sa aking noo. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay hindi ko maiwasang kabahan. Sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko ay rinig niya na iyo. Napasulyap ako sa kaniyang manipis na labi na mamula-mula pa. Nakapikit siya habang ako naman ay titig na titig sa kaniya nang lumayo rin siya kaagad.   "Mukhang okay ka na nga."   Hindi ko na naiwasang magtanong dahil sa pagtataka. Ano bang nangyari sa akin matapos kong mawalan ng malay?   "Ano ba talagang nangyari sa akin?"   "Si Ryzen ang nagdala sa 'yo papunta rito," sabi niya dahilan para makaramdam ako ng inis.   "A-ANO?"   "O bakit? Dapat nga magpasalamat ka pa sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya malamang ay wala ka na."   "Hindi ko hiniling na iligtas niya 'ko kaya hindi ako magpapasalamat sa kaniya," sabi ko at nakagat ko pa ang pang-ibabang labi q para itago ang inis.   "Bakit ba parang ang init ng dugo mo kay Ryzen? Mabait naman siya," depensa ni Jane. Kung alam niya lang ang lahat magagawa niya pa kayang sabihin ang bagay na 'yan? Ganoon na lang ba kalaki ang paghanga niya sa lalakeng pumaslang sa mentor kong itinuring ko nang nakababatang kapatid ko?   "Huwag na natin siyang pag-usapan, Jane. Please lang."   Mabuti na lang at hindi na ito nangulit pa. Inayos lang nito ang kumot na nakapatong sa kalahati ng katawan ko bago nagtungo sa maliit na kusina.   "Magluluto ako ng Mushroom Soup, nakalagay dito na mabilis daw ito maka-boost ng immune system. Kailangan mo 'to para mas mabilis kang gumaling." Napansin ko ang pagiging abala niya habang inihahanda ang pagkaing iyon. Ang dami niya na palang natutunan sa larong ito habang ako ay makatuon lang sa iisang bagay. Ang magpalakas para makamit ang pinakaaasam kong paghihiganti. "Oo nga pla, panigurado hindi mo pa alam. Nasa Rank 10 ka na ng overall Rankings."   At sa sinabi niyang iyon, nabuhay ang puso ko sa pagnanais na mas lalo pang lumakas.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD