Chapter 19

1144 Words
"Master Grant!" "Noob..." "Okay ka na, Master Grant. Natutuwa ako." Yumakap ito sa akin na animo'y isang bata. Natatawa naman ako dahil sa inasal niya. Kung titingnan kasi ang itsura niya masasabi kong halos hindi na nalalayo ang edad niya sa amin. Iyon nga lang sadyang emosyonal nga lang siya. Mas matangkad din siya sa akin at medyo mahaba ang kaniyang buhok. Bilugan ang kaniyang mga mata at may katamtamang tangos lang ang kaniyang ilong. Hindi naman naiwasan nila Jin na matawa rin dahil sa paglalambing na iyon ni Noob. Naisip ko tuloy, ganito rin kaya si Noob kay Pius noon? "Excuse me." Napalingon kami pare-pareho nang may magsalita sa tabi namin. "Grant..." Hindi ko naiwasang ituro ang sarili ko dahil sa pagtataka. Sino ang babaeng ito? Tumango ito habang nananatili ang ngiti sa mga labi. "Pwede po bang humingi ng autograph?" Namumula ang pisngi nito habang inaabot ang isang piraso ng papel at ballpen, at masasabi kong cute siya. Maikli ang kaniyang buhok at may bilugang hugis ng mukha. Mapupula ang kaniyang labi at matangos ang kaniyang ilong. Tantsa ko rin ay nasa 5 ft lang ang height niya na bumagay naman sa katamtaman niyang pangangatawan. Ngunit namangha ako dahil sa bitbit niyang weapon. Isa siyang Slayer class. Paano niya nakakayang gamitin ang isang mabigat na espada sa pakikipaglaban? "Ah sige." Inabot ko naman ang binibigay niya at saka pinirmahan ito gaya ng nais niya. Nang matapos ay kaagad ko rin itong ibinalik sa kaniya at isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Salamat, Grant. By the way, Hatake. Kinagagalak kitang makilala." Hatake? Saan ko nga ba narinig ang pangalan niya? "Ha-ha-hatake?" Tila gulat na gulat naman si Jin nang marinig ang pangalan nito. "Isa kang babae?" Sumilay ang matamis na ngiti sa labi nito na siyang sumasabay sa pagwagayway ng buhok nito sa hangin. "Teka kilala mo siya?" tanong ni Jane. "Siya si Hatake. Isa sa Rank 3 player." "Ha???" Sabay-sabay naman kami nila Noob na napanganga dahil sa labis na pagkagulat. Kaagad kong hinila si Jin upang tanungin kung seryoso ito sa mga sinasabi niya. Dumistansya pa kami s tatlo para magkausap kami ng masinsinan. "Seryoso ka ba na siya 'yong Hatake na nasa Rank 3 position?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ako maaaring magkamali. Base sa sabi-sabi maliit na player, tingnan mo nga." Lumingon kami kay Hatake habang sinusuri ang itsura nito. "Isang Slayer class player." Tumango-tango kami dahil sa pagsang-ayon. "Iyon nga lang, walang nakapagsabing babae siya." "So, you're not sure after all?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Kasi nga nakamaskara si Hatake. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita siya nang malapitan." Hawak nito ang kaniyang baba habang sinasabi 'yon. "Hindi ko akalaing isang Rank 10 player ang siyang makapaghuhubad ng maskarang suot ni Hatake." Inakbayan niya ako bago muling nagsalita. "Tingnan mo, ang cute cute ni Hatake." "Wala akong panahon sa ganiyan." Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang hindi mamangha kay Hatake ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay si Jane. Ang mga ngiti niyang tila bumubugas ng pintuan ng kalangitan at ang mga mata niyang kumukutitap na parang mga bituin sa gabing madilim. Kaagad kong ipinilig ang ulo ko sa isiping iyon. Mali ang lahat ng naiisip ko lalo pa at alam kong kasalanan iyon kay Hannah. Kahit anong mangyari ay mananatiling si Hannah pa rin ang babaeng mamahalin ko hanggang dulo. +++ "Huling araw ng Monster Hunter Event, gusto n'yong sumama sa akin?" tanong ni Hatake. "Talaga? Isasama mo kami?" Hindi naman makapaniwala si Jin sa sinabi nito. "Oo. Sakto lima tayo para sa isang party," sabi ni Hatake. "Nakakahiya naman. Wala naman akong maitutulong sa inyo." Napayuko naman si Noob dahil sa panliliit sa sarili. "Ano ka ba? Kahit mag-cheer ka lang, malaking tulong na 'yon sa amin." Ngumiti ito at ganoon na lang ang tuwa ni Jin. Tila pumupuso pa ang mga mata niya habang pinagmamasdan si Hatake. "Sasama ako kahit saan ka magpunta, Hatake." "Ikaw, Jane?" tanong ni Hatake kay Jane nang mapansin ang pananahimik nito. "Walang problema sa akin. Kaso hindi ba kami makasagabal sa 'yo?" tanong naman ni Jane pabalik. "Hindi naman. Isa pa kasama naman natin si Grant." Ngumiti na naman ito nang ubod nang tamis kaya napangiti na lang din ako. Hobby niya ba talagang ngumiti? O sadyang friendly lang siya? "Ako?" paniniguro ko. Nagulat kaming lahat nang bigla na lang nitong ipinulupot ang braso nito sa braso ko. "Oo naman. Bakit ayaw mo ba kaming kasama?" Mula sa pagiging jolly niya ay bigla na lang siyang nalungkot. Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawa na hindi mo maintindihan. Napasulyap ako kay Jane at nakatingin din ito sa akin ngunit kaagad naman akong inirapan at sinungitan. Ano na naman ang ginawa ko? "Pero masyado ka nang malakas, Hatake. Kailangan pa ba ako sa lakad mo?" tanong ko. "A-ayaw mo ba akong kasama, Grant? Pinapaalis mo na ba ako?" "H-hindi naman sa ganoon. Pero kasi..." Teka ano bang sinasabi niya? Nilingon ko sila Jin para sana humingi ng resbak dahil naguguluhan ako sa nangyayari pero nanlilisik ang mga mata nila ni Noob habang nakatingin sa akin. Mukhang gusto rin nila ang ideya ni Hatake kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag. Napabuntong-hininga na lang ako bago nagsalita. "Sige na nga. Ano ba ang uunahin natin?" Iyon kaagad ang naisip kong itanong. Mabuti na ang may ideya kami nang sa ganoon ay alam namin kung paano lalabanan ang aming kaaway. "Ang Lucid." Bigla kaming binalot ng katahimikan dahil sa sinabi nito. Isang mapanganib na Legendary Monster. Pero paano namin kakayanin ang isang monster na tila naghahanda ng aming libingan. Kung titingnan mabuti, napakalaki ng agwat ng level namin sa kakalabanin naming boss monster. Iyon nga lang kung matatalo namin ito ay tiyak na malaking improvement sa character namin ang magagawa namin dahil sa laki ng bounty na nakapatong sa ulo nito. Idagdag pa ang Legendary Weapon na drop nito na maaaring magamit ni Jane sa character niya. Tiyak na malaking tulong ito sa kaniya. Ngunit kung lakas ang pagbabasehan, ano na lang ang magiging ambag ko sa labanang iyon kung napakalayo ng agwat ng rank namin ni Hatake? "Pero bago 'yon, Grant. Mas makabubuting magtungo ka muna sa Traveler's Hall para mag-transcend ng profession mo nang sa ganoon ay matutunan mo na ang mga bago mong skills." Transcend? Skill? Ito na ba talaga 'yon? Talaga bang naabot ko na ang antas ng kakayahan ni Unknown? Ipinagmamalaki niya kaya ako? Napahinto ako sa paglalakat at tumingin sa kalangitan habang taimtim na inalala si Unknown. Unknown, nakikita mo ba?  Matutupad ko na ang pangarap kong maging katulad mo. Nakahanda na akong ipagpatuloy ang nasimulan mo. At sa pagkakataong iyon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na labanan ang Lucid. Tatalunin namin ito at kukunin ko ang Legendary Weapon na para kay Jane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD