Chapter 10

1623 Words
Tahimik lang kaming dalawa ni Jane at hindi nagkikibuan matapos nang mga nangyari. Isang oras din ang lumipas na hindi kami nagpapasinan. Ngunit ano nga ba ang dahilan para iwasan namin ang isa’t isa?   Ayaw niya akong pansinin dahil ba alam niyang may kasalanan siya? O baka naman dahil kay Ryzen? Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko dahil sa pagiging tahimik niya.   Napabuntong-hininga ako bago humugot ng lakas ng loob upang komprontahin siya.   “Jane…”   “Hhmm…”   “Wala ka man lang bang sasabihin?” tanong ko.   “May dapat ba akong sabihin?” Nahimigan ko na naman ang pagsusungit sa boses niya. “Wala naman hindi ba?”   Kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro habang ako naman ay nakaupo lang at pinagmamasdan ang bawat kilos niya.   At talagang wala man lang siyang balak na humingi ng pasensya sa akin?   “Talaga bang ganyan kang klase ng tao?” tanong ko.   Tila nakuha ko naman ang atensyon niya at isinara ang librong binabasa niya.   “Ano bang problema mo?” tanong niya.   “Ikaw ang problema. Saan ka ba nagpunta kanina? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa kahahanap sa ‘yo? Tapos makikita na naman kitang walang malay habang buhat nang Ryzen na ‘yon.” Hindi ko naiwasang mapagtaasan siya ng boses dahil sa disappointment. Hindi niya ako masisisi dahil labis ang pag-aalalang ibinigay niya sa akin.   Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. “Talaga bang gawain mong ilagay sa kapahamakan ang buhay mo?”   “Hindi ko naman sinabing hanapin mo ako at mag-alala ka sa akin.”   Natigilan ako dahil sa sinabi niyang ‘yon. Tama naman siya. Pero… Pero dapat ba talaga maapektuhan ako nang ganito?   “Fine! Gawin mo ang gusto mu tutal naman, nandyan si Ryzen na poprotektahan ka sa lahat ng pagkakataon.” Nagpasya akong tumayo na at kunin ang gamit ko.   Sa isang iglap lang na ‘yon ay nagdesisyon na akong lumayo sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Selos? Inggit? Hindi ko alam pero isa lang ang sigurado ako ngayon. Mas makabubuting lumayo na ako hanggang maaga pa para hindi na magkaroon ng kahit anong problema sa pagitan naming dalawa ni Hannah.   +++   Sakto ang pagpunta ko sa Traveler’s Hall dahil kaagad kong natagpuan ang player na sadya ko.   “Unknown…”   Kaagad siyang napalingon nang tawagin ko siya. Patakbo siyang lumapit sa akin dahilan para madapa siya. Kaagad din naman siyang tumayo habang pinapagpagan ang sarili.   “Grant? Grant, ikaw nga!” Niyakap ako nito na parang ang tagal na naming magkakilala. Hindi ko naiwasang pamulahan dahil sa hiya lalo nan ang mapansin ko ang mga matang nakatingin sa amin. “Kumusta? Ang tagal nating hindi nagkita.”   Matagal? Parang limang araw pa lang naman ang lumilipas. Napakamot na lang ako ng aking ulo dahil sa isiping ‘yon.   “Ano kasi…” Hindi ko alam kung saan magsisimula sa talagang sadya ko lalo pa at isang bata lang naman siya. “Gusto ko sanang turuan moa ko. Gusto kong ikaw ang maging Mentor ko.” Sa wakas ay nasabi ko rin. Wala na akong pagpipilian. Para lumakas at matapos ang game na ‘to, kinakailangang may isang tao ang gagabay talaga sa amin. Si Jin, kahit paano ay marami na siyang impormasyong naibigay sa akin pero mas kailangan ko ng dagdag na kaalaman na may kinalaman sa profession ko at si Unknown lang ang kakilala kong isang malakas na Elementalist.   “Walang problema. Handa akong tulungan ka sa lahat, Grant. Makakaasa ka.” Ngumiti ito nang malapad kung kaya sinuklian ko rin siya ng isang ngiti. Bigla namang kumulo ang tiyan niya dahilan para magkatinginan kami at hindi ko na napigilan ang tumawa. “Pero pwede bang kumain na muna tayo?”   “No problem. My treat,” sabi ko at saka hinawakan ang kaniyang kamay. Nagmistulan tuloy kaming magkapatid habang naglalakad.   +++   Nakakatuwang pagmasdan si Unknown habang kumakain ng strawberry cheesecake. Sinong makapagsasabing ang mga pagkain dito ay kagaya lang din sa mundong ginagalawan naming. Nakikita ko ang pagiging ordinaryong bata ni Unknown sa bawat pagnguya niya ng pagkaing nakahain sa lamesa.   “Dahan-dahan, Unknown,” sabi ko habang nangingiti pa sa itsura niyang may mga icing sa gilid ng kaniyang bibig. “Ang dungis mo na. O eto o,” kapagkuwan ay inabot sa kaniya ang panyong hawak ko. Kaibahan lang sa mundo namin, walang tissue o kahit anong pamunas na magagamit namin dito. Kahit simpleng pagligo ay hindi na rin kinakailangan pang pagtuunan ng bawat player na narito. O baka naman sadyang hindi na lang nila napagtutuunan ng pansin dahil mga character lang naman kami sa larong ito at masyadong abala ang lahat para sa pagpapalakas ng kanilang mga character. Maging   “Grant, pwede ba kitang tawaging kuya?” tanong nito na siyang umagaw sa malalim kong pag-iisip.   “Oo naman, Unknown. Pero ako, pwede ba kitang tawaging master?” tanong ko sa kaniya pabalik.   “Okay na ang Unknown. Mas magiging komportable ako sa ganoon lalo na at hindi naman ako ganoon katanda. Naintindihan mo ba ako, kuya Grant?” Nakanguso at nakabusangot pa ito habang sinasabi ‘yon. Hindi ko naiwasang mapabungisngis dahil sa itsura niya. Para siyang batang nagmamaktol. “Anong nakakatawa?”   “Wala. Masaya lang ako dahil pumayag kang maging mentor ko,” sabi ko na hindi nawawala ang mga ngiti sa mga labi.   Sumeryoso naman ang mukha nito kapagkuwan ay nagsalita.   “Unang ituturo ko sa ‘yo ay ang paggamit ng tamang elements sa mga monster.” Dahil doon ay napaseryoso na rin ako ng tingin sa kaniya. Taimtim lang akong nakikinig sa kaniya habang ipinapaliwanag niya ang mga kailangan kong malaman. Masasabi kong kapag ganito ang usapan ay lumalabas ang mature side niya. Para siyang mas matanda sa akin na nagtuturo ng mga bagay na hindi ko pa alam sa mundo. “Tayong mga Elementalist ay may apat na element na maaari nating gamitin sa pakikipaglaban sa mga nagkalat na monsters – ang wind, fire, earth at water.” Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. “As starting player, mayroon kang apat na skills na sure akong nagamit mo na.”   Napakamot ako ng ulo dahil sa sinabi niya dahil sa totoo lang ay tatlo pa lang ang nagagamit ko. Hindi ko pa nasubukang gamitin ang Earthquake skill na meron ako. Pakiramdam ko kasi ay wala siyang magiging pakinabang sa mga laban ko.   “Pero, in case na hindi pa, ipapaliwanag ko sa ‘yo nang mas maunawaan mo ang kahalagahan ng bawat skill.” Uminom ito ng tubig mula sa basong nakalaan sa kaniya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Una, ang Flame Shot, sa lahat ng elemental skills, ito ang madalas na ginagamit ng mga kasisimula pa lang sa pagiging elementalist. From the word itself, Flame equals to fire element. Sa tingin mo, saang bagay maaaring gamitin ang apoy?” tanong nito.   “Sa mga flammable materials,” sagot ko.   “Gaya ng?”   “Kahoy.”   “Tama. Ang kahoy ay pumapaloob sa kalikasan which means, wood is equivalent to earth element.” Kaagad kong kinuha ang notebook na nasa bag ko at doon isinulat ang important words na sinabi ni Unknown upang hindi ko makalimutan.   “Kung ganoon, ibig sabihin ang Flame Shot ay maaari kong gamitin sa mga earth element monsters?” tanong ko.   Pumalakpak ito nang dahan-dahan habang tumatango-tango pa bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.   “Kung ganoon, ang skill na Water Barrier ay maaari kong gamitin laban sa mga fire element monsters?” paniniguro ko although may hint na akong tama iyon.   “Tama.”   Kung ganoon ay tama lang pala na ginamit ko ang Water Barrier skill bilang defensive skill laban sa Blaze.   “Next, ang Wind Blast. Ang skill na maaari namang gamitin laban sa mga water type monsters,” sabi nito. Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. Paanong matatalo ng simpleng hangin lang ang isang water type monster?   “Kapag ginamit mo ang Wind Blast sa water type monster, maaari itong lumikha ng malakas na electric current na siyang magbibigay ng malakas na damage sa mga water type monsters.”   Tumango-tango ulit ako bilang pagsang-ayon sa kaniya habang isinusulat ang sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay nagagawa niyang basahin ang nasa isip ko.   “Ang panghuli ay ang Earthquake. Nagamit mo na?” tanong niya. Kaunti na lang talaga at makukumbinsi na akong nababasa niya talaga ang nilalaman ng utak ko.   Umiling na lang ako bilang sagot.   “Ang Earthquake skill ay equivalent to earth. Obvious naman hindi ba?”   Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay parang nangaasar siya.   “Ang Earthquake naman ang mayroong pinakamalakas na damage sa mga wind monster. Halimbawa na lang ang mga level 40 Culicidae at Diptera. Mga ordinary monsters lang naman sila at simpleng Earthquake skill lang ay maaari nang pumatay sa kanila,” paliwanag nito.   “Paano mapapatay ng ground attack ang mga flying monster na gaya nila?” tanong ko naman dahil parang malabo ang ganoong senaryo.   “Hindi kasi porket ground attack, ibig sabihin ay hindi na nito kayang abutin ang mga flying monsters. Ang Earthquake ay isang pambihirang skill na kayang bumasag ng sahig at maging spikes na lupa na maaaring kumorner sa mga flying monsters. May special ability din ito na ikulong ang monster sa territory ng nasabing skill.”   Hindi ko naiwasang mapanganga dahil sa galling niyang magpaliwang. Talagang ngang marami na siyang alam sa larong ito. Para akong nagmistulang basing sisiw sa mga nalaman ko. Hindi nga ako nagkamali ng nilapitan. Si Unknown lang ang siyang bubuo sa akin at sa pangarap kong makamit ang natatangi kong hiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD