Chapter 11

1556 Words
“Kuya Grant…”   Napalingon ako kay Unknown dahil sa pagtawag nito sa pangalan ko.   “Hhmm?”   “Kita na lang tayo ulit after ng maintenance ha? Marami pa akong ituturo sa ‘yo.”   “Oo naman. Marami pa akong nais na malaman mula sa ‘yo.” Ngumiti ako kapagkuwan ay niyakap niya ako nang mahigpit.   Sa ilang araw na nakasama ko si Unknown ay masasabi kong ang dami na rin naging improvement sa character ko. From proper using of skills, equips, and elemental knowledge. Napakadami niyang alam sa loob ng larong ito. Masasabi kong para siyang isang microchip na puro importante ang nilalaman, such as techniques, clues, hints and so on. Ibang klase ang talas ng memory niya. Kahit isang beses niya pa lang nakita ang isang player ay basa niya na kaagad kung new player ito o old player na, kung may experience na o wala pa, at kung malakas ba o kulang pa sa kaalaman.   +++   Kagaya noong unang maintenance, ang kailangan lang naming gawin ay magtungo sa Winston City at pumasok sa Hollow Portal na siyang nagsisilbing lagusan pabalik sa totoong mundo. Para lang kaming natulog at magigising na kami sa reyalidad.   Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang nakasisilaw na liwanag mula sa ilaw sa kisame ang sumalubong sa akin. Naalala kong bigla, hindi ko pala ito napatay bago ako magsimulang maglaro. Malamang ay ilang araw na rin itong bukas. Dinampot ko ang cellphone ko sa tabi ng kama at low battery na rin ito. Nagpasya akong isaksak ito dahil panigurado ay marami na ring text messages doon regarding sa condition ni Hannah. Bumangon na ako at hinubad ang mga kagamitan in game. Iniwan ko na rin muna ang cellphone ko na naka-charge sa tabi ng kama at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng cup noodles na naroon at sakto din dahil malapit na pala ang expiration nito. Matagal-tagal din akong hindi nakakain ng totoong pagkain. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang buong katawan ko dahil sa ilang araw na tulog habang ang buong diwa ko ay pumapaloob sa loob ng RTS. Hindi ko naiwasang maalala ang mga nangyari sa akin sa loob ng RTS. Masasabi kong kahit paano ay marami na rin akong natutunan sa buhay-buhay nang dahil sa larong ito. Tinuruan ako nitong maging matapang at ibigay ang lahat ng mayroon ako sa abot ng makakaya ko para lang matupad ang minimithi kong kahilingan.   “Si Unknown, ano kaya ang kahilingan niyang nais niyang makamit?” Hindi ko naiwasang tanungin ang sarili ko dahil panigurado namang hindi maglalaro ang isang player kung wala itong ninanais na matupad sa totoong mundo.   Matapos maubos ang noodles ay nagtungo na ako sa banyo upang ayusin ang sarili ko. Doon ko lang din napagtantong nangangamoy na ako. Sino ba namang hindi mag-iiba ang amoy sa ilang araw na hindi pagligo? Kaagad akong naligo at nang makatapos ay mabilis lang din na nagbihis. Doon ko lang binuksan ang cellphone ko at hindi na nga ako nagkamali, may limampung text messages from different persons – mga kaibigan namin ni Hannah, at isang unknown number.   Una kong binuksan ang mga text messages from our friends. As usual, nangangamusta and the others are cheering me up.   Kaya mo ‘yan, Bro. Malayo na rin ang narrating n’yo ni Hannah.   How are you, Pre? Any update?   Believe me, Grant. Hannah is a fighter.   Hindi ko naiwasang mapangiti sa mga words of wisdom nila. They are really our good friends. Sila rin ang tumulong sa amin noong malaman nila ang about sa condition ni Hannah. Luckily, may kaibigan din kaming masasabi naming mayaman and because of him all expenses sa hospital ay sagot na nito. Kung sabagay, sila naman kasi ang may-ari ng hospital and hindi rin naman tumutol ang parents nito tungkol sa nais nitong pagtulong sa amin. Ano pa raw at nagtayo sila ng hospital kung hahayaan lang nilang mawala basta-basta ang buhay ng kaibigan ng anak nila nang wala silang ginagawa? That’s the least daw that they can do for us pero para sa akin ay kulang pang kabayaran ang buhay ko bilang pasasalamat sa kanila.   “Who’s this unknown number?”   Nang buksan ko ang message ay nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. It was 2 days ago. Nagmadali akong lumabas ng bahay at tumakbo sa ospital kung saan naka-confine si Hannah. Habang sakay ng taxi ay tiningnan ko ang missed calls at umabot na ito ng bente.   “Manong, pakibilis po. Nagmamadali lang ako.”   Mabuti na lang din at walang traffic. Madali lang akong nakarating sa pupuntahan ko at kaagad na tinakbo ang silid kung saan tahimik na natutulog si Hannah. Sakto rin pagpasok ko roon ay ang pagdating ng doctor.   “Doc, how’s she?”   “O Grant, ikaw pala.”   “Pasensya na po, Doc. May inaasikaso lang kasi akong importante kaya hindi ako nakakabisita lately. So, how’s my fiancée?’    “For now, we cannot conclude but base sa monitoring namin, kahit paano ay nagkakaroon ng improvements sa kaniya. Talking to her from time to time may lead to her fast recovery and anytime sooner she might wake up.”   Para akong nabuhayan ng loob sa sinabi ng doktor. Meaning, sooner or later ay pwedeng bumalik na ang lahat sa normal. Anytime ay makakasama ko na siyang muli nang walang inaalala na maaaring mawala siya sa akin. Hindi ko napigilang yakapin ang doktor dahil sa labis na tuwa.   Pagkalabas nito ay kaaagad akong naupo at hinawakan ang kamay ni Hannah.   “Narinig mo ba ‘yon, Hannah? Malapit ka na raw maging okay. Magiging ayos na ang lahat. Hindi na ako makapaghintay. Pagkagising mo, ipagluluto kita ng paborito mo. Pupunta tayo sa France at aakyat sa Eiffel Tower at magpapakasal na tayo sa pangarap nating simbahan.” Hinalikan ko ang kaniyang kamay at hindi ko na napigilan ang maluha. “Mahal na mahal kita, Hannah.”   Ilang oras pa akong nanatili roon upang kwentuhan siya tungkol sa larong pinasok ko. Simula nang makilala ko si Jane hanggang sa pagsasama namin ni Unknown. Halos lahat na yata ay naikwento ko na sa kaniya maliban lang kay Jane na sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangang banggitin pa dahil wala namang namagitan sa aming kahit ano.   “Nakakatuwa talaga si Unknown. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Para akong nagkaroon ng kapatid in an instant.” Tumawa pa ako nang maalala ang pagiging clingy ni Unknown sa akin. Ni ayaw niya akong nagagalusan sa mga pagsasanay na ibinigay niya sa akin. Napahikab naman ako pagkatapos at nagpasyang tabihan siya sa hospital bed. “Sorry, Hannah. Ngayon lang ako magiging clingy sa ‘yo. Inaantok ako at gusto kong ikaw ang una kong makikita sa paggising ko.” Yumakap na ako sa kaniya bago ko ipinikit ang aking mga mata.   “Grant…”   “Sinong nandyan?”   “Grant…”   Madilim ang buong paligid. Wala akong makitang kahit na ano maliban sa isang liwanag na nagmumula sa ‘di kalayuan. Nagpasya akong maglakad palapit dito ngunit pakiramdam ko ay palayo ito nang palayo sa akin.   “Sandali!”   “Grant…”   “Sino ka? Magpakita ka!”   Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita pero pamilyar ang boses. Sigurado akong narinig ko na ang boses niya. Para akong nasa isang warp at sa isang iglap lang ay lumapit ang liwanag na pilit kong inaabot kanina lang. Humarap ito sa akin nang may matamis na ngiti sa labi.   “Grant, I’m just there.” Tinuro nito ang aking dibdib na animo’y tinuturo ang aking puso at sa isang iglap lang ay bumilis ang pagtibok nito.   “Jane…”   Bigla akong napamulat ng aking mga mata at mukha ni Hannah ang kaagad na nabungaran ko. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa sakit na unti-unting namayani sa aking puso. I feel guilty all of a sudden. Pakiramdam ko ay parang niloloko ko si Hannah dahil sa kakaibang pakiramdam na hindi ko naman pinlano o ginustong maramdaman pero nangyari na lang bigla. Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit at hinayaan ang mga luha kong magpatunay na siya at siya pa rin ang babaeng pipiliin ko hanggang sa huli.   “I’m sorry, Hannah. I’m sorry.”   Nang makauwi ng bahay ay pabagsak akong nahiga sa kama. Tulalang nakatingin sa kisame habang blangko ang isip nang marinig ko ang pagtunog ng game console. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko pala siya napatay kanina.   “We have finished our maintenance. Get back to the game to enjoy our exciting events.”   Saglit ko pang tinitigan ang game console. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa bang ituloy ang paglalaro ng RTS lalo pa at maaari lang itong makasira sa relasyon namin ni Hannah. Ngunit sa kabilang banda ay alam kong may naghihintay sa akin sa loob ng larong sinimulan ko – si Unknown at ang katotohanang walang kasiguraduhan ang lagay ni Hannah. Sa huli, nagpasya akong bumangon mula sa aking kama at isa-isang isinuot ang mga gamit ko sa laro.   “I’m sorry, Hannah. But I promise you, pagkatapos nito magiging ayos na lang lahat. Hinding-hindi na kita muling iiwan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD