Chapter 24

1247 Words
“Maligayang pagbabalik, Master Jin.”   Hindi makapaniwala si Jin habang pinagmamasdan ang mansyon kung saan nakaapak ang kaniyang mga paa. Napakalaki nito kung ikukumpara sa bahay niya sa RTS at sa totoong buhay. May malaki itong chandelier sa gitna na tila yari pa sa mamahaling kristal at ang sala, parang sa pelikula niya lang nakikita, may malambot na sofa at malaking Smart Television. Ang mga kagamitan ay may touch of gold at diamonds kaya hindi niya talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman. Mas lalo siyang namangha sa hagdan na nilatagan pa ng carpet na animo’y mga hari at reyna lamang ang maaaring umapak. Marami rin ang nag-aabang na mga katiwala sa pintuan. Nakauniporme ang mga ito habang nakatingin at nakangiti sa kaniya.   Teka? Ako? Master Jin? Ibig bang sabihin ay bahay ko ‘to? Sa isip-isip niya.   “Nakahanda na po ang inyong silid, Master Jin,” sabi ng isa sa mga katiwala.   Hindi na siya nagdalawang isip at inihakbang papasok ang kaniyang mga paa papasok sa loob. Halos hindi mawala ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa labis na tuwa.   Aakyat na sana siya nang magsalitang muli ang katiwala, “Master Jin…”   Nilingon niya ito upang sagutin, “tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako.” Kaagad siyang umakyat sa taas at inisa-isa ang mga silid doon. Pakiramdam niya ay maliligaw siya sa loob mismo ng kaniyang pamamahay dahil sa rami ng silid at pasikut-sikot. Napahinto siya sa tapat ng isang silid sa pinakadulo ng hallway at kaagad na binuksan ang pinto nito. Tumambad sa kaniya ang perpektong silid na pinapangarap niya. Magarang kagamitan, malaking silid, sariling sala sa loob ng silid, veranda at kung anu-ano pa. Mabilis siyang tumakbo palapit sa kama at nilundag iyon. Hindi nga siya nagkamali, napakalambot noon at kay sarap higaan. Hindi niya naiwasang makaisip na kapilyuhan ng mga oras na iyon. Mga naggagandahang babae na nakapalibot sa kaniya at katabi niya natutulog sa kamang iyon. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa kaniyang mukha habang sinasariwa ang mga makamundong pantasya.   “Ang saya siguro kung kasama ko rito si Jane at Hatake.”   Hindi man niya aminin ay likas talaga sa kaniya ang pagiging mahilig sa mga babae. Para sa kaniya ay para silang mga bulaklak na kailangang alagaan at diligan araw-araw. Dahil sa isiping iyon ay hindi niya naiwasang pamulahan ng kaniyang mukha at hawakan ang kaniyang pinakatatagong sandata sa loob ng kaniyang pantalon. Napabalikwas siya ng bangon at mabilis na tinungo ang isang pinto na hinuha niya ay ang C.R. ng kaniyang kwarto at tama nga siya. Para itong isang buong silid sa laki. May sarili itong jakuzi sa loob at shower. Nakahiwalay din ang bowl nito at lababo. Ang mga tuwalya at bathrobe ay maaayos ding nakasalansan sa walk-in closet nito. Hindi siya makapaniwala sa nakikita lalo pa at ito ang buhay na matagal niya nang pinakaaasam.   Ngunit sa kabila noon ay hindi na lingid sa kaniyang kaalaman ang kakayahang taglay ng boss monster na Lucid. Lumilikha ito ng isang ilusyon sa pamamagitan ng isang panaginip. Mga ilusyong hinulma mula sa kaibuturan ng puso ng isang manlalaro. Mga pangyayari na halaw sa pagnanasa ng bawat indibidwal na makakaharap nito. Mga hiling na ninanais nilang matupad.   Hindi na nagdalawang isip si Jin at kaagad na naghanap ng bagay na maaari niyang magamit upang talunin ang ilusyong likha ng Lucid. Lumabas siya ng banyo at nakita ang isang gold club sa gilid ng veranda. Kaagad niya iyong kinuha at inihampas sa mga pigurin na naroon. Narinig niya pa ang pagkatok mula sa labas ng kaniyang silid ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay pinaghahampas niya pa ang lahat ng naroon sa kaniyang paligid hanggang sa tuluyan itong masira. Nagmistulang dinaanan ng bagyo ang buong silid dahil sa ginawa niya. Wasak-wasak ang mga kagamitan maging ang kama ay nahati rin sa dalawa. Ang lamesa ay basag na rin maging ang mga nakapatong doon ay nagkapira-piraso.   “Yosh! Ngayon, tayo naman ang maghaharap,” sabi niya at unti-unting bumalik sa normal ang lahat. Bumalik siya sa reyalidad sa loob ng RTS kung saan nasa bundok sila ng Nivalis. Natagpuan niya si Hatake na nakaupo roon habang tila naghihintay sa mga susunod na mangyayari.   “Magaling, nagawa mong makaligtas sa sumpa ng Lucid,” papuri nito habang nakangiti.   “Ako pa ba?” Ngumiti siya pabalik dito at nilapitan ito. Walang sabi-sabi niya itong inakbayan dahilan para mabigla ito at tutukan siya nito ng hawak na sandata. “Chill lang, eto naman,” sabi niya nang itaas niya ang kaniyang mga kamay.   “Si Grant lang ang may karapatang humawak sa akin,” pagsusungit nito bago ibinaba ang hawak na sandata.   “Nako, hindi ka magugustuhan ni Grant.”   “At paano mo naman nasabi?” tanong nito. “Dahil ba kay Jane?”   Nagkibit-balikat lang si Jin dahil sa totoo lang ay hindi niya rin masabi lalo pa at hindi naman nagkukwento si Grant tungkol sa buhay nito sa labas ng laro.   “Gagawa ako ng paraan para magustuhan ako ni Grant,” sabi nito. Napakamot na lang siya ng ulo dahil doon.   +++   Ilang oras pa ang lumipas bago nagising si Jane mula sa matinding bangungot. Habol ang kaniyang hininga at napansin niya ring malaki ang ibinaba ng HP niya. Hindi niya akalaing ganoon pala ang epekto at lakas ng Lucid. Doon niya napagtantong kulang pa ang kaalaman niya sa pakikipaglaban at impormasyon tungkol sa mga boss monsters.   Napalingon siya sa dalawang nasa harapan niya na nakaupo habang tila hinihintay sila.   “Welcome back, Jane.”   Sandali pang humugot ng malalim na hininga si Jane bago nag-cast ng skill upang punuin ang health points niya.   “Cure!”   “Si Grant?” Iyon kaagad ang naisip niyang itanong sa mga ito. Sa kabilang banda ay iniisip niya kung anong ilusyon ang nasa panaginip ngayon ni Grant.   “Natutulog pa rin siya,” sagot ni Jin.   Napalingon siya sa katawan nitong nanginginig sa lamig. Kapansin-pansin din ang unti-unting pagbaba ng HP nito. Masama ang kutob niya dahil sa nangyayari.   “Grant! Grant!” Kahit anong gawin niya ay tila hindi siya naririnig nito. Hindi niya maiwasang mag-alala para dito.   “Balewala ‘yan. Hindi ka niya maririnig,” sabi ni Hatake ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay nagpatuloy lang siya sa pagtawag dito.   Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at niyugyog. “Grant!” Sa inis niya ay sinuntok niya pa ito sa dibdib. Mas tumatagal kasi, pakiramdama niya ay mas lalo lang itong mahuhulog sa kapangyarihan ng Lucid.   “H-Hannah…” Natigilan siya dahil sa pangalang lumabas sa bibig nito.   Sino si Hannah?   Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng pagbigat sa kaniyang dibdib. Aminin niya man o hindi ay nakaramdam siya ng selos and at the same time, curiosity kung sino ba ang Hannah na kasama nito sa panaginip?   “Grant! Grant! Gumising ka, Grant!” Dahil sa bigat ng nararamdaman niya ay hindi niya namalayang tumulo na pala ang kaniyang mga luha. Nakakaramdam siya ng inis kay Grant ngunit mas nakakaramdam siya ng inis sa kaniyang sarili dahil sa hindi niya maiwasang mahulog dito.   Mariin siyang pumukit at sinuntok ang dibdib nito sa huling pagkakataon nang mapamulat siya nang hawakan nito ang kaniyang pisngi at punasan ang mga luhang naroon.   “Jane…”   “Grant!” Sa huli ay napayakap na lang siya rito dahil sa tuwang sa wakas ay bumalik na ito sa piling niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD