Chapter 13

1281 Words
Battle Arena 6 in the morning   Lahat ng manlalaro ay kaniya-kaniya nan ang hanap ng pwesto dahil halos mapuno ang loob ng Battle Arena dahil sa nakatakdang labanan sa pagitan ng dalawang manlalaro. Ngunit ano nga ba ang mapapala nila sa labang ito?   “Grant!”   Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jin.   “Jin...”   “Ang tagal nating hindi nagkita.” Inakbayan pa ako nito at tumingin naman ako sa likuran niya. Kaagad niya rin iyong napuna kung kaya nagsimula na naman ang pang-aasar niya.   “Mukhang hinahanap mo si Jane ha?” sabi niya.   “Bakit ko naman siya hahanapin?”   “Nami-miss mo.”   Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Kahit pa anong sabihin niya ay mananatiling si Hannah lang ang babaeng mamahalin ko hanggang dulo.   “Maiba tayo. Ano bang nangyayari?” tanong niya. “Usap-usapan kasi sa buong RTS ang laban ni Ryzen. Sino bang kalaban niya?”   Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya lalo pa at pakiramdam ko ay ako ang puno’t dulo ng labanang ito. Naikuyom kong muli ang aking kamao sa galit. Paano nagawang patulan ni Ryzen ang isang bata?   “Ayan na sila!”   Napalingon kaming dalawa ni Jin sa entablado kung saan magaganap ang labanan nila. Nakatayo na roon si Ryzen habang nagalalakad naman si Unknown mula sa kaliwang bahagi ng Arena. Sinulyapan ko si Jin at nanlalaki ang mga mata niya habang tulalang nakatingin sa gitna ng Battle Arena.   “Hindi… Hindi ‘to maaari…” Halos pabulong ngunit dinig ko pa rin ang sinabi niya.   “Jin…”   “Grant, pigilan mo sila. Mamamatay si Unknown. Hindi niya kakayanin si Ryzen.”   Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.   “Pero malakas naman si Unknown,” sabi ko habang pilit pinapakalma si Jin. Kita ko ang takot sa mga mat ani Jin at ganoon din ang panginginig ng kaniyang katawan.   “Oo malakas si Unknown. Ngunit napakalaki ng agwat ng kakayahan nilang dalawa. Rank 10 lang si Unknown. Samantalang Rank 5 naman si Ryzen. Hinding-hindi mananalo si Unknown sa kaniya!”   Kaagad kaming tumakbo pababa sa lagusan patungo sa gitnang bahagi ng Battle Arena subalit isang barrier ang kaagad na humarang sa amin.   “Kainis! Jin, wala na ba tayong maaaring gawin?” tanong ko dahil sa pag-aalala.   Napabuntong-hininga siya bago umiling. Bakas sa mukha nito ang lungkot at labis-labis ding pag-aalala.   “Kailangan may gawin tayo. Baka kung mapaano si Unknown. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama.” Napahawak ako sa kwelyo ng suot niyang armor na gawa lanag sa balat ng hayop.   “Isa na lang ang magagawa natin sa ngayon.”   “Ano? Sabihin mo, Jin at gagawin ko ang lahat.” Nagsusumamo ako sa kaniya. Naghihintay ng magandang kasagutan.   “Ang magdasal na sana ay hindi siya paslangin ni Ryzen.”   Dahan-dahang nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod na lang. Sana nga ay hindi pero paano kung tuluyan siya ni Ryzen?   “Tumayo ka na, Grant. Sa ngayon ang kailangan nating gawin ay manood ng laban niya. Kailangan ni Unknown ng suporta natin. Sa ganoong paraan man lang ay maisip niyang hindi natin siya iniwan.”   Tama si Jin. Walang mangyayari kung mananatili lang ako rito at magmumukmok habang hinihintay ang pagkatalo ni Unknown.   “Jin, anong mangyayari kapag natalo ni Ryzen si Unknown?” tanong ko.   “Tataas ang Rank niya samantalang mawawala naman sa Rankings si Unknown,” seryosong tugon nito.   “Kasalanan ko ang lahat ng ito.” Hindi ko naiwasang sisihin ang sarili ko lalo na at iyon ang nararamdaman ko. Napayuko ako dahil sa labis na inis sa sarili. “Kung hindi sana ako nakipagsagutan kay Ryzen, hindi sana papagitna sa amin si Unknown. Hindi sana hahamunin ni Ryzen si Unknown sa walang kwentang labanang ito.”   “Tingin ko ay wala ka namang kasalanan. Malakas ang kutob kong dahil sa Rankings kung kaya hinamon ni Ryzen si Unknown. Alam niyang malakas na player si Unknown at alam niya ring kasama ang pangalan nito sa Top 10. Para umangat ang Rank ni Ryzen, kinakailangang niyang tumalo ng tatlong players na pasok sa Top 10. Isang low rank sa kaniya, isang same rank, at isang upper rank. Nagkataon lang na si Unknown ang napagdiskitahan niya.”   Napatingin ako Kay Jin dahil sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang magalit sa nakaisip ng mapanganib na larong ito ngunit sa kabilang banda batid kong nasa amin pa rin ang desisyon kung maglalaro kami o hindi, kung itutuloy pa namin kahit kapahamakan ang naghihintay sa amin, at ito ang piniling landas ni Unknown.   Sabay kaming bumalik kung saan naroon ang mga players at nanunuod ng matinding laban sa pagitan nina Unknown at Ryzen. Hindi ko napigilang mamangha sa klase ng kanilang mga galaw at pag-atake. Magaling silang umiwas at solido rin ang kanilang pinapakawalang mga skills. Bawat pagtama ay nagbibigay tensyon sa lahat ng manunuod.   “Aqua!” Isang malaking bilog ang bumalot sa buong field na siyang lalong ikinamangha ng lahat. Iyon din ang unang pagkakataon na may nakita akong ibang skill na ginagamit ng mga Elementalist. Isang support skill kagaya ng Water Barrier ngunit ano kaya ang binabalak ni Unknown?   Itinaas ni Unknown ang hawak niyang weapon. “Thunder…” unti-unting dumilim ang kalangitan na animo’y nagbabadya ng isang malakas na pagbuhos ng ulan. “Strike!” at sa sinabi niyang iyon ay mabilis niyang ibinagsak sa sahig ang kabilang dulo ng kaniyang sandata. Malakas na napasigaw si Ryzen sa labis na sakit nang tumama sa kaniya ang malakas na boltahe ng kidlat. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pag-asang maaaring manalo si Unknown sa labanang iyon. Hindi man niya mahigitan si Ryzen ay maaari siyang manalo sa pamamagitan ng combo skills at diskarte.   Dahan-dahang napaluhod si Ryzen dahil sa pinsalang natamo ng combo skill na ‘yon. Dahil doon ay nagsimulang umingay ang buong arena dahil sa bulung-bulungan ng naroon.   “Mukhang dehado si Ryzen.”   “Malaki ang tsansang matalo siya ni Unknown dahil long range attack ang gamit nito.”   “Dapat lang sa ‘yo ‘yan. Mayabang ka kasi!”   “Tapusin mo na ‘yan, Unknown!”   Lalong umalingawngaw ang ingay ng mga naroon dahil sa todong suporta na ibinibigay nila kay Unknown. Sinong mag-aakalang marami rin pala ang galit kay Ryzen?   “Land Barricade!”   Apat na posteng gawa sa lupa ang bumagsak mula sa kalangitan na siyang naging hugis kwadrado ang siyang nagkulong kay Ryzen sa loob. Animo’y nataranta naman si Ryzen nang magsimulang balutin ng harang na liwanag na nagmumula sa mga poste ang kaniyang buong paligid. Kasunod noon ay isang fire magic attack ang siyang naglagablab sa loob ng Land Barricade skill.   “Incineration!”   Ramdam namin ang init ng simoy ng hangin dahil sa skill na ‘yon. Lahat ay nagsigawan dahil sa malakas na pag-atakeng ‘yon.   “Tapusin mo na ang mayabang na ‘yan!”   “Dapat ka lang mamatay at sunugin!”   Tutok na tutok ang lahat sa labang iyon. Maging ako ay hindi makapaniwala sa mga nasasaksihan ko. Napakalakas ni Unknown. Walang-wala ang kakayahan ko kung ikukumpara sa kaniya. Para siyang isang bituing napakahirap abutin.   Ngunit isang malakas na tawa ang siyang umalingawngaw sa buong arena. Dahan-dahang tumayo si Ryzen habang patuloy sa pagtawa at sa isang wasiwas lang ng kaniyang espada ay mabilis na nabasag ang Land Barricade Skill.   “Huwag n’yo kong… MALIITIN!” At sa isang mabilis na pag-atake mula kay Ryzen ang tila nagpatigil sa pagtibok ng puso ko.   “UNKNOWWWNNN!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD