Napapangiti si Thadeus habang tinitingnan ang asawa, napakaganda nito sa suot na tube baby blue A-line dress. Sa tulong ni Jane lalong gumanda ang asawa. Nagsuot din ito alahas na galing sa vault ng West Palace. Para itong bata kung mamangha sa mga kumikinang na mga alahas na nakapaligid dito. Pero sa huli, ang pinakasimpleng drop pearl earring ang pinili nito at dainty diamond and pearl necklace. Kumuha siya ng tiara, at ibinigay dito, ayaw pa nito noong una, ngunit pumayag din kalaunan dahil sa pangungumbinse niya. Nang ikabit ni Jane ang tiara sa ulo nito naka top knot, a high updo na bumagay sa diamond tiara na ibinigay niya. Na emphasize ang high cheekbones at ang malapusong hugis ng mukha nito. Kagaya ng ibang lalaki, naiinip siya sa mga babae kung mag-ayos. Ngunit hindi pagdatin

