"Bakit ganyan ang suot mo? Dito lang naman tayo sa bahay," saad ni Thadeus na hindi nagustuhan ang suot ng asawa. Naka yellow tube dress ito. Lalong lumutang ang malasutla nitong kutis dahil sa kulay ng damit na suot. Nakatali rin ang buhok nito na lalong kitang kita ang makinis na balikat nito. Emphasized din ang hubog ng dibdib nito na lalong ikinainis ni Thadeus. "Pero may bisita tayo," saad ng asawa na abala sa pagtingin sa mga pagkain na ihahanda. "At saka mukhang mataas ang standard ng unang prinsesa, ayaw kong mapahiya," saad nito. Hindi napigilan ni Thadeus na tanggalin ang pagkakatali ng buhok ng asawa upang matakpan ang balikat nito. Napabuntong hininga na lamang ito. Lalong nainis si Thadeus nang makita si Caleb nakasama ng unang prinsesa at ni Hazel. Binati agad ng bisita a

