Alam ni Purity na nakaabang agad sa kanya ang mga itinalagang drayber at security personnel ni Thadeus. Hindi siya magugulat na may covert security din ito na sumusunod sa galaw niya. Hindi direktang sinasagot ni Thadeus ang mga tanong niya. Pinapalabas nito na na-love at first sight ito sa kanya noong nagperform siya sa club ni Boss Joel. Sa palagay ni Purity may mas malalim dahilan kung bakit ayaw siyang pakawalan ni Thadeus. Tama si Boss Joel, kailangan niyang sakyan si Thadeus at hindi magtitiwala rito. "Sa Ancient Battle Gym po tayo," sabi niya sa drayber na nakaabang sa front ng kanilang building. Hindi nagkamali si Purity, alam nito ang kanyang schedule. Napapangiti, naisip na lang ni Purity na parang kumpetisyon ang namamagitan sa kanila ni Thadeus. Ang gym ay nasa umuukopa ang

