Brutal Talks

1535 Words
"Ayaw ko nang lumayo Thadeus, kailangan kong bumalik. Lunch lang naman ang paalam mo. Ako ang mamimili," sabi niya rito na may pagkainis. Pangiti ngiti lang si Thadeus, sabay halik sa kanyang kanang kamay na hawak nito. Nasa loob sila ng magarang sasakyan nito. Nakita niya ang mga nagbabagang mata ni Vanessa na nakatingin sa kanila habang naglalakad sa pasilyo ng unibersidad papuntang sasakyan ni Thadeus. Kulang na lang tumimbwang siya sa sama ng tingin nito. Dyahe naman kung dadalhin niya ito sa turo turo, mamaya may makakita pa sa kanila at isumbong siya sa Dean. Sinabi niya sa driver nito ang korean buffet restaurant na gusto niya na malapit lang sa unibersidad. Ito ang pinili niya dahil may 2-hour limit lang at mabubusog pa siya. matagal tagal na rin nang nakapunta siya rito. Hindi ang klase ng restaurant na madalas pinupuntahan ni Thadeus pero bahala siya sa buhay niya. matagal na rin siyang nagkicrave ng korean food. Nagulat pa siya nang dumating ang mga karne na iihawin nila ay mukhang sanay si Thadeus. Pinagsisilbihan pa siya nito. "Bakit hindi mo sinabi na ikaw ang speaker namin kanina?" tanong niya habang pinagbabalot siya nito ng karne sa lettuce. "Kung sinabi ko sa iyo ay di hindi ko nakita na may sarili ka palang mga hairstylists sa school mo," sagot pa nito. "Wala iyon, mga kaklase ko lang sila at mababait naman ang mga yun." Napabuntong hininga ito at tinitigan siya. "Mga lalaki pa rin ang mga yun, Puridad. Kahit saang anggulo maganda at sexy pa.. Gagawin ng mga lalaki ang lahat para mapansin mo," sagot nito na para bang naiirita. "Mukhang exaggerated ka naman kung makapagsalita tungkol sa alindog ko, above average lang naman ang look ko, di naman ganun ka outstanding," pabirong sabi niya. "O sige, ganto na lang i describe ko sa iyo. Itong mga labi mo, may natural na kulay na rosas, at malambot. Kaya nga hindi ko mapigilan ang halikan ka," Kinintalan nga siya nito ng halik. Lumingon siya kung nakita sila, mabuti na lang at busy ang lahat magihaw. "Ang mga mata mo, I've never seen such beautiful eyes in my life. So expressive, I wonder how it turn out if you make love to me and reach your climax." Bago pa siya nakapag react, sinubuan siya nito ng grilled beef. "Ang mga pisngi mo, ang kinis, at gustong gusto ko kapag nahihiya ka kasi namumula ang pisngi mo pati na ang kilay." Nararamdaman ni Purity na parang humahaba ang kanyang buhok at namumula ang kanayang pisngi. Nakakataba ng puso ang mga sinasabi nito. Bumaba ang paningin nito sa kanyang dibdib, biglang uminit ang katawan niya. "Alam ko kung gaano kalaki at kalambot ang mga dibdib mo. Biniyayaan ka sa hinaharap mo ng husto na pangarap ng mga kababaihan tulad ni Blythe at Vanessa." "Talaga? peke ang mga boobs nila Blythe at Vanessa? Well... naiintindihan ko kung alam mo ang kay Blythe pero si Vanessa...huwag mong sabihin na..." Umiwas ng tingin si Thadeus at napatango si Purity. "Ahhh...natikman mo na rin pala ang u***g ni Vanessa," sabi niya habang nakataas ang kilay? "Naramdaman mo siguro ang silicon sa loob ng malambot na laman dahil hinimas mo ng husto," galit na sabi ni Purity. Lumaki ang mata ni Thadeus at napailing, "grabe, hindi akalain na ganyan ka kabrutal magsalita. Masyadong malalim ang bukabularyo mo ah," sarcastic na tugon nito. "Well... ganto talaga ako. Kung ayaw mo, pwede mo namang ayain si Vanessa at kayo na lang ang kumain. Mukhang gusto ninyo uling maulit ang mga nangyari sa inyo, nasarapan ata sa iyo," Ngumisi si Thadeus at nakakalokong tingin ang ibinigay sa kanya. "Nagseselos ka ba baby? Kung gusto mo pwede mo naman akong patikimin ng u***g mo, magaling ako magpatigas ng mga iyan,' sabi nito sa mahinang boses. "Bastos ka talaga Thadeus, kumakain tayo," sabi niya. "Pag ako bastos, pag ikaw okay lang? Grabeng double standard naman nya, baby ko." sagot nito. Kinilig si Purity kung paano nito sinambit ang endearment nito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, wala akong balak na tikman ulit ang u***g ni Vanessa. Matagal, na iyon at saka lasing ako nun. Wala nga siyang epekto sa akin noon kahit ilang beses niya akong inaakit, ngayon pa kaya?" "Hmmp!" "Gusto mo malaman kung bakit?" Napatingin si Purity kay Thadeus, naging interested. "Halika lumapit ka, ibubulong ko sa iyo." Lumapit naman si Purity. "Dahil nakita ko na pangit siya kapag walang makeup," bulong nito. "Hindi nga? Niloloko mo ata ako eh," sagot ni Purity, sa mga nanglalaking mga mata. "Totoo, malalaki ang mga pores niya. At may acne siya, natatakpan lang ng concealer at foundation." Ngumisi si Purity. "Ahhh kaya pala baka totoo ang sabi ng mga kaklase ko tungkol sa kanya. Tsismis lang nman ito pero dahil sa nabanggit mo na ang tungkol kay Vanessa, sasabihin ko na lang sa iyo." "Hindi ako interesado," sabi nito. Sinubuan ni Purity ng wrapped lettuce meat si Thadeus upang makinig sa kanya. Pinilit niyang huwag matawa, dahil gusto niyang makita ang reaksyon nito. "Sabi ng mga kaklase ko, si Vanessa daw ay si Vincenzo dati," sambit niya at sumubo ng grilled beef. Biglang napahinto sa pag ihaw si Thadeus at natigagal na nakatingin kay Purity. "Ikaw ata ang nangloloko sa akin eh, hindi maaaring lalaki si Vanessa dati," sabi nito na hindi makapaniwala at parang diring diri sa sarili. "Paano mo nasabi na hindi totoo? Naalala mo ba ang nangyari sa inyo? Di ba lasing ka?" "Oh my god!" sambit nito na tuluyan ng nanghina at para bang natulala pa. Ipinagpatuloy ni Purity ang ginagawa nito at ito naman ang pinagsilbihan niya. Tila parang nawawala sa sarili si Thadeus at hanggang sa mga oras na ito ay hindi matanggap ang nangyari sa kanya at kay Vanessa dati, "Huwag ka kasing fuckboy. Lahat kasi ng may palda pinapatos mo. Di bale operada naman, so ibig sabihin, parang babae na rin yun. Kung baga sa pagkain, para kang nakakain lang ng exotic food." "Huwag mo ngang maikumpara ang nangyari sa amin sa pagkain!" sabi nito ng malakas. Naawa naman siya kay Thadeus pero gusto niya itong pahirapan. "Ganito na lang huwag ka ng manghina dyan, aalamin ko mamaya kung totoo yun. Sasabihin ko pag-uwi ko. Halika na kain na tayo," yaya ni Purity habang sinusubuan si Thadeus ng grilled meat na may cheese. "Dito mo lang pala niyaya si Purity, akala ko naman sa Okada Hotel dyan sa malapit," sabi ni Vanessa na hindi nila namamalayan na nasa harapan na nila. "May I join you?" sagot nito. "Sure," sagot ni Purity ngunit tumataginting na "No,'" ang sagot ni Thadeus. Mukhang nasaktan si Vanessa at lumabi ito. "Why Thadeus? We'd been intimate before. This is just joining you in a meal," sagot nito. Ngunit nagulat siya sa sinagot ni Thadeus. "I don't want to have a meal with a man pretending to be a woman who'd been intimate with me before. That was disgusting!" Napamulagat ang mata ni Vanessa sa pagkagulantang sa sinabi nito. "Are you saying that I was a man?" "At least, you had this one right Vanessa, or I shall say Vincenzo?' sagot nito. Kinakabahan si Purity, naku po! Minsan na nga lang siya mag-Marites, kakarmahin agad. Hindi naman niya akalain na darating si Vanessa at kukumprontahin gaad ito ni Thadeus. "How dare you! You believe this b***h?" maarteng sabi nito na medyo may kalakasan at napalingon sa kanila ang ilang customer na malapit sa kanilang mesa. Napangiwi si Purity. "How could I not have known? I saw your face without makeup, and it was different. You looked like a man." "Damn you! I never been insulted like this before. I'm telling you this Thadeus Gerges, I swear on my grandmother's grave that I am a woman. You're so full of yourself, you're not that good in bed," nanggigil na saad nito sabay alis. Akala ni Purity magagalit si Thadeus sa kanya nang umalis si Vanessa. nagrereklamo ito na brutal siya, eh malala nga ito sa kanya. Spot on kung makapagsalita kahit ina pa nito. Ngunit napakunot-noo siya dahil ngumiti si Thadeus. "Bakit ka ngumingiti? Napatunayan mo na ba na babae siya talaga?' tanong ni Purity. "Well...baby... You're such a gossip monger that you could create civil war with your mouth. I'd proven two things after our conversation. One, she isn't gay. Two, she really looked like a man. I was just bluffing." "Hindi ka galit sa akin?" tanong niya. "kasi prinank kita?" Umiling ito, "One thing I realized too, I need to be careful next time." "So, may balak ka pa talagang maging fuckboy? Magiging choosy ka lang ganun?" galit na tanong ni Purity. Ngumisi si Thadeus ng nakakaloko. "Willing akong maging fuckboy mo, kung gusto mo ngayon na. Ikaw lang promise!" saad nito. Pinasakan niya ng lettuce wrap ang bibig nito sa inis. Ngunit parang balewala lang ito kay Thadeus, kinain nito ang mga inilalagay niya sa bibig nito. "Easy baby, I'm all yours. I find your jealousy, cute." saad nito sabay kindat. Nararamdaman na naman ni Purity ang dagundong ng puso niya. Parang kahit anong pigil ayaw magpapigil nito. "Oh my heart!" Hindi siya maaaring mainlove sa tulad ni Thadeus, masasaktan lang ang puso niya nghusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD