"Itigil na ninyo yan," utos ni Purity. Ngunit hindi nakikinig ang mga ito, mukhang gustong gusto ng mga ito ang ginagawa. "ililibre ko kayo ng kape, itigil lang ninyo yan"
Biglang itinigil ng mga ito ang ginagawa, nakangisi na tumingin na ang mga ito sa harapan. Parang gustong matunaw ni Purity sa kanyang kinauupuan, nakatitig sa kanya si Thadeus habang nagsasalita na para bang nag-iisa lang siya sa audio visual hall.
Sa wakas natapos din, wala siyang naintindihan dahil sa kaba. Tumayo na agad siya, meron pang photo ops pero hindi na niya pinansin. Tinatawag din siya ng mga kaklase ngunit hindi niya nilingon.
Bakit ba apektado siya ng husto kay Thadeus?
"Miss Ignacio saan ka pupunta?" nagulat pa si Purity nang tawagin ng kanyang professor. "Gusto ni Mr. Gerges na makita ang mga facilities natin at gusto niya estudyante ang mag assist sa kanya."
Napatango si Purity, "ang arte naman ng isang iyon, akala mo kung sinong prinsipe," saad niya sa sarili habang nakaismid. Napangiti siya, totoo nga pala na prinsipe ito.
"Naisip namin, dahil ikaw lang ang nag-iisang babae sa klase at ikaw rin naman ay magaling na estudyante, mas maganda na ikaw ang magtour sa kanya,"
"Ako po? Pero hindi naman ako ang pinakamagaling. Bakit hindi na lang si Joseph, sigurado akong matutuwa iyon," suhestyon niya. Si Joseph ang kaklase nila na napaka competitive. Obsessed itong maging number one parati sa lahat ng bagay. Iniisip nga niya kung nag-ienjoy ba ito sa buhay, mukhang parati itong depressed.
"Nagpaalam si Joseph, hindi siya naka-attend ngayon dahil may mahalagang inaasikaso."
"Mga nasa higher year level po kaya? Tama sir... mas may alam ang mga iyon, freshman pa lang ako eh."
"Gusto ni Mr Gerges ay galing sa freshmen ang magtour sa kanya. Ang lecture ay para sa mga freshmen, hindi sa mga higher levels. Huwag ka ng magdahilan dyan, tutal naman ay nandito ka na. Halika ka na sasamahan kita sa kanya." Tumalikod na ito at lumakad patungo kay Thadeus. Walang nagawa si Purity kundi ang sumunod.
Naabutan nila si Thadeus na kausap si Vanessa De Guzman. Napataas ang kilay ni Purity nang makita niya kung paano magpacute si Vanessa rito. Mukhang feel na feel naman ng damuho, lumalabas ang mga dimple nito habang nakangiti.
"Mr. Gerges, narito na po ang mgatotour sa inyo sa mga facilities namin, si Ms. Purity Ignacio," Pakilala ni Professor Yanna. Nagsalubong ang kanilang tingin, ngumiti ito sa kanya at magaling magkunwaring hindi siya kilala nito. "Ikinagagalak kitang makilala Miss Ignacio," sabi nito habang iniaabot ang mga kamay.
"Ako rin po Mr. Gerges, ikinagagalak ko kayong makilala," kimi niyang bati. Nakita niya kung paano tumaas ang kilay ni Vanessa.
"So, paano, maiiwan ko na kayo Mr. Gerges, Ms. Ignacio ikaw na ang bahala sa kanya. Halika na Ms. De Guzman, mag-uumpisa na ang klase nyo sa akin," sabi ni Professor Yanna.
"Pero sir, pwede naman pong kaming dalawa ni Purity ang magtour kay Mr. Gerges," protesta ni Vanessa.
"Pwede naman, pero hindi na ako magbibigay ng isa pang pagkakataon para sa iyong pagsusulit," sagot ni Professor Yanna.
Napangiti siya, ang cool talaga ng professor nila na ito. Bukod sa napakamagaling, mag timing kung kelan tumira. Sumimangot si Vanessa at parang nagdadabog na naunang umalis. Inayos ni Professor Yanna ang kanyang salamin sa mata, napailing at tumango kay Thadeus.
Nagpatiuna na siya, hindi siya tumitingin kay Thadeus. Wala silang imikan. Tumikhim muna si Thadeus bago nagsalita. "Ilang laboratories meron kayo sa ngayon?" tanong nito.
"Meron po kaming pitong laboratories, usually combined with some engineering students. Una ang Basic Electronics Laboratory, kami lang ang gumagamit nun, iyon muna una nating pupuntahan." Binuksan na niya ang pinto ng laboratory.
"Ano ang pinaggagamitan ninyo nito?" tanong ni Thadeus naman para bang sinusubukan siya. Napangiti siya, syempre alam niya."Ginagamit namin ito sa logic design and telecommunications experiments. This laboratory houses state of the art test and measurement setups each including a power supply, a multimeter, a signal generator, a mixed signal oscilloscope and a personal computer." Isa isa niyang itinuro ang mga equipment.
"This is also equipped with the necessary hardware and software for experimenting on field programmable gate arrays," dagdag pa niya.
Hindi nagsalita si Thadeus, ngunit iniikot naman nito ang mga mata na para bang interesado naman. Sinigurado rin ni Purity na may espasyo sa pagitan nila, mahirap na, baka matukso pa siya.
Napakakisig nito sa suot, grey jacket ito at pure linen dress shirt. Magaling ito magdala ng damit, no wonder halos ikiskis na ni Vanessa ang katawan nito sa kanya.
"Ano pa ang gamit ng laboratory na ito?' tanong nito habang palapit sa kanya. Titig na titig. Nasasamyo na niya ang masarap at masculine scent ng perfume nito.
Napakunot ang noo si Purity, habang humahakbang paatras. "Wala na, yun lang ang alam kong gamit ng laboratoryo na to," sagot niya.
"May nakalimutan ka Ms. Ignacio, isipin mong mabuti." Nagulat pa si Purity ng tanggalin ni Thadeus ang pagkakatali ng buhok niya.
"Much better," saad nito habang ang mga kamay ay humahaplos sa mga hibla ng buhok niya.
"Wala na akong alam," sagot niya habang ninenerbyos. Ano ba ang balak ng isang ito? Mukhang gusto siyang kainin ng buhay sa loob ng laboratory nila.
"Well, ako na lang ang magsasabi sa iyo. or let me demontrate," sagot nito sabay hila sa kanya. Muntik nang mapasigaw si Purity sa pagkabigla. He kissed her hair and pressed her even closer. His lips moved over her hair and she shivered.
"Ano ang ginagawa mo Thadeus, baka may makakita sa atin baka kung ano pa ang isipin," mahinang saway niya.
"Trust me baby, my men were outside and they won't let anyone barge in here because I'll fire them."
Nagpumiglas si Purity. "Ano ang ibig mong sabihin? Ano ang binabalak mo Thadeus? Pakiusap huwag mong gawin."
Tumawa si Thadeus at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.
"Gusto ko lang namang i demonstrate sa iyo kung ano pa ang pwedeng gamit ng laboratoryo na ito. Then he kissed her, with all the hunger and passion. One kiss followed another, then another, his hands reaching down to curve over her buttocks and pull her into him as much as clothes would allow.
Inilagay ni Purity ang dalawang mga kamay sa dibdib nito. She could feel the heavy thud of his heart beneath the palms of her hands resting against his chest... Both his arms were around her, pressing her against him, and she felt his body hardening, merging with hers. She trembled as his lips feathered brief, tormenting kisses against her temples and down to the vulnerable curve of her neck.
"Gusto ko lang ipaalala sa iyo baby, na ito ang maaaring gawin dito but you are not allowed. Only me could touch your your body up to the tip of your hair," anas nito.
Nagpumiglas si Purity at sa sandaling iyon, binitawan naman siya ni Thadeus. "Anong palagay mo sa akin nakikipaghalikan sa loob ng laboratory? Halika na, itotour pa kita sa ibang laboratories," saad ni Purity habang nagpatiuna na.
Pangalawa nilang pinuntahan ang Electrical Machines and Power Electronics Laboratory. kapag nasa loob na sila, hinahawakan ni Thadeus ang mga kamay niya habang siya naman ay parang tanga na nagpapaliwanag habang nakatitig sa kanya.
"Nakikinig ka ba?" inis na tanong niya habang pinipilit na pinipiksi ang mga kamay na hawak niya na hawak nito.
"Yes, ipagpatuloy mo lang," saad pa nito at hindi siya pinayagang kumawala.
Pumunta sila sa Telecommunication and Research Laboratory, dito naman, yumakap si Thadeus hanag nagpapaliwanag siya. Hinayaan na lamang ni Purity ito, tutal wala namang nakakakita. Sinabihan kasi siya nito na kapag hindi niya hayaan lang ito ay isusumbong siya sa school adminstration na hindi siya maganda mag asiste sa bisita.
Nang nasa Microelectronics Fabrication Laboratory sila, hinahalikhalikan na ni Thadeus ang kanyang leeg habang nagpapaliwanag siya. Nang makahanp ng pagkakataon, kumawala siya at nagpatiuna na sa susunod na pasilidad.
Binilisan niya ang pagapaliwanag nang nasa Micro-Electro-Mechanical Systems Design Laboratory. Para silang mga bata na naglalaro sa loob, dahil pilit siyang lumalayo rito, habang natutuwa naman sa kanya si Thadeus.
Sa wakas at natapos na rin at nakahinga ng maluwag si Purity. Ngunit nabigla na namn siya nang hilain siya nito sa gilid at very gently he pulled her against his hard body, and lowered his head to hers. The kiss was like no other kiss they had shared, simula nang nakipagflirt ito sa kanya sa kanilang tour. It was soft and unbearably tender and went on and on. She lifted her free hand to curve around the nape of his neck, but his head lifted and he released her with a small sigh.
"Are you hungry baby?"
"Yes, pero I promised my classmates to have coffee with them."
Thadeus growled, "bigyan mo na lang sila ng pangkape. I want you to have lunch with me."
"May klase ako Thadeus," sagot niya.
Nang dumating sila sa conference hall, sinalubong sila ng Dean ng College of Engineering. "Miss Ignacio was a very good tour guide, I enjoyed the tour. I noticed that you don't have Quantum Devices and Nanophotonics Research Laboratory. My company will allot funds for the said project. My assistant will ontact you very soon." Lumiwanag ng husto ang mukha ng Dean at nagpasalamat ito kay Thadeus. "I just want to bring Miss Ignacio for a lunch today, to thank her for touring me around. It gave me a perception that you have lots of outstanding student here and you'll continue to produce quality graduates."
"Maraming salamat po Mr. Gerges, nakakataba ng puso ang iyong mga sinabi at taos puso po kaming nagpapasalamat." Lumingon ito sa kanya, "sige Miss Ignacio, samahan mo na si Mr. Gerges."
Ngumiti si Purity pero sa kanyang kalooban naiinis siya dahil sa pagiging manipulative ni Thadeus.