Naalala niya si Boss Joel, at ang misyon niya sa kapatid nito. "Dumito ka na lang Purity, I'll give you freedom. I won't bother you tonight," ani pa nito. Nakahinga ng maluwag si Purity, hindi dapat siya naging padalos dalos.
Nang gabi rin na iyon, sinimulan niya ang kanyang imbestigasyon sa pamilya ni Thadeus. Ang nakatatandang kapatid ni Thadeus na pervert ay ikalawang anak na lalaki ng hari sa pangalawa nitong asawa na pinatalsik ng hari sa palasyo, stripped everything from her, including her status and wealth. Kasama sa pinatalsik ang anak nito na si Mansour. Bakit?
Unlike Thadeus who grew up as a prince, though bastard, si Mansour ay lumaki sa ina nito dito sa Pilipinas. Five years ago, napabalita ang ina nito na namatay at hindi man lang dumalo ang royal family kahit pinakasalan ito nang hari noon at kalaunan ay diniborsyo.
Si Monica Bernardo ay hindi kailanman pinakasalan kahit na entitled naman ang hari na makapagasawa ng marami. Ngunit kinilala ng hari si Thadeus at ng royal family na isa itong dugong bughaw. Lumaki si Thadeus sa poder ng kanyang ama at ng mga kapatid nito sa ama. Si Monica was just a mistress until now though she was provided with everything. Bakit? Nakakaintriga naman. Ganito pala ang feeling ng mga Marites, atat makakuha ng impormasyon.
Kinuha ni Purity ang lahat ng impormasyon tungkol kay Mansour dahil alam niyang hindi magbibigay ng kusa sa kanya si Thadeus kahit na gamitan niya pa ng alindog. Tiningnan niya ang background ng pamilya ni Mansour sa ina. Ang namayapang ina nito ay isang sales lady sa department store ng isang branded na apparel. Duon nagkakilala ang dalawa at kalauna'y pinakasalan ng hari ang isang hamak na sales lady.
Tiningnan ni Purity ang articles sa archives ng isang magazine, maganda ang ina ni Mansour Gerges. Exotic type beauty, na may maamong mga mata. Si Lucila Guillermo Gerges ay naging instant celebrity noong kapanahunan na iyon. Kumagat sa publiko ang istorya ng hari at ng isang commoner na sales lady. Ilang taon ding naging laman sila ng entertainment news.
Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, bigla na lang tiniwalag ng hari sa royal harem si Lucila ay pinalayas kasama ang anak nito. Bakit? Pagkalipas ng ilang buwang naging balibalita ang pagka link ng hari sa beauty queen turned actress na si Monica Bernardo.
Ang pinagtataka ng karamihan ay ang hindi pagpapakasal ng hari sa kanya. Naging hindi maganda ang imahe ni Monica sa mundo. Binansagan siyang mang aagaw, ang dahilan kung bakit naghiwalay si Lucila at ang hari. Ngunit ang hari ay may tatlong naunang asawa na at may anim na mga anak rito, bukod pa sa mga babae nito.
Kung siya ang tatanungin, hindi niya kayang sikmurain ang ganuong pamumuhay. Isipin lamang na makakasama mo sa ibang bahay ang mg karibal mo ay nakakadurog na ng puso. Bakit ba niya iisipin iyon? Hindi naman siya magiging prinsesa.
Si Mansour ay tulad niya graduate ding sa flying school at napakunot ang noo niya nang makita na iisang school lang sila nagtapos na pareho. Dahil nga kagat sa publiko ang Cinderella story ng kanyang ina at ang mga tao ay likas na pumapanog dun sa mga inapi, madaling napasok ni Mansour and modeling world dahil na rin sa kanyang angking gandang lalaki.
Tiningnan ni Purity and assets nito, he has a whooping 500 million dollar wealth. Paano? Binigyan ba ito ng hari ng malaking halaga bago sila pinalayas? Napakalaki naman para sa isang nagmomodelo? Hindi kaya may underground business ito kaya naging target nila?
Sa tagal ng panahon niya kay Boss Joel, at sa lahat nang naging target nila, hindi nag bibigay ng impormasyon si Boss Joel. Sila ang nangangalap ng impormasyon sa target nila at saka nila inirereport dito.
Bago siya natulog, tiningnan din niya ulit ang nakalap niya na impormasyon tungkol kay Thadeus. Hindi tulad ni Mansour, si Thadeus ay buhay prinsipe, enjoying all the benefits and privileges of being a prince. Nag training ito sa military, bilang isang piloto ng Air Force katulad ng crown prince. Naglalaro ng polo sa ibang mga royal families. May sariling security team at binigyan ng villa sa loob ng palasyo.
Lumaki sa Thadeus na wala ang kanyang ina. Monica Bernardo lived in the sideline. Laking gulat niya nang makita ang wealth nito, nakakalula ang 4 bilyon na dolyar na kayamanan nito. Walang wala ang kayamanan ni Mansour. Ang Gerges Tower kung saan siya ngayon nakatira ay pag-aari nito.
Tiningnan niya ang mga pag-aari nito, isa pala itong founder ng social media platforms at nagtapos sa kursong Computer
Engineering sa Ivy school sa Amerika. Mayroon din iton chain of hotels at pagmamay-ari din nito ang isa sa malaking oil company sa mundo.
Napabuntonghininga si Purity, hindi siya kailanman naging interesado kay Thadeus kaya ngayon niya nalaman ang mga ito. Si Mansour naman, ang una nilang inalam ay kung saan saan ito nagpupunta at kung saan ito naglalagi. Masyado itong obvious, noong naipatayo itong Gerges Tower, nagpatayo din ng isang skycraper na building si Mansour sa katapat ng tower.
Para bang ipinaaalam kay Thadeus na kaya niya rin. Mayroon din itong oil company na nakabase lang sa South East Asia. Nagtatag din ito ng isang isang online design tool na naging matagumpay noong una ngunit may bagong dumating sa market at naluma na ang mga features nito.
Napaisip si Purity, kung ang s****l fetish lang nito ang problema, hindi ito basehan upang maging target ni Boss Joel. There's something behind kay Mansour. The fact na nagpakamatay ang girlfriend ni Thadeus noon pagkatapos niyang agawin ay may kakaiba dito.
Kung parehong flying school sila nagtapos ni Mansour, ibig sabihin ba nito alam nito ang pagkatao niya tulad ni Thadeus? Alam ng iilan, kabilang na ang elitista na maimpluwensya si Boss Joel. Kinatatakutan ito ng iba pang sindikato, hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo. Ang mga lider ay may respeto dito.
Nakatulugan na ni Purity ang pagiisip at nang magising siya ay umaga na. May klase siya ngayong araw, kailangan niyang magmadali dahil malilate na siya. Pangalawang kurso na niya ito, ngunit hindi ibig sabihin na hindi na niya ito papasukan. Ito talaga ang kurso na gusto niya, noon pa.
Simple lang ang isinuot niya, wala naman silang uniporme. Faded jeans, puting blouse at sneakers. Itinali niya ang mahabang buhok na naka pony tail at saka dinala ang canvass bag. Nasa loob na ang kanyang hardware tools na kanyang gagamitin sa kanilang practicum.
Isang matandang babae na may mabait na aura ang naabutan niya sa kusina na naghahain ng almusal. Ngumiti ito sa kanya, "ako si Adela, bilin ni Thadeus na kumain ka ng almusal bago ka umalis ineng," sabi nito na magiliw na ngumiti sa kanya. Napabuntong hininga si Purity at ngumiti ng matamis, saka nagpasalamat.
"Atleast may tao na akong kausap, hindi mga dyosa at witches," sabi niya sa sarili saka sumandok ng sinangag at omellete. Pagpasok pa lamang niya ng elevator at may tumabi na agad na security personnel sa kanya. Mukhang pupunta ito ng lamay dahil sa napakapormal nito sa suot na itim na suit. Tulad ng mga bodyguards ni Thadeus.
Hindi na siya nagtaka nang paglabas iya ng hotel ay dumating agad ang magarang sasakyan na itim din at pinagbuksan siya ng pinto sa likod habang ito naman ay umupo sa harap. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Kelan pa nagkarun ng bodyguard ang magnanakaw na tulad niya?
Nang huminto ang sasakyan sa loob ng building nila, hindi na niya ito hinintay na pagbuksan siya. Bumaba at walang lingon na naglakad sa multipurpose hall kung saan may gaganapin na lecture tungkol Digital Electronics. Tinawag siya ng mga kaklase niya na makukulit.
Nag-iisa na lamang siyang babae dahil ang dalawang babaeng kaklase nila ay lumipat ng kurso. Dahil sa nag-iisa lang, nagiging center siya ng atensyon ng mga ito at pang-aasar. Natutuwa naman siya at nakikibagay sa mga ito. Itinuro ng mga ito ang upuan kung saan napapagitnaan siya ng mga ito, mukhang may gagawing kalokohan na naman ang mga ito sa kanya. nagpatianod na lamang siya.
Hindi nga nagkamali sa Purity nang ang mga kaklase niya sa likod ay nagumpisa ng pagtripan ang mahaba niyang buhok na binubuhol ng mga ito gamit ang lapis at bolpen. Nag aaral daw silang umimbento ng curling iron na tumatagal ang curls ng isang linggo. Ang isa sa kanila ay inabutan pa siya ng pineapple juice.
Napaubo siya nang makita kung sino ang speaker nila. Ang mga mata ni Thadeus ay umikot at napatiimbagang ito nang makita siya na nakaupo habang umiinom ng pineapple juice at may apat na barakong hair stylist.