The Prince's Mother

1356 Words
Napasigaw si Purity nang makita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa sala ni Thadues. Kalmadong kalmado, ma poise habang umiinom ng red wine. Pamilyar sa kanya ang mukha. Nakikita na niya ito sa mga magazine, television at entertainment website. Hindi lang niya maalala kung sino. Muntik pa silang naging exhibitionist, nakakahiya! Isa rin ba ito sa mga girlfriends ni Thadeus? Maganda ito ngunit hindi na bata tulad ng mga nalilink kay Thadeus. Marahil ay nasa early fifties na ito. Mahilig din ba si Thadeus sa mga matrona? My goodness! Wala palang sinasanto ang isang ito. Buti na lang, naudlot ang balak niyang pagsuko ng bataan. “Hello mother,” bati ni Thadeus sa seryosong mukha, mukhang hindi nito nagustuhan ang pagbisita ng kanyang ina. Nabitin na naman kasi, marahil isa itong premonition sa kanya na dapat hindi siya sumuko. Teka? Nanay ni Thadeus? Ibig sabihin ito si Monica Bernardo ang sikat na artista at beauty queen na may maraming acting awards na naging asawa ng hari? Na wow mali na naman siya. Ipinangako ni Purity sa sarili na simula ngayong gabi, pag-aaralan na niya ang family tree ni Thadeus. “I’m your mother darling, of course, I have the right to check on my son.” Sabi nito na nakangiti ng magiliw sa kanyang anak. Napaka sophisticated nito sa suot na cream suit at sa ayos ng buhok na naka French bun kahit maghahating gabi na. Feeling niya siya si Anastasia Steele na nahuli ni Dr. Grace Grey kasama anak nito na si Christian Grey sa adult novel na Fifty Shades of Grey. Bumaling ito sa kanya at tumaas ang kilay. Hinagod nito ng tingin ang kanyang kabuuan. Napaismid ito nang makita ang suot niyang maiksing checkered na skirt na school uniform, sneakers at itim na t-shirt na may mukha ng namatay na lead vocalist ng Nirvana na si Kurt Cobain. “Who is she?” sani nito. “She’s Purity Ignacio, my girl friend. Baby you already know my famous mother, Monica Bernardo," pakilala ni Thadeus na may halong sarkasmo. Napagtanto ni Purity na maging ang relasyon nito sa ina ay mukhang hindi rin maganda. Ano bang uri ng pamilya meron si Thadeus? Mukhang katulad niya, kulang din ito sa pagmamahal. “She’s too young to be your girlfriend. Did you change your taste? Are you tired of women with substance? You end up… with this… gold digger.. college girl who wanted your money for her tuition fee?” Hala! Okay na sana parang pang Miss Universe sa question and answer ang sinasabi ng ina nito dahil sa “woman of substance” na narinig na niya noon pa. Pero ang mga sumunod na sinabi nito ay parang shallow judgement lang ng isang spoiled brat na teenager. Naka uniform lang wala nang substance? Kaloka ang nanay ni Thadeus ha. Binabawi na niya ang sinasabi niya na para itong si Dr. Grace Grey, bagay dito ang character ni Baroness Rodmilla de Ghent and stepmother ng character ni Drew Barrymore sa Ever After. Matalas magsalita na hindi nag-iisip, paimbabaw lang ang pagiging sopistikada. Ngunit laking gulat niya nang magsalita si Thadeus. “I would have believed you, if you finish your college, not ditching school to be a mistress of a king. Purity is taking up Engineering with flying colors.” Ang brutal naman nito sa nanay nya. Kaloka!. Napahugot ng hininga ng malakas si Monica. “You never change at all Thadeus, you’re still cruel to your own mother. I left school because of you!” sabi nito sa galit na tinig, per nagpapakapoise pa rin “Cut the crap mother. You had me because you wanted my father to marry you. Don’t act like you’re perfect and bully other people. My girlfriend is a license pilot, her first degree. I don’t want you belittle her, again. Now if you don't have nothing to say, you can leave” Ayy hala ka! Hindi naman siya ganun katindi umangal sa madrasta niya at stepsister kahit na inaapi na siya. Nakakatakot naman itong si Thadeus. Kalurkey! Hindi makapagsalita si Purity sa pagkagulat. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Tanong niya sa kanyang sarili. Ginagawang midnight snack ang mga masasakit na salita upang saktan ang isa’t isa. Galit na hinablot nito ang mamahaling bag sa center table at umalis, habang si Thadeus ay nakatiim bagang pa rin. “Hindi naman kailangang umabot sa ganun ang pagtatanggol mo sa akin. Balewala naman sa akin ang mga ganuong salita. Sanay na ako at saka hindi ko iyon iniintindi. Napaka harsh mo naman sa nanay mo. Umalis tuloy na galit na galit.” “Hindi mo kilala kung ano ang kayang gawin ng ina ko Purity. Huwag kang mag-alala hindi ka gagambalain nun dito. Ipaaalam ko sa security na hindi na siya makakapasok.” “Pero… nanay mo pa rin siya. Masuwerte ka nga kasi may magulang ka pa, intindihin mo na lang sana. Ako wala nang magulang, matagal na, kaya dapat huwag ganun.” Napabuntong hininga ito. “Mahirap ipaliwanag, sabi ko naman sa iyo, malalim ang baho ng pamilya namin. Malalim ang pinahuhugutan namin. Kaya huwag mo nang alamin. Napatango na lamang si Purity. Ayaw rin niyang makialam, baka sabihin bida bida siya. Hindi na niya problema ang relasyon nito sa ina. Pero bigla niyang naalala ang sinabi nito. “Paano mo nalaman na pangalawang kurso ko na ang Electronics Engineering at pilot ako?” Ngumisi ito, “I told you baby, I have my ways.” “Ibig sabihin alam mo na…” “Alam ko na hindi ka nineteen years old kundi twenty-four?” “Alam mo naman pala eh, may patanong tanong ka pa. Pinaimbestigahan mo ba ako ha? Ano pa ang nalalaman mo sa akin. Magkaliwanagan nga tayo Thadeus, kundi aalis ako ditto.” Kinakabahan niyang tanong. Hindi maaaring malaman niya ang tungkol sa samahan, kundi wala siyang ibang pagpipilian kundi ang patayin ito, kahit na anak pa ito ng hari. “Pinapanuod na kita noon pa.,” sabi nito habang tinatagayan nito ang sarili ng alak na kinuha nito sa minibar. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Miyembro ako ng elite sa club ni Joel Dela Fuente. Nakita kita minsan na nagperform, ngunit nakamaskara ka. Interesado na agad ako sa iyo, ngunit masyadong mahigpit si Joel, hindi siya nagbigay ng anumang impormasyon tungkol sa iyo, maging ang kanyang mga tauhan. Kahit na inaalok ko ng malaking halaga. Pero maabilidad ako baby,” sabi nito sabay kindat. “Anong ibig mong sabihin?” “Nakuha ko ang iyong buong pangalan, kaya sinimulan kitang imbestigahan. Naka jackpot lang ako dahil nagulat ako nang makita kita dito mismo sa pamamahay ko. Kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.” “So, ikaw pala ang obsessed sa akin kung ganun?” Humalakhak si Thadeus, “you can say that baby,” sabi nito na sumeryoso at tumitig sa kanya. “I told you before, naka target lock ka na sa akin. Hindi ka makakawala.” “Hindi ka ba nagtataka na piloto na ako, sumasayaw pa rin ako? Na nag-aaral pa rin ako? Na naglilinis pa rin ako ng condo?” Maling sagot nito, buhay ang kapalit. “Nalaman ko lang bago ako pumunta sa Club. Joel Dela Fuente was known for his reputation in the underworld. Nang binanggit mo siya sa akin, naghinala na ako agad. Madaling pagtagpiin lahat, Purity. You work with Joel, he provided you everything. You can’t escape him. Kahit successful ka na, bumabalik ka pa rin sa kanya. Isa lang ang ibig sabihin, meron kang gustong ma- accomplish. I wonder kung ano iyon. “Aalis na ako,” sabi niya. s**t! hindi pa siya nataranta nang ganito. “You can’t, you belong to me. Is he your lover? Is he your ex? I can offer you more than him.” “Mr. Gerges, hindi ko kailangan ang pera mo, pwede naman akong magtrabaho kung gugustuhin ko. Nandito ako sad dahil lang sa isang dahilan, ang titulo ng nanay ko.” Napagdesisyunan na ni Purity na aalis siya at babalikan na niya lamang ang titulo upang nakawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD