Mabilis na iniayos ni Purity ang sarili ganun din si Thadeus. “f**k that bastard!” Kinuha nito ang kanyang coat at tinabunan ang kanyang legs. “Huwag kang tumingin sa kanya kahit anong mangyari,” babala nito. Nalilito man, tumango na lamang si Purity.
Niyakap siya ni Thadeus, ang kanyang mukha ay nasa dibdib nito. Naamoy niya ang masculine scent nito at bumabalik na naman ang umaalab niyang pakiramdam, ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili.
Sa isip niya, gusto niya na ring patayin ang kapatid nito dahil sn naudlot ang maganda sanang mangyayari sa kanila. Napagtanto ni Purity na handa na niyang ibigay ang kanyang p********e kay Thadeus. Sa naranasan, mukhang magiging magandang karanasan ang ipapapamalas nito sa kanya, bagay na hinahanap niya sa lahat ng kanyang mga nakarelasyon/ Ni hindi siya natinag sa mga nagagandahang lalaki na nakapaligid sa kanya, tulad ni Red Montalban at ni Boss Joel. Wala siyang naramdaman tulad ng naramdaman niya kay Thadeus.
Alam niyang pervert ang kapatid ni Thadeus ngunit hindi naman ito nakakatakot. Hindi nga ba? Bakit ganito na lamang kung umasta si Thadeus, animo’y gagawan siya ng masama ng kapatid nito.
Narinig niya ang isang boses. “Hello little brother, I guess you’re enjoying my supposed to be plaything.” ang boses ng lalaki ay malayong malayo sa malamig at masculine na boses ni Thadeus. Nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Purity. Parang umangat ang mga balahibo niya sa katawan.
“It’s just a plaything to you, I could send you many, if you want.”
“Mind if I could see her? I want to see what I had lost to you.”
“No, she’s mine now.” Humigpit ang hawak ni Thadeus sa kanyang ulo, halos hindi na siya makahinga.
“Come on, little brother! Let’s see what you’ve got.”
“Nothing extraordinary on her, she’s plain and sexy.”
Umungol si Purity sa sinabi ni Thadeus, gusto niya itong sapakin. Kanina lang sinabi nito na nakakabaliw ang ganda niya. Ngayon naman parang gusto nitong sabihin na pangit siya. “Loko to ah,” nagpumiglas siya.
Ngunit mahigpit ang hawak ni Thadeus. Kailangan niyang makilala ang subject. Pumalpak siya sa misyon dito dahil kay Thadeus. Hinaplos niya ang p*********i Thadeus, umungol ito, at saka sinamantala ang pagkakataon na kumawala.
Nang itinaas niya ang tingin, nagkasalubong ang kanilang mga mata. Tiningnan siya ni Mansour ng malagkit. Kung ibang babae marahil ay kikiligin. Ngunit kakaiba ang naramdaman niya, his gaze was creepy. Ano ang meron sa taong ito at ganuon na lamang umakto si Thadeus.
“Well… well… remember not to trust you again… when you say about plain and simple. This one here is stunning, and... naughty. I like naughty girls,” sabi nito. Alam niyang maganda siya, mahaba ang kanyang buhok na may natural na brown na kulay. May lahi silang kastila, ang kanyang ina rin ay mestiza. Hindi lamang iyon, ang kanyang ama ay may lahing intsik. Isa sa nagpapaganda pa lalo sa kanya ay ang malaporselana niyang kutis na animo’y walang pores.
“Hello gorgeous, I’m Thadeus’s brother, Mansour” sabi nito na nakangiti habang he offered his hand. Thadeus growled at parang nanglilisik ang mga mata. Ngumiti siya ng matamis. “Hi, I’m Purity.” Iba sana ang sasabihin niya ngunit naalala siya na hindi siya pwedeng magpanggap, sa tabi niya si Thadeus. Nagkataon kasi na totong pangalan ang ibinigay niya kay Thadeus ng mahuli siya nito. Isa sa mga kapalpakan niya dahil sa pagkataranta niya rito. At hindi pa nangyayari sa kanya iyon dati.
“Is your name resemble you? I wonder…”
“Enough!” sigaw ni Thadeus. “You already saw her, leave now,” sabi ni Thadeus. Pinatunayan lamang nito na totoo ang mga tsika tsika, there’s a strong animosity between them.
“What if I won’t? I want her too. If you share…”
“No, damn you! I won’t share her. You’ll kill me first.”
Napatingin si Purity kay Thadeus. Bakit ganun na rin? p*****n agad?
“Let’s go, sabi nito sa driver. Isinara na ni Thadeus and bintana. Ngunit nakapagsalita pa si Mansour, “I’ll have her, sooner or later little brother and you know that.”
Aba! at mataas talaga ang kumpyansa ng kapatid nito. Ngunit hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Anong palagay nito sa kanya kaladkarin? Pagkatapos ng kaptid kuya naman? Wow ha!
Nakita rin ni Purity ang apat na sasakyan na dumating. Mga back-up ni Thadeus, kaya siguro hindi na nagpursige si Mansour.
“Can you at least follow me just once!” he snapped at her. Nakita niya na nanginginig ang kamay nito. Meron siyang hindi naiintindihan. Bakit ganun na lang ka intense ang galit nito sa kanyang half-brother?
“Huwag mo aking gawing bata Thadeus. Kaya kong protektahan ang aking sarili .’
“You don’t know who you are dealing with, Puridad!” Naiinis siya sa madrasta niya kung binabanggit ang pangalan na iyon. Pero kapag si Thadeus ang bumanggit, parang musika sa kanyang pandinig. Alam nyang nagagalit sa kanya si Thadeus, kapag iyon ang tawag sa kanya.
“Kung nag-aalala ka na magustuhan ko ang iyong kapatid. Hindi ko s'ya type. Echus lang yung sinabi ko sa iyo kanina na gusto ko siya. Iniinis lang kita, mayabang ka kasi. Gwapo naman siya pero parang creepy. ”
Humalakhak si Thadeus, at napangiti siya ng makita iyon. “At bakit mo nasabi kanina na obsessed ka sa kanya?”
“Iniinis lang nga kita. Ito lang masasabi ko Thadeus ha. Iba kaming mga babae. Kahit maghubad pa yang kapatid mo sa harap ko waley epek sa akin. Unang una, masyadong plantasado ang damit. ayaw ko nun, mukhang may itinatago ang mga ganun, dinadaan sa pagiging perpekto. Pangalawa, ayaw ko ng mga mata niya, mukhang parating may binabalak na masama. Bakit ba parang galit kayo sa isa’t isa?”
Hindi umimik si Thadeus. “Promise me, you won’t go near him.”
Tumango na lamang si Purity, pero at the back of her mind, gusto niyang malaman ang pagkatao ng kapatid nito. Bakit napasali ito sa listahan ni Boss Joel gayong hindi naman ganun katindi ang kasalanan nito sa mundo maliban sa pagiging pervert. Hindi maisasama sa listahan nila bilang target si Mansour kung hindi mabigat ang kasalanan nito sa mundo. At iyon ang aalamin ni Purity.
Kadalasan sa kanilang misyon, dun din nila nalalaman ang mga nakatagong baho ng kanilang mga target. Lalo siyang na curious kay Mansour Gerges.
“Bukod sa pagiging pervert may iba pa bang ginawa ang kapatid mo?”
Ngumiti ng mapakla si Thadeus. “huwag mo ng alamin, baka maturn off ka pa sa akin kapag nalaman mo ang lihim ng aming pamilya.”
“Hindi naman sa gusto kong alamin. Mukhang malala na kasi talaga ang kapatid mo na yun.”
Napakunot noo si Thadeus.
“Anong share share? Anong palagay niya sa akin pagkain? At saka bakit wrong timing siya. Psychopath ata yun eh. Masaya habang you’re in pain kasi bitin.”
Humagalpak ng tawa si Thadeus. Tumataba ang puso niya kapag nakikita ito na masaya dahil sa kanya. “My heart , oh my heart,” Nagkakagusto na ba siya sa kapatid ng subject niya? Hindi maaari, hindi nababagay ang tulad niya kay Thadeus na may dugong bughaw.
Bigla itong sumeryoso, “gusto mo ituloy natin baby? I’m game.”
Napangisi si Purity, pero pwede naman niyang ienjoy ang moments. "Why not? Pero ayoko ng sharing."
"Me too, I'll kill anyone who will dare to touch you."
"Even your brother?"
"Yes, even my brother."
"Why?"
"Because you are mine."
Nang huminto ang sasakyan, hindi na hinitay ni Thadeus na pagbuksan sila. Kinarga siya nito at dinala sa private elevator nito sa penthouse, sa elevator pa lang pinapapak na sya nito. Mukhang isusuko na niya ang bataan na matagal din niyang iningatan.