Pagkarating nila sa libingan, hindi naman sila talaga naghukay dahil may inupahang sepulturero si Red. Nilagyan din ng paikot na tabing upang walang makakita sa kanila. Hindi pina autopsy ang bangkay, hindi rin daw pinaglamayan, inilibing na lang. Nasa ibang bansa si Thadeus nang mangyari ang pagpapakamatay, kaya pagdating niya ay nailibing na si Anne. Binuksan nila ang kabaong at nagulat sila na walang laman. Naghinala na rin siya, na baka nga walang laman, dahil wala naman talagang namatay. Gamit ang kamera ng kanyang telepono, kinunan niya ng larawan ang libingan. Inutusan ni Red na ibalik sa dati ang libingan, binigyan niya ito ng malaking halaga. Pinagbilinan na wala itong pagsasabihan. Bumalik na sila sa truck, "ako na ang bahala sa pag-expose," saad ni Red. Nakaparada ang van sa

