Naramdaman na lamang ni Purity na binuhat siya ni Thadeus dahil nakarating na sila sa Gerges Tower. Ang hirap umarteng tulog pero pinag-igihan ni Purity. Naramdaman niyang inihiga siya ni Thadeus sa kama, tinanggal ang sapatos at akmang kukumutan na siya nang tumunog ang kanyang tiyan. "Gumising ka na misis, may nakahandang pagkain sa kusina," bulong nito na hinalikan ang leeg niya. Biglang iminulat ni Purity ang mga mata, "sigurado ka bang safe yun?" tanong niya. "Oo naman, si Nana Adela ang nagluto at naghanda," sagot nito na hinahalikan pa rin ang leeg niya. Itinulak niya ito at tumayo na, medyo nahilo pa siya sa biglang pagtayo. "Easy baby" bulong nito na niyakap siya. Pilit na kumawala siya rito, "halika na, gusto ko nang kumain, sana nagluto si Nana ng may sabaw, pangtanggal amat

