Nilingon ni Purity si Thadeus, mukhang polite na sinasagot nito ang tanong ng beauty queen, Naramdaman niya na pinisil ni Thadeus ang kanyang kamay na hawak nito. "Sa palagay mo may kinalaman si Mansour? Kararating lang niya, half na ng fashion show,' bulong niya kay Red. "Hindi natin masasabi, pero mukhang tinatawag ka ni Mikaela," sagot nito. Narining niya ang pagtikhim ni Thadeus, kaya inilayo niya ang katawan kay Red dahil magkasalubong na ang kilay ng asawa. "Honey, gagamit muna ako ng restroom," sabi niya. "Do you think it would be possible for you to be our judge on our next pageant Mr. Gerges?" tanong ulit ng beauty queen na nginitian din siya ng matamis. Tinanguan niya ito, "okay, I'll wait you here," sagot nito at saka siya hinalikan sa noo. Pagkatapos, saka lang nito binaling

