Napangiti si Purity nang malaman niya na kinuha nga ni Yvonne ang unit kung saan inihanda ng grupo sa kanya. Siniguro nila na nasa magkasalungat na direksyon ang unit kung saan sila ay nagtipon tipon upang magplano sa kanilang misyon. Makikita na niya ngayon ang bawat galaw ni Yvonne. Si Thadeus naman ay mukhang abala sa paghihigpit ng security sa kanya at sa buong building pati na rin sa mansyon. Dati rati ay tatlong beses kada isang linggo lang si Nana Adela sa penthouse, ngayon ay limang araw na kada linggo. Ito mismo ang maghahanda ng kanilang pagkain. Napakunot noo si Purity dahil hindi nakaregister ang numero ng tumatawag. "Hello, Mrs. Gerges, this is Dra, Francisco, nagbilin kasi sa akin si Thadeus na iremind kita tungkol sa check-up mo. Base sa record dito, dapat nakaraang araw d

