Hindi inakala ni Purity ang inabutan niya eksena, nasa loob ang mga magulang ni Yvonne at Anne. Mukhang nakikiusap, pero sa tingin niya mukhang nakikipagnegotiate. "We did it for our daughter's sake, her life is at stake in the hands of your brother," saad ng ina nito. Nakatayo lang siya sa elevator, hawak pa rin ang tray ng almusal. Mabuti na lang at wala siyang balak na akitin si Thadeus ngayon. Nag-alala lamang siya na baka magutuman ito. Mabuti rin at nag-aayos na rin siya ngayon sa dami ng kakumpetensya niya sa asawa. Kung dati, tamang t-shirt at shorts lang siya, ngayon kahit nasa bahay akala mo nagbabakasyon siya sa suot niya. Naka bestida siya ng puti na on shoulder tie not, nagmukha siyang bata sa suot niya. Kung alam lang niya, sana nagsuot na rin siya ng maraming alahas. Ng

