Napapangiti si Purity habang naghahanda papuntang fencing gym. May sariling facilities ang asawa sa paborito nitong sports sa third level ng building. Kaninang umaga, naabutan niyang bad mood ito dahil hindi niya natupad ang sinasabi niyang score kagabi. Sinadya niyang uminum ng marami sa dinner party upang hayaan ang asawa at si Mikaela na makapagusap. Si Mansour naman ay matamang na obserba sa kanilang mga galaw. Natapos ang dinner party na ngenge na siya. Hindi na nga niya namalayan ang pagbuhat at pagpalit sa kaniya ni Thadeus ng damit na pantulog. Umaga na nang magising siya. "Good morning!" bati niya. Hindi siya nito binati, nagpatuloy lang ito sa pagpindut ng tablet nito at paginum ng kape. Ni hindi rin siya pinagtimpla nito, mabuti na lang at nandiyan si Nana Adela upang ipagtimp

