"Kung kasingganda naman ni Mikaela, bakit naman hindi ka maaakit?" tanong niya. "Ibahin mo ako wife, nababaliw ako sa mga malasutla mong balat," ngisi nito habang nakatingin sa dibdib niya. Naka spaghetti strap, babydoll, white lace top lang siya at tinernuhan niya ng black wide leg pants. "So, hindi ka attracted sa kanya?" tanong niya. "Hindi, eh kay Yvonne? Maputi rin iyon ah," tanong ulit niya. "Kapatid lang ang turing ko kay Yvonne," maikling sagot nito. Hindi na nagtanong pa ulit si Purity. Iniisip niya kong ano ang diskarte na gagawin ni Mikaela upang maisakatuparan nila ang kanilang plano. Hindi niya namalayan na nakakunot noo na pala siya. Nagulat pa si Purity nang halikan siya ni Thadeus sa labi, "huwag ka na magselos misis, ikaw lang ang nasa isip ko. Katunayan, madumi

