“So ano nga? Bakit tayo nag-away?” pangungulit ng asawa. “Ano kasi, napakaselosa mo,” saad niya. “Ibig sabihin dahil sa walang basehang pagseselos ko, ganun?” tanong ulit ng asawa, mukhang galit na. “Ayusin mo ang pagpapaliwanag Thadeus, alam ko selosa ako pero hindi ako irasyonal na tao. At saka mataas ang pride ko para aminin agad na nagseselos ako. Ipaliwanag mo ng maayos kundi, hindi mo na kami makikita ng mga anak mo!” pagbabanta nito. “Saan pala kayo pupunta kung sakali?” tanong niya sa mahinang tinig na napakamot ng ulo. “Eh di uuwi kay Boss Joel,” saad nito. Naloko na, mas lalong magiging kumplikado ang lahat kung nagkataon. Galit sa kanya ang tiyuhin nito, hindi siya nito hinarap sa loob ng tatlong buwang pagmamakaawa. Ibinenta rin niya rito and shares of stocks na kailangan ni

