" Totoo talga na naging boyfriend kita?" nanglalaki ang mga matang tanong nito. "Yes, I was your ex," saad niya. "Pero hindi kita type," saad nito na nakasimangot. "Ano pala ang klase ng lalaking type mo princess?" Napapangiti na tanong ni Thadeus habang binabalatan at inaayos nito ang kaimito upang madali lang nitong kainin. "Actually, type ko naman ang crown prince. Gentle, thoughtful, sensitive, patient, highly intelligent at generous. Yung hitsura, ay pasok na pasok sa panlasa ko," saad nito. Kumunot ang noo ni Thadeus, nawala ang ngiti sa labi. "Ang kaso, kahit gaano ko pa siya kagusto, mukhang wala naman sa bukabularyo ko ang may kahati. Hanggang ngayon hindi ko malubos maisip na pumayag ako sa ganitong set-up. Ang isa pa sa ipinagtataka ko, alam ko sa sarili ko na selosa

