Nagising si Purity na masakit ang katawan lalo na ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Pinili niyang suotin ang karaniwan niyang sinusuot, maong na pantalon, puting t-shirt at puting sneakers. Hinatid siya ng driver at hindi na siya nagprotesta nang sumama sa loob ng kanilang building ang kanyang security. Hindi na sila sumama sa loob nang makita na parang naiilang ang mga kasamahan. "Anong ginagawa mo dito? Di ba tapos ka na?" tanong ni Joseph. "Gusto ko na pag-aralan ulit ang advance installation eh," sagot niya. "Huwag kayong mag-alala sagot ko lahat ang pagkain natin," dagdag niya. Naghiyawan ang mga kaklase. Gamit ang credit card ni Thadeus, umorder na siya ng almusal, pang-umagang meryenda, tanghalian, panghapong meryenda at hapunan. Nilagyan lang niya kung anong oras idedeli

