Inilipat si Purity ni DM sa Limousine habang nakasunod ang sports car nito. Sa loob ng limo na siya magbibihis. Sa mga ipinadala ni Marga, napili ni Purity ang royal blue gown. isa itong sexi cami dress na pinatungan ng ball skirt na kalahati lang. Kapag nakatalikod, para siyang nakasuot ng ball gown, at kapag nakaharap naman ay mas na highlight ang sexy mini dress niya na hapit sa katawan. Emphasized ang magagandang hugis na kanyang mga binti at ang mga paa ay sinuotan niya ng silver heel pumps. Ang kanyang mahabang buhok ay inayos niya ng ng naka voluminous french twist na may naiwang tendrills framing her beautiful face. Ang maskara niya na kulay silver at royal blue ay napaikutan ng mga stones at beads na may feathers. Nag-aaply na siya ng makeup nang pumasok sa loob ng limousine s

