Wala pa si Thadeus nang dumating siya sa west palace. Inaantok na rin siya kaya agad siyang nakatulog. Umaga na nang magising siya, wala na si Thadeus sa kanyang tabi, pero alam niya na natulog ito sa tabi niya dahil nalalanghap niya ang mabangong natural na amoy nito. Darating ngayon ang team niya, mabuti na lang at hindi raw makakasama si Fatima sa kanila. Ang assistant ng crown princess ang nag-aasikaso sa kanila. Merong tag iisang villa sila, na gagamiting nila sa buong maghapon. Ayon sa itinerary niya, kakain sila ng dinner pagkatapos, may magsisilbi sa kanya ng pagkain sa loob ng mahabang oras na pagpapaganda. Laking tanggi ni Jane nang pati ito ay isinama niya. Siniguro lang niya na hindi sila magkasama sa isang lugar. Hindi na ito makatanggi nang hinila na ito ng attendant. Hi

