Magkasabay silang umalis ni Thadeus papuntang hospital. Beige square neck puff sleeve na bestida ang pinili niyang isuot. Diamond stud earring lang ang suot niya at white gold na necklace na may diamond pendant na hugis letrang "G" na nakita lang niya sa isa sa mga jewelry boxes niya. Hindi siya sanay sa atensyon, kaya medyo naninibago pa rin siya na kapag bumababa ng sasakyan, marami ang sumasalubong sa kanila. Pinasinayaan ang children's ward, kasama rin nila si Fatima. Naaksidente ang anak ni Sonja kaya naka confine sa hospital. Dinalaw nila ay ang mga batang cancer patients. At nagsuggest siya sa direktor ng hospital na dalawin rin nila ang mga batang naaksidente. Mukhang natuwa ang direktor at dinala sa children's surgical ward. Nagkagulatan si Thadeus at si Sonja sa loob. "I woul

