Maagang nagising si Thadeus, tulog pa ang asawa nang umalis siya sa tabi nito. Ginamit niya ang gym ng isang oras at nang bumalik sa silid nadatnan niyang tulog pa rin ang asawa. Early riser ito noon, ngunit nang nagdalang tao ito ay tinatanghali na itong magising. Mabuti na lang at tapos na ito sa morning sickness na phase. Nalungkot lang siyang isipin na wala siya sa tabi ng asawa nang ito ay nahihirapan. Naligo lang siya saglit at nagluto ng almusal. Ayaw na nito ang sinangag na kanin, na dati naman ay gustong gusto nito. Nagluto siya ng omelet, bacon at sandwich. Inilagay niya sa tray at tinakpan, iniwan niya iyon sa maliit na lamesa sa kanilang silid. Dalawang araw na silang sabay kung mag-almusal sa balkonahe habang tinatatanaw ang dalampasigan at ang bughaw na karagatan. Gustong

