Thadeus pampered his wife, inilibot niya ito sa isla. Nakaalalay sa lahat ng bagay, mahilig itong kumain ng mga prutas lalo na oranges at mangga. Minsan naduduwal pa siya sa kinakain nito. Paano ito sarap na sarap sa oranges na sinawsaw sa toyo at asukal? Sa manggang hilaw na banana ketchup ang sawsawan? Nang patikimin siya ng asawa, muntik na niyang ilabas ito, ngunit ginawa niya ang lahat upang lunukin ang pagkain, baka magalit na naman ito sa kanya. Nang dumating ang buong pamilya, masayang nakipaghuntahan ang asawa sa mga hipag. Ginawang biro ang pagpapanggap ng prinsipe bilang asawa ng kanyang asawa. Masigla ito at parating nakatawa. mahilig ito sa mga bata, na ngayon lang niya natuklasan. Malapit din ito sa mga teenagers niyang mga pamangkin. Matiyaga itong nagtuturo, at sinasagot

