Ikawalong Kabanata

1367 Words

Feelings Naging kalmado ako dahil sa isang tawag na galing kay Barry. Ilang araw na ring hindi ko siya nakita at naka-usap. "Kumusta ka jan?" yun ang una kung tanong sa kanya. Narito ako ngayon sa may balkonahe ng museum para magpahangin. Mamaya pa ata kami magsesession. Todo ensayo ako sa pagvisualize ng mga kinakailangang detalye para sa art tribute kay Protacio Lamiernoz. Marami na akong naiisip na concept na maiinterlink ko sa buhay niya. "Sa farm namin sa Damires. Nagkaroon kasi ng problema sina Papa."  pagpapaliwanag niya. Naaalala ko pa na hindi ko nasabi kay Barry ang tungkol sa pagsali ko rito. Mataimtim kung pinapanalangin na hindi niya malaman ito sa iba. "Sure ka? If you have problems, you can tell me, Barry. After all--" I stopped for seconds. "we're f-friends."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD