Kabanata 1:Cookies
Arcela's Pov
Napangiti ako ng matapos na ang cookies na binake ko. Dapat ay kanina pa akong nakauwi sa bahay pero nag extend ako dito sa room namin para ipag bake ng cookies ang ultimate crush kong si Richard Esguerra..
Graduating na ako sa kurso kong Baking and Pastry. Bata palang ako ay hilig ko na talaga ang pag bi-bake. Nag kataon naman na mahilig sa cookies and crush kong si Richard kaya naman mas lalo akong ginaganahan sa pag gagawa ng mga cookies at cakes.
By the way ako nga pala si Arcela Laxama, 20 years old nag aaral sa Almodians University. Isang sikat na modelo ang mama ko at isang scientist naman ang dad ko. May nag iisa akong kaibigan, si Lidia. Sikat kami sa paaralan namin dahil sa pagiging nerd at old fashion. Kaya naman favorite kami ng mga bully.
After kong ilagay sa box yung mga cookies ay agad kong hinanap si Richard. Hindi ito ang unang beses na bibigyan ko sya ng cookies. Actually hindi ko na mabilang kung ilang beses na. Nag simula ito nung gumawa ako ng cookies para sa bestfriend kong si Lilia, birthday kasi nito at wala akong ma isip na gift dito kaya naman ginawan ko ito ng cookies after ng klase ko. Nagulat ako ng biglang pumasok sa room namin si Richard nung araw na yun. Shempre sobrang na star struck ako dahil yung crush ko nasa harapan ko. Kaming dalawa lang sa room nun that time. Hindi ako nakakilos ng lumapit ito sakin.
"Sorry kung pumasok ako, bukas kasi yung pinto at may na amoy akong masarap." Nakangiting saad nito at dumiretso sa table kung saan pinapalamig ko yung cookies na kalalabas lang ng oven.
"Gawa mo to? Pwedeng pa tikim? Favorite ko kasi ang cookies kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumunta dito." Saad nito na at napakamot pa sya sa ulo nya that time naman ay tumango lang ako. Matatanggihan ko ba naman ang crush ko?
Hindi alintana sa kanya yung init ng cookies at agad nya itong kinain. Napalunok ako dahil baka hindi nito magustuhan ang ginawa ko pero parang nag star ang mga mata nya.
"Wow, ikaw talaga ang gumawa nito?" Di makapaniwalang tanong nito sakin.
"O-oo, okey lang ba ang lasa?" Tanong ko dito at bahagyang lumapit dito.
"Grabe, ito na ata ang pinakang masarap na cookies na natikman ko sa buong buhay ko!" Tuwang tuwa na saad nito kaya naman yung puso ko ay tuwang tuwa din.
"By the way, what's your name?" Nakangiting tanong nito.
"A-Arcela Laxamana." Nauutal na saad ko dito.
"I'm Richard Esguerra, nice to meet you Arcela." Saad nito sabay lahad ng kanang kamay nya. Hindi ako makapaniwala na makikipag shake hands ito sakin. Nag dadalawang isip naman ako na makipag kamay dito dahil may harina pa ang kamay ko. Na pansin naman nito ang sitwasyon ko kaya sya na mismo ang kumuha ng kamay ko at pinag shake hands nya ito.
Kaya simula ng araw na yun ay mas na inspired ako sa pag gagawa ng mga cookies. Sabi nga nila, pag in love ang isang tao, lahat ng niluluto nito ay kayang pasarapin. Para bang may magic ang bawat pag timpla nito. Kaya bawat lesson namin sa baking ay pasado lahat sa panlasa ng teacher namin.
Almost 1 year ko ng ginawa to, ang pag bibigay ng cookies kay Richard. Sa totoo lang ay wala kaming matagal na conversation. Madalas ay inaabot ko lang yung cookies sa kanya, then umaalis na ako agad. Wala kasi akong lakas ng loob na makipag usap dito lalo na kapag nandyan ang mga tropa nya.
Ayaw kasi nila sakin lalo na si Femia. Diring diri sila sa itsura ko dahil manang daw ako at nerd. Madalas na sinasabi nila na baka daw nilalagyan ko ng gayuma yung mga cookies na binibigay ko kay Richard. Kaya naman minsan ay kinukuha nila ito kay Richard at tinatapon nila sa basurahan.
Sabi nga ni Lidia, bakit hindi daw ako tumitigil sa pag bibigay ng cookies kay Richard. Bakit nga ba hindi? Yun lang kasi yung way ko para ipakita sa kanya na gusto ko sya. Para sa mga kaibigan nya ay nakakakilabot yung ginagawa ko. Pero para sakin ay hindi dahil yun yung way ko para iparamdam sa tao ang pag mamahal ko.
-
Dumaan ako sa classroom nila Richard pero wala na ito. Tinanong ko ito sa isa sa mga classmate nya at kalalabas lang daw nito. Alam ko naman kung saan ito madalas tumambay kaya naman dumiretso na ako dito.
Hingal na hingal ako ng makarating sa garden ng Almodians. Napalunok ako ng makita ito kasama ang mga pinsan nya. Nakakahiya naman dahil para kay Richard lang yung na gawa ko today. Kinulang kasi yung stock ko ng harina kaya konte lang na gawa ko.
Habang papalapit ako ay napansin agad ako ni Rosemary.
"Hey Arcela, long time no see!" Saad nito at nilapitan pa ako. Inakbayan ako nito hanggang makarating kami sa pwesto nila Richard.
"Maupo ka muna, sakto lang yung dating mo at kasisimula palang namin mag meryenda." Saad ni Rosemarie ay inalok pa ako nito ng sandwich na meryenda nila.
"S-salamat nalang Rosemarie. Pauwi na din talaga ako, dumaan lang ako para ibigay kay Richard itong mga bagong bake ko na cookies." Nakangiting saad ko kaya naman agad na lumapit si Richard sakin para kunin yung cookies.
"Cookies ba kamo?"
Lahat kami ay napatingin sa gawing likod namin, si Charina pala ang bunsong kapatid ni Richard.
"Ate, para sakin ba yan?" Tanong ni Charina sakin. Ang tinutukoy nito ay ang box of cookies na hawak ko.
"Ah eh, ano kasi-"
"Mas mabuti pa Arcela ay buksan mo na yan para makain na namin. Alam naman namin na para talaga yan kay Richard. Pero paano naman kami na gusto din naming matikman yung gawa mo?" Saad naman ni Aivan. Wala na akong na gawa kundi pag bigyan ang mga pinsan ni Richard. Mabuti nalang at mababait ang mga ito, hindi tulad ng mga barkada ni Richard na puro pang lalait ang natatanggap ko.
"Wahhhh, the best talaga mga cookies mo Ate. Kaya pala ang damot mamigay ni Kuya." Saad ni Charina sabay tingin ng masama sa Kuya nya.
"Hayaan mo next time, dadagdagan ko na. Kinulang kasi ako sa harina kanina kaya konte lang na gawa ko." Nakangiting saad ko dito.
"Thank you Arcela." Nakangiting saad ni Richard sakin. Sapat na sakin ang marinig sa kanya ang salitang thank you. At least alam kong hindi sayang yung effort ko.
"Kung mag tatayo ka ng cafe, sabihan mo kami agad. Basta bigyan mo kami ng customer discount." Saad ni Rosemarie kaya naman napangiti ako dito.
"Oo nga ate, for sure dadagsain ng customer ang mga gawa mo. Ang sarap sarap naman kasi, unang kagat parang nasa ulap." Saad ni Charina kaya naman nag tawanan kami.
Nang maubos na nila yung cookies ay nag paalam na din ako sa kanila. Kailangan ko na din kasi umuwi dahil dumating na yung sundo ko.
"Hatid na kita Arce." Saad ni Richard sakin.
"N-naku wag na." Saad ko dito pero wala na akong na gawa dahil sinabayan na ako nito sa pag lalakad.
"Pasensya kana sa mga pinsan ko." Saad nito habang nag lalakad kami.
"Naku wala yun! Natutuwa nga ako sa kanila dahil hindi sila nangdidiri sakin." Sagot ko dito. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito.
Malapit na kami sa parking lot ng nakasalubong namin si Femia. Agad na napataas ang isang kilay nito ng mag katinginan kaming dalawa.
"Ano to Richard? Kaka confess mo lang sakin kahapon ng nararamdaman mo, tapos ito ka ngayon at kasama mo tong panget na to?" Inis na saad ni Femia kaya naman napatingin ako kay Richard.
"Kung gusto mong sagutin kita, layuan mo ang babaeng yan. Makakasira lang ng image natin ang nerd na yan!" Inis na saad ni Femia at hinila nito si Richard paalis.
Napabuntong hininga nalang ako. Sobrang ganda ni Femia, napaka panget naman ng ugali nito. Gusto kong mainis kay Richard dahil sa nalaman ko. Nag confess ito ng nararamdaman nya para kay Femia. Ibig sabihin nito ay nililigawan nya na si Femia? Ano bang nakita nya sa babaeng yun? Mas mahalaga na ba talaga ngayon ang itsura kesa sa ugali?
Hays, anon panama ng cookie ko sa magandang muka ni Femia?