Kabanata 2:Broken

1756 Words
After 1 week Arcela's Pov "Girl, totoo pala talaga yung kumakalag na chismis nuh?" Saad ni Lidia habang kumakain kami sa canteen. "Na nililigawan ni Richard si Femia?" Walang ganang tanong ko dito. "Oo, akala ko kasi chismis lang." Saad nito kaya naman napabuntong hininga ako. Parang bigla akong na walan ng gana kumain. "Matagal ko ng alam, last week pa." Sagot ko dito kaya naman gulat na gulat ito. "Bakit hindi mo naman sinasabi sakin, paano mo nalaman? Kamusta ka naman, okey pa ba yang puso mo?" Pag aalalang tanong nito. "Kay Femia ko mismo narinig nung nakita nitong mag kasama kami ni Richard." Walang ganang sagot ko dito. "Anu! Mag kasama kayo? But why!?" Pag papanic na tanong nito kaya naman napatingin samin yung kabilang table. Tiningnan kami ng masama nung mga kumakain doon. "Kumalma ka nga, ayaw na nga satin ng mga tao tapos gagawa ka pa ng eksena." Inis na saad ko dito. "Nakakainis naman kasi, sayang lang yung mga effort mo sa pag gawa ng mga cookies para kay Richard tapos, mapupunta lang sya sa Femia na yun." Inis na saad nito. "Wala akong paki kung maging sila, basta ako ipag bi-bake ko ng cookies si Richard hanggat gusto nya. Titigil ako kapag sinabi nya ng ayaw nya na sa cookies ko." Nakangiting saad ko dito. "Ay, iba din ang power mo girl! Sige labarn lang!" Cheer nito sakin kaya naman ngiting ngiti ako. After namin mag lunch ni Lilia ay bumalik na ako sa room ko. Iilan lang sa mga classmates ko ang nakikipag usap sakin. Ewan ko ba kung bakit ang taas ng standard nila pag dating sa pakikipag kaibigan. Porke ganito ako manamit at mag ayos ay ayaw na nila sakin. Nag simula na ang klase namin at kailangan namin gumawa ng sariling version namin ng Oatmeal Raisin Cookies. Mabilis ko naman kinuha lahat ng ingredients na gagamitin ko. Hindi ko kailangan kumuha ng marami dahil unang gawa ko palang ito. Masasayang lang kung mag kakamali ako. Pero never pa naman itong nangyare sakin kaya alam kong masarap ang magiging result nito. - Isa-isang tinikman ng teacher namin ang gawa naming cookies. Kinakabahan ako dahil bawat tikim nito sa mga cookies ng classmates ko ay may comment ito, may good and bad comments. Nang cookies ko na ang tikman nito. "As usual, masarap pa din. Good job Arcela." Saad nito kaya naman nakahinga ako ng maluwag. After class namin ay naiwan ulit ako sa classroom para gumawa ng cookies. Sana ay magustuhan ni Richard itong new recipe ng cookies ko. Nang matapos na ako ay agad ko itong ibinalot sa box with ribbon. Special ito kaya naman dapat ko itong ingatan. "Arce, nasan ang kabahagi ko?" Tanong ni Lisia ng makita ako. Inabot ko naman ang small box na para sa kanya. Sa tuwing may bagong recipe kami ay hindi pwedeng ma walan ang bff ko. "The best ka talaga, samahan na kita. Alam ko naman na kay Richard ka pupunta." Saad nito kaya naman sinimulan na namin ang pag hahanap kay Richard. "Ganitong oras ay uwian na nila, for sure nasa parking lot na yun." Saad ni Lidia kaya dumiretso na kami ng parking lot. Tama nga kami ng hinala kaya naman agad kong nilapitan si Richard kahit na kasama pa nito ang mga barkada nya. Ayukong masayang ang effort ko sa pag bake ng cookies na ito dahil alam kong magugustuhan ito ni Richard. **Richard's Pov* Nasa parking lot na kami ng mga barkada ko dahil magagawang na tapos ang klase namin ng biglang humarang si Arcela sa harapan ko. "For y-you." Nauutal na saad nito habang nakayuko. Hindi ito ang unang beses na binigyan ako nito ng cookies. Actually gustong gusto ko ang mga cookies na binibigay nya sakin. Parang nag karoon ako ng bagong favorite brand ng cookies at yun ay ang gawa ni Arcela. Sa tuwing binibigyan nya ako ng cookies ay hindi ko ito tinatanggihan. "Ikaw na naman Manang, may balak ka ba talagang gayumahin si Richard?" Inis na saad ni Femia. "Ang lakas talaga ng loob nya na lumapit satin lalo na kay Richard." Saad naman ni Tricia. "Manang hindi ka magugustuhan ni Richard, taas mo naman mangarap!" Saad naman ni Mike dito. Kukunin ko na sana yung cookies ng biglang tumakbo paalis si Arcela. Napabuntong hininga nalang ako ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko. "Ibibili nalang kita ng cookies mamaya." Saad ni Femia at hinila na ako nito papunta sa sasakyan ko. Isang linggo ko ng nililigawan si Femia, matagal ko na itong crush kaya naman laking tuwa ko ng pumayag ito na ligawan ko sya nung araw na nag confess ako sa kanya. - "Nakakadiri talaga ang Arcela na yun." Inis na saad nito habang nag mamaneho ako. "Sa tuwing nakikita ko sya nasusuka ako sa pag mumuka nya. Hindi ko alam kung bakit sya tinanggap sa Almodians, sinisira nya lang ang image ng paaralan." Inis na saad nito. Napailing nalang ako sa sinabi ni Femia. Ayaw na ayaw kasi nito sa mga old fashion na katulad ni Arcela. Bukod sa old fashion kasi ito ay hindi manlang ito nag aayos ng sarili. Ni hindi ito gumagamit ng mga skin care kaya ka pansin pansin ang mga dry skin nito at ang ilang mga pimples sa kanyang muka. Modelo kasi si Femia, at talagang alagang alaga nya ang sarili nya. Mabait naman si Arcela, wala naman akong nakikitang mali sa kanya. Hindi naman kasi mataas ang standard ko pag dating sa labas na kaanyuan ng isang tao. Ewan ko ba sa mga barkada ko, mashadong mataas ang standard pag dating sa fashion. "Kapag na huli ko pa ang babaeng yun na lumalapit sayo, talagang malilintikan sya sakin." Inis na saad nito kaya hinayaan ko nalang ito. - Pag dating ko ng mansion ay agad akong nag beso kay Mom. Naabutan ko naman na nag memeryenda si Charina. "Nakita kita sa parking lot ng school kanina kasama yung mga matapobre mong mga kaibigan." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. Malayong malayo ang ugali ni Charina sa ibang mga rich kid na ka edad nito. Mukang nag mana ito sa mommy namin. "Ano bang na gustuhan mo sa Femia na yun Kuya?" Inis na tanong nito sabay inom ng ice coffee nya. Nakatingin lang samin si Mom, nag kibit balikat pa ito sakin. "Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya, wala namang ginagawang masama sayo yung tao." Saad ko dito at tinaasan ako nito ng isang kilay. "Mom, tingnan mo tong anak mo, parang mas matanda pa sakin kung umasta." Sumbong ko kay Mom pero nginitian lang ako nito. Mukang tinitingnan nya kung gaano ka haba ang pasensya ko sa kapatid ko. "She's so mean, napaka arte pa! Mabuti nalang talaga at sinundan ko kanina si Ate Arcela. Ang sarap talaga ng mga gawa nyang cookies." Saad nito at nilabas ang box ng cookies sa table. Napakunot ang noo ko at agad na lumapit dito para kunin yung cookies pero agad nya itong inilayo sakin. "Opss, sakin lang to." Nakangiting saad nito at agad na tumakbo pa layo sakin. "Charina!" Sigaw ko dito pero agad itong umakyat ng hagdan at dinilaan pa ako. "Mom!" Pag hinge ko ng saklolo dito. "Next time kapag gusto mo ang isang bagay, huwag mong hayaan na diktahan ka ng ibang tao para dito." Saad ni Mom at tinapik ang balikat ko. Kukunin ko naman sana ito Kay Arcela kanina, kaso bigla nalang itong tumakbo. Sh*ta naman oh, kakaiba yung cookies na kinakain ni Charina ngayon. Tiyak kong bagong recipe ni Arcela yun. Kailangan kong matikman yun, bwesít talaga ang bubwit na yun! - **Kinabukasan** Nakita ko si Arcela na nag lalakad kasama ang bestfriend nitong si Lidia, tulad nya ay old fashion at nerd din ito. Agad ko itong nilapitan, medyo na gulat pa ito dahil sa pag lapit ko sa kanya. "Sorry sa nangyare kahapon, hindi na kita naipag tanggol sa mga kaibigan ko." Nakangiting saad ko dito. "O-okey lang Richard, kasalanan ko din naman. Mabuti nalang at nakita ako ng kapatid mong si Charina kahapon. Sabi nya ay sya na daw ang mag bibigay sayo nung cookies kaya naman binigay ko na ito sa kanya. Na gustuhan mo ba?" Nakangiting tanong nito sabay ayos ng salamin nya. Medyo napakunot ang noo ko sa sinabi nito, pasaway talaga ang Charina na yun! Ni isang piraso ay hindi ako nakatikim dahil nag kulong na ito sa kwarto nya. "Ah eh oo, salamat ah." Nakangiting pag sisinungaling ko dito. Ayuko na ma opened sya sa ginawa ng kapatid ko. "Mabuti naman at nagustuhan mo, hayaan mo at next time kay Charina ko nalang ipapaabot ang mga cookies mo para hindi na magalit sakin ang mga kaibigan mo." Saad nito kaya kinuha ko yung dalawang kamay nya. "Salamat Arcela, napaka bait mo talaga." Nakangiting saad ko kaya natulala ito sa ginawa ko. "Richard!!!!" Dinig kong sigaw ni Femia kaya na bitawan ko ang kamay ni Arcela. Palapit na ito samin kaya naman hinarangan ko agad si Femia dahil galit na galit ito. Baka kung ano pa ang ma gawa nya kay Arcela. "Napaka ambisyosa mo talagang panget ka!" Sigaw ni Femia dito at dinuro nya pa si Arcela. "W-wala naman akong ginagawang masama." Sagot ni Arcela dito. "Anong wala? Todo deny ka pa eh alam ko naman na balak mong agawin si Richard sakin. Huwag ka ng umasa na magugustuhan ka nya dahil wala ka sa kalingkingan ko!" Sigaw nito kay Arcela kaya hinila ko na ito pa layo pero ayaw mag paawat nito. "Sige Richard, papipiliin kita, yang babae na yan o ako!?" Inis na saad nito sakin sabay tingin kay Arcela. Hindi agad ako naka sagot sa tanong nya, hindi ko inaasahan na itatanong nya ito sakin. Tiningnan ko si Arcela na ngayon ay nakatingin din sakin. "I-ikaw Femia, alam mo naman na ikaw lang ang babaeng gusto ko." Saad ko dito. Mas ikinagulat ko ang sunod na ginawa ni Femia dahil hinalikan nito ang labi ko. Nang humiwalay na ang labi naming dalawa ay nakita ko ang pag tulo ng luha ni Arcela kasunod ang pag takbo nito paalis. "Siguro naman ay titigilan kana ng babaeng yun. Simula ngayon wala ng ibang babae na pwedeng lumandi sayo, dahil sinasagot na kita Richard. Boyfriend na kita, kaya akin ka lang." Saad nito at muling hinalikan ang labi ko. Dapat masaya ako ngayon dahil kami na ni Femia. Pero bakit si Arcela ang nasa isip ko? Bakit nag aalala ako sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD