Kabanata 3: Pag Alis

1227 Words
Arcela's Pov Umuwi akong luhaan dahil sa nangyare. Alam ko naman na hindi ako ang pipiliin ni Richard, pero mas masakit pala kapag sa kanya mismo ito nang galing. Totoo naman na wala akong laban sa Femia na yun dahil isa akong panget, Manang at Nerd. Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ako. Kung kasing ganda ba ako ng Femia na yun, ako ba ang pipiliin ni Richard? "Sweety, why are you crying? What happened, tell me!" Pag aalalang saad ni Mom. Agad ko itong niyakap kaya naman mas lalo lang akong naiyak. "Shhh, tahan na nandito lang ang mommy." Saad nito habang hinihimas ang ulo ko. Nang kumalma na ako ay naupo kami sa sofa at doon ay muli itong nag tanong. "Ano ba ang nangyare at umiiyak ka ng ganyan?" Mahinang tanong nito. "Si Richard kasi Mom, sila na ni Femia." Saad ko dito at muli na namang tumulo ang luha ko. "Aww, my poor innocent daughter." Saad nito at muli akong niyakap. "Mom, ano po bang dapat long gawin para magustuhan nya din ako? Kahit ano po gagawin ko." Disperadong saad ko dito habang nag pupunas ng luha. "Alam mo naman na make over lang ang sagot sa problema mo. Matagal na kitang sinabihan anak, hindi ako nag kulang sa mga paalala sayo. Yung mga facial wash and cream mo nga sa banyo mo ay na e-expired lang na di mo manlang na babawasan." Saad ni Mom kaya napangiti ako dito. Matagal na akong pinipilit ni mom na gamitin ang mga beauty product nya. Pero hindi ko sya pinapakinggan dahil feeling ko ay sinasayang ko lang ang oras ko sa pag lalagay nito. Kontento na ako sa look ko, para sakin ay normal lang naman ang pagiging ganito ko. Naniniwala kasi ako na may mag mamahal sakin kahit na ganito ako. Tulad ng love story ni Mom and Dad. Pero mukang nung unang panahon lang yun dahil hindi na sya effective sa generation ko. "Yung mga nang bubully sayo, gusto mo bang ipatanggal ko sila sa AU? (Almodians University)" Tanong ni Mom. Alam nito na madalas akong binubully pero pinipigilan kong gumawa ng aksyon ang mga magulang ko dahil ayukong may ma kick out sa AU ng dahil sakin. Sabi ko pa sa mom ko na mapapagod din ang mga yun. "Hindi na po, dahil ako na po mismo ang aalis ng AU." Saad ko dito na ikinagulat nya. "Pero anak, sa AU kami grumaduate ng dad mo. Gusto sana namin na sa AU ka din mag tapos." Saad ni Mom at bakas sa muka nito ang pagkadismaya. "Kung may kailangan pong umalis ng Almodians, ako po yun at hindi sila. Mom, tulungan nyo po ako maging maganda tulad nyo. Gusto kong ma inlove sakin si Richard, please Mom." Pag mamakaawa ko dito. "Ay naku, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Mabuti naman at natauhan kana, kailangan mo pa palang ma broken hearted para lang mag pa make over." Saad nito kaya naman hinalikan nito ang noo ko. *** Richard's Pov *** Ilang araw ko ng inaabangan si Arcela para sana huminge ng sorry dito pero kahit anino nito ay hindi ko makita. Kaya naman ng makita ko ang bestfriend nito ay agad ko itong nilapitan. "Hey, pwedeng mag tanong?" Saad k dito pero tiningnan ako nito ng masama at agad na umiwas sakin. "Please, gusto ko lang kamustahin si Arcela." Saad ko dito ng habulin sya. "Si Arcela? Wala na sya ng dahil sayo at sa mga kaibigan mo!" Inis na saad nito kaya naman napakunot ang noo ko. "W-what do you mean na Wala na sya?" Nauutal na tanong ko dito. Pumasok agad kasi sa isip ko na baka nag pakamat@y ito. Alam ko naman kasi sa sarili ko na may gusto ito sakin. Ayuko lang syang ipag tabuyan dahil ayuko syang saktan. Una dahil sobrang bait nito at talagang napaka pure ng puso nya. Hindi nya deserve ang tulad ko. "D-dahil sa inyo kung bakit nag drop out ang kaibigan ko! Sya na nga lang ang kaibigan ko sa University na to, na wala pa ng dahil sa inyo!" Sigaw nito kasunod ang pag tulo ng luha nya. "S-sorry, hindi ko akalain na mauuwi sa ganito ang lahat." Saad ko dito at tumakbo na ito paalis. Parang kumirot ang puso ko dahil sa nalaman ko. Wala na si Arcela, wala na ang favorite cookies ko. Mukang na saktan ko sya ng sobra dahil sa nangyare. Kailangan ko syang hanapin, kailangan kong huminge ng sorry sa kanya. ***Graduation Day*** "Congrats satin babe!" Saad ni Femia sakin at hinalikan ako nito sa labi. Ngayong graduate na kami panibagong journey na naman ito para samin. "I have something for you." Nakangiting saad nito at may kinuha na box sa paper bag nya. Napangiti ako ng malamang cookies ito. "Alam kong favorite mo ang cookies kaya naman pinag aralan ko talaga yan kung paano gawin. I hope you like it." Nakangiting saad ni Femia kaya naman tinikman ko na ito agad. "How is it? Masarap na?" Excited na tanong nito. "Y-yup, thank you babe." Nakangiting saad ko kaya naman niyakap ako nito ng mahigpit. Para sakin ay ordinary cookies lang ang lasa nito. Hindi naman panget ang lasa nya, pero hindi ito pasok sa standard ng lasang hinahanap ko. Muli ay naalala ko si Arcela, alam kong magagalit si Femia kapag pinag kumpara ko ang lasa ng cookies nya sa cookies ni Arcela. Pag dating sa cookies ay walang makakatalo kay Arcela. Nasan na kaya sya ngayon, na mimiss ko na ang cookies nya. After ng graduation ceremony ay abala ang lahat sa picture taking. May napansin naman akong babae at pamilyar ito sakin kaya naman agad ko itong nilapitan. Nakatalikod ito sakin, ngiting ngiti pa ako ng tawagin ko ito. "Arcela?" Nakangiting tanong ko dito, pero agad na nag fade ang ngiti ko ng ibang tao pala ito. "S-sorry akala ko ikaw yung kakilala ko." Saad ko dito kaya naman bumalik na ako sa pwesto ko. "Son, okey ka lang?" Tanong ni Dad ng makitang nakakunot ang noo ko. "Yes po, napag kamalan ko kasing kakilala ko yung babae kanina." Sagot ko dito. "Sino ba kasi yung hinahanap mo Kuya?" Tanong ni Charina sakin. "Wala, hindi mo din naman kilala yun." Saad ko dito. - Pag uwi namin ng mansion ay dumiretso na ako sa kwarto ko para mag shower. Pag labas ko ng banyo ay naka salansan na sa table ko yung mga gift na galing sa mga schoolmates ko. Sa sobrang dami nito ay hindi na ito nag kasya sa table ko kaya naman nasa sahig na yung iba. Una kong napansin yung pamilyar na box kaya naman kinuha ko ito agad. Napakunot ang noo ko ng malamang cookies ito. Pag open ko ng box ay umalingasaw agad ang amoy nito. Napapikit ako habang nilalasap ang amoy nito. Hindi ako maaring mag kamali, alam kong galing ito kay Arcela. Kaya naman kumuha na ako ng isang piraso at tinikman ito. "Heaven!" Saad ko ng ma satisfy ang dila ko dahil sa sarap nito. Ilang buwan ko din itong hinanap hanap at finally na tikman ko na ulit ito. Sabi na nga ba at hindi ako na malikmata kanina. Alam kong nandun lang din si Arcela. Sa lahat ng gift na natanggap ko, ito ang pinakang na gustuhan ko. Thank you Arcela...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD