Arcela's Pov
"Bihis na bihis ka anak, san lakad mo?" Tanong ni Mom sakin. Ilang buwan na ang lumipas at malaki na ang pinag bago ng muka ko. Hindi na ito tigyawatin, salamat sa tulong ni Mommy. Sa pananamit naman ay medyo nakukuha ko na din ang tamang pananamit. Yung hair ko pinaayos ni Mom sa salon, inabot nga ito ng mag hapon dahil sa tagal ng proseso.
"A-attend po sa graduation ni Lidia, gusto ko syang i-surprised." Nakangiting sagot ko dito.
"Kaya mo na bang harapin sila Richard?" Tanong nito sakin.
"Hindi naman po ako mag papakita sa kanila. Isa pa, siguradong hindi din nila ako makikilala." Nakangiting saad ko dito.
"Sige anak, kung mag karoon man ng problema, tawagan mo ako agad." Saad nito kaya naman sumakay na ako ng kotse ko.
-
Pag dating ko ng Almodians ay patapos na ang ceremony. Si Lidia lang ang makakakilala sakin dahil hindi ko naman pinututol ang connection ko sa kanya.
Nang makita ko si Richard ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. After ceremony ay nilapitan ko si Lidia para ibigay ang gift ko dito. Tuwang tuwa naman ito ng makita ako.
"Baka makilala ka nila." Saad nito kaya naman sinuot ko ang sunglass ko.
"Imposibleng makilala nila ako, muka ngang nakalimutan na nila ako." Saad ko dito.
"Ano yan?" Tanong nito sakin, ang tinutukoy nito ay ang dala kong box of cookies.
"Para kay Richard, hindi ko alam kung paano ko ito iaabot sa kanya." Naka simangot na saad ko.
"Sa ganda mong yan, kahit na humarap ka sa kanya, hinding hindi ka nya makikilala." Saad nito kaya naman napangiti ako. Hindi pa din ako sanay na sabihan ako ng maganda.
Habang nakatalikod si Richard sa pwesto ko ay pa simply kong nilapitan ang kapatid nitong si Charina.
"Pwede mo ba itong ibigay sa Kuya mo?" Nakangiting tanong ko dito. Napakunot ang noo nito at napatitig sakin.
"Sure ate, anong brand at shade ng lipstick mo? Ang ganda kasi, bagay na bagay sayo." Nakangiting saad nito.
Kinabahan naman ako sa batang ito, akala ko ay makikilala nya na ako.
Pag kuha nito ng paper bag ay umalis na ako bago pa ako mapansin ni Richard.
"Success!" Masayang saad ko kay Lidia.
Habang nag pi-picture taking kami ay agaw pansin si Femia at Richard. Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag hahalikan nilang dalawa. May binigay na regalo si Femia dito, napakunot ang noo ko ng malamang cookies din ito. May mas sasarap pa ba sa cookies ko?
Nang tikman ito ni Richard ay bakas sa muka nya na hindi sya nasarapan. Alam ko kasi ang reaksyon nya sa tuwing nasasarapan sya sa cookies ko. Wala akong nakikitang spark sa mga mata nya, hindi katulad sa cookies ko na talagang nag liliwanag ang mata nya sa tuwing natitikman nya ito.
Sorry nalang Femia, lamang ka lang sakin sa ganda noon, pero hindi mo matatalbugan ang sarap ng cookies ko. Tingnan nalang natin sa susunod nating pag haharap kung sino na satin ang pipiliin ni Richard! Hinding hindi na ako mag papatalo sayo, dahil sisiguraduhin kong sakin na ang bagsak ni Richard.
***After 5 years***
Richard's Pov
**Tok*tok**
"Ikaw pala Aivan." Nakangiting saad ko ng pumasok ito sa opisina ko.
"A-attend ka ba sa alumni ng Almodians?" Tanong nito sakin. Muntik ko ng makalimutan na ngayong gabi na nga pala ito gaganapin. Nag karoon ng meeting last month about sa gaganaping alumni at ang batch namin ang mag organize nito. Kaya naman abala si Femia sa pag aasikaso nito.
"Oo, nag sabi na ako kay Femia na pupunta ako kaya naman aasahan nito ang pag dating ko." Saad ko dito.
"Mabuti kung ganun, pupunta din kami ni Rosemarie. Kita kits nalang mamaya kuya." Saad nito at lumabas na ng opisina ko.
After kong grumaduate sa AU ay nag simula na din akong mag trabaho sa company ni Dad and Tito Ayden. Ang Hotel Del Esguerra ang pina-manage nila sakin. Nag simula ako sa mababang posisyon hanggang sa ma elect na ako bilang CEO ng hotel.
After kong pirmahan ang mga documents na nasa table ko ay nag pahinga na muna ako. Tumayo ako sa glass wall at tiningnan ang paligid ng syudad. Napansin ko na may ginagawang shop sa kabilang kalsada. Tapat lang ito ng hotel namin kaya naman kitang kita ko ang mga nag tatrabaho dito.
Ano naman kayang negosyo ang itatayo dito? Maya-maya pa ay may tumigil na pulang kotse, Ford fiesta ito. Napakunot ang noo ko ng babae ang bumaba sa kotse. Agad itong binati ng mga nag tatrabaho sa location. Mukang ito ang boss nila, ilang sandali pa ay humarap ito sa hotel namin. Inalis nito ang suot nyang shades at tumingin ito mula baba hanggang taas. Parang pamilyar ito sakin, namumukaan ko sya pero hindi ko matandaan kung san ko sya nakita before.
Nang makontento na ito sa pag tingin sa hotel ay nag lakad na ito pa balik ng sasakyan nya. Napakibit balikat nalang ako at bumalik na sa table ko. Habang nag aayos ako ng mga gamit ko ay nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman agad ito ng makitang si Femia yung tumatawag.
"Yes babe?" Tanong ko dito.
"Sa AU nalang tayo mag kita babe, sobrang busy ko talaga." Saad nito.
"Sure, see you later, I love you." Saad ko dito.
"I love you too." Saad nito at binabaan na ako ng call.
-
4pm ng umuwi ako sa bahay, dumiretso agad ako ng kwarto ko para maligo at mag asikaso. 6pm ang start ng party, hindi ako pwedeng ma late dahil magagalit sakin si Femia. Sila kasi ang unang papasok sa event area dahil ipapakilala sila ng host. Bilang boyfriend nya ay gusto nitong kasama nya ako sa pag lalakad sa red carpet.
Pag dating ko ng AU ay malapit ng mag simula ang event kaya naman pinuntahan ko na si Femia. Nang makita ako nito ay agad ako nitong hinalikan sa labi.
"Akala ko ay mali-late ka na naman." Saad nito kasunod ang pag ayos ng necktie ko.
"Sorry babe, natagalan ako sa pag park." Saad ko dito kaya naman pumwesto na kami para sa grand entrance.
**Arcela's Pov**
Ito na ang pinakahihintay ko, mabuti nalang at kinuha akong guest sa alumni na ito. Excited na akong makita kung anong magiging reaksyon nila sa pag dating ko.
Kanina pa daw nag sisimula ang party, saad ni Lidia. Ganap ng isang doctor si Lidia ngayon at ako naman noon ay pinag patuloy ang pag aaral abroad para mas maging matagumpay ang pag open ko ng bakeshop.
Bumaba na ako ng kotse ko, naka red gown ako at kumikislap ito sa tuwing natatamaan ng ilaw. Kapag nag lalakad naman ako ay lumalabas ang legs ko dahil sa hiwa nito sa tagiliran.
Sa pag pasok ko ay agad na kinunan ako ng picture ng mga photographer. Gaya ng plano namin ni Lidia ay itatapat sakin ang spotlight sa pag pasok ko. Kahit na wala akong makita ay alam kong nakatingin silang lahat sakin.
"Wow, napaka ganda nya naman."
"Ang ganda nya naman, anong batch kaya sya?"
Ilang sandali pa ay inalis na ang spotlight sakin. Nakatanggap naman ako ng palakpakan kaya todo ngiti ako sa kanila.
"Sya na ata yung hinihintay nating special guest." Dinig kong saad ni Tricia kay Femia na ngayon ay titig na titig sakin.
Nang maka get over na ito sa pag tingin sakin ay binaling nya naman ang tingin nya kay Richard na ngayon ay titig na titig sakin. Nginitian ko si Richard, at ngumiti din naman ito sakin. Kaya ang ending ay inis na inis si Femia. Hinila nito si Richard palayo sakin, maya maya pa ay lumapit sakin ang isang batchmate namin para i-aassist ako.
Sinabi ko dito na guest ako dito pero nabibilang din ako sa batch nila.
"Sigurado ka ba na nag aral ka din dito sa AU? Bakit parang hindi kita namumukaan? Imposible talaga, sa ganda mong yan eh di sana Kilala kita." Saad nito kaya naman binulungan ko ito.
"May naalala ka bang nerd noon?" Tanong ko dito kaya naman napakunot ang noo nito.
"Oo, si Lidia pati yung bestfriend nyang si Arcela na nag drop out-"
"O M G! Arcela?" Di makapaniwalang tawag nito sakin ng makilala ako.
"Oh my gosh, anong nangyare sayo! Grabe hindi kita nakilala, sobrang ganda mo na ngayon!" Saad nito at todo yakap pa sa braso ko.
Papalapit na sa pwesto namin si Lidia kaya naman nag paalam na ako kay Sheila na student council namin noon.
Tiyak kong ipag kakalat nito sa batch namin kung sino talaga ako. Hindi na ako makapag hintay sa magiging reaksyon nilang lahat, lalo na sa grupo ni Femia.