Kabanata 5: Ang Pagbabalik

1703 Words
Richard's Pov "Ano yun? Nandito lang ako sa tabi mo pero kung san san ka tumingin?" Inis na saad ni Femia. "Sorry babe, lahat naman tayo ay na mangha sa ganda nung babae. Kahit ikaw naman diba napatingin sa kanya." Paliwanag ko dito. "Pero nakipag ngitian ka pa sa kanya!" Inis na saad nito. "Sorry, na dala lang ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay gusto ko sya. Ikaw ang mahal ko, ikaw lang ang pinakang maganda sa paningin ko." Saad ko dito. "Okey, naniniwala naman ako sayo dahil alam kong mas maganda ako sa babaeng yun." Nakangiting saad nito at bumalik na kami sa table namin. "Guest what!" Nakangiting saad ni Sheila. "Ano na naman ba yun Sheila?" Tanong ni Tricia. "Magugulat kayo sa sasabihin ko, natatandaan nyo pa ba yung nerd sa batch natin?" Nakangiting tanong nito kaya naman all ears akong nakinig dito. "Sino, si Lidia ba?" Tanong naman ni Mike. "Hindi, si Arcela yung best friend nya." Saad ni Sheila na nakangiti. Mukang excited ito kaya pati ako ay nakaramdam din ng tuwa. "Nandito sya ngayon!" Tuwang tuwa na saad nito. "What? Ang lakas naman ng loob ng nerd na yun na umattend dito. Samantalang hindi naman sya grumaduate dito!" Inis na saad ni Patricia. "Hayaan mo na girl, hanggang ngayon naman ay panget pa din yun." Saad ni Femia kaya naman nag tawanan sila. Pa simply kong tiningnan ang paligid, nag babakasakali na makita ko ito pero wala akong makitang Arcela. "Anong pinag sasabi mong panget? Hindi ko nga sya nakilala dahil sobrang ganda nya na ngayon." Saad ni Sheila kaya napakunot ang noo ni Femia. Maging ako ay di makapaniwala sa sinasabi nito. "Nag aadik ka ba? Paanong gaganda ang katulad ni Arcela, kahit na mag paretoke sya hinding hindi nya matatalo ang beauty ni Femia." Saad naman ni Tricia. "Yun ang alam nyo, yung magandang babae lang naman na kadarating lang ay walang iba kundi si Arcela." Saad ni Sheila. "What!!!!" Sigaw ni Femia kaya lahat kami ay napatingin sa gawi nung sinasabi nyang babaeng maganda. S-si Arcela na yun? Bakit hindi ko manlang sya nakilala? After nitong makipag kamustahan sa mga guro namin ay nag lakad na ito papunta sa table namin, kasama nito si Lidia. "Bigyan nyo sila ng mauupuan!" Saad ni Billy kaya naman inoffer ni Liam yung upuan nya para kay Arcela. "Thank you." Nakangiting saad ni Arcela dito. Lahat kami ngayon ay nakatingin kay Arcela. "Anong nangyare sayo Arcela, bakit bigla kang gumanda? Nag pa retoke ka ba?" Tanong ni Tricia dito. "Ako mag paparetoke? Natural beauty yan. Na realized ko kasi na hindi sapat yung maganda lang yung ugali. Lalo na kung toxic yung mga taong nasa paligid." Nakangiting saad nito kaya naman napansin ko ang pag kainis ni Femia. Hinawakan ko ang kamay nito to calm her. "Bakit ka nga pala nag drop out? May nangyare ba sayo?" Tanong naman ni Mike. "Oo, napagod na kasi ako sa pang bu-bully nyo. Siguro naman this time hindi na mauulit yun?" Nakangiting tanong nito kaya natahimik silang lahat. "Sorry Arcela sa mga nangyare before, alam mo naman na mga bata pa tayo noon, mga hindi pa matured mag isip." Saad naman ni Lyca. "Okey lang yun, nauunawaan ko naman kayo. Hi Femia, hanggang ngayon pala ay kayo pa rin ni Richard? May balak na ba kayong mag pakasal?" Tanong nito kaya naman na alarma ako. Ewan ko ba pero hindi ko magawang i-normal ang puso ko ngayon. Siguro dahil ang babaeng matagal ko ng gustong makita ay nasa harapan ko na ngayon. Matagal ko ng gustong huminge ng sorry sa kanya, ngayong nasa harapan ko na sya, parang hindi ko na magawa. Ibang iba na kasi sya sa inaakala ko. **Arcela's Pov** Tuwang-tuwa ang puso ko dahil sa mga malalagkit na tingin sakin ni Richard. Paano ba yan, hindi pa ako gumagawa ng moves ko pero mukang na hook na sya sakin. "Sa ngayon wala pa, hindi naman kami nag mamadali ni Richard. Sigurado naman na kami sa isat-isa isa, diba babe?" Tanong ni Femia dito pero sakin nakatingin si Richard. "Oo, may gusto pa kasing patunayan si Femia sa sarili nya kaya ayuko muna syang i-pressure sa pagiging wife." Saad ni Richard sabay tingin kay Femia. Sa loob ng ilang taon nilang pag sasama, ni hindi ko manlang nabalitaan na nag break sila. So ibig sabihin ganun nila ka mahal ang isat-isa isa. So ako yung kontrabida na sisira sa ilang taon nilang pag sasama. Hindi ata ako ang bida sa kwentong ito kundi isang kontrabida. "Ikaw ba Arcela, ngayong naranasan mo na ang maging maganda? Kamusta naman ang love life mo?" Tanong ni Femia sakin. Ngumiti ako dito sabay flip ng hair ko. Oh diba ang arte lang, hahaha. "Ako? Ito single pa din. Nahihirapan kasi ako mamili kung sino ba ang lalaking ka rapat dapat para sakin. Alam mo naman ang panahon ngayon, marami na ang nag loloko. Kung pipili ako ng lalaking mamahalin, gusto ko yung katulad ni Richard." Nakangiting saad ko kaya naman na ubo si Richard habang umiinom. Tiningnan ako ng masama ni Femia. Kaya naman nginitian ko ito habang nakataas ang isang kilay. Mang aasar muna ako, tingnan natin kung hanggang saan ang pasensya mo. "Anong gusto mong iparating Arcela? May balak ka bang agawin sakin ang boyfriend ko?" Inis na tanong ni Femia sakin at na patayo pa ito sa kinauupuan nya. Agad naman syang pinakalma ni Richard at muling pinaupo. "My gosh Femia, bakit ko naman gagawin yun? Humahanga lang ako kay Richard kasi bibihira nalang ang katulad nya. Kaya nga napaka swerte mo sa kanya." Saad nito kaya bahagyang kumalma ito at yumakap sa braso ni Richard. Sige lang Femia, ipaparamdam ko sayo ngayon kung paano mag karoon ng insecurity sa sarili na hinding hindi mo pa nararanasan sa buong buhay mo. Maya-maya pa ay may sinerve na mga cakes and pastries sa table namin. Wala silang idea na pakulo ko ito. "Wait, bukod sa pastries and cakes ko, may ibang omorder pa ba sa inyo?" Tanong ni Femia. May sariling bake shop na si Femia, dalawang taon na din simula ng mag tayo ito ng sarili nyang business. After kasi nitong grumaduate sa AU sa kursong business management ay nag aral ulit ito at ang kinuha nya naman ay baking tulad ng kurso ko. Siguro ginawa nya yun dahil alam nyang mahilig si Richards sa cookies and cakes. "Wala, bakit naman kami oorder sa iba kung alam naming meron na sa inyo. Baka naman sponsor lang yan ng isa sa mga bisita." Saad ni Tricia. "Wala naman sigurong masama diba, bakit hindi nyo muna i-try, malay nyo masarap naman." Nakangiting saad ko kaya naman kumuha na sila. "Oh my gosh, ang sarap nya Bhe." Saad ni Tricia kay Femia kaya naman tiningnan sya ng masama ni Femia. Sumunod na tumikim si Richard, cookies ang kinuha nito. Sabi na nga ba at yun ang pipiliin nya. Hindi pa rin talaga sya nag babago hanggang ngayon. Pag kagat nito ng cookies ay muli kong nasilayan ang pag kislap ng mata nito. Ito yung hindi kayang gawin ni Femia na kaya kong gawin. "Tell me babe, how is it?" Tanong ni Femia dito habang nakakunot ang noo. Tumingin si Richard sakin, alam kong alam nya na kung san galing ang mga hinain sa kanilang sweets. "Galing ba sayo ang lahat ng ito?" Tanong ni Richard sakin. "Akala ko hindi mo makikilala ang gawa ko. Ilang taon na din ng huli mong matikman ang mga gawa ko." Nakangiting saad ko dito. "A-ano? Sayo galing ang lahat ng basura na to?" Inis na saad ni Femia. "Basura? Paano mo natatawag na basura ang ganitong ka sarap na pag kain? Baker ka din diba? Dapat alam mong pahalagahan ang mga ganitong pag kain." Saad ni Billy kay Femia. "What ever! Hindi lang kayo marunong tumikim kung ano yung masarap at hindi!" Inis na saad nito. Tumayo ito at pumunta sa bouffe, kumuha ito ng mga cookies and cakes na gawa nya. Pag balik nito sa table namin ay binigyan nya isa-isa ang mga kasamahan namin. "Sige, ngayon kayo mag rate kung kaninong gawa ang mas masarap!" Inis na saad nito. Ako naman ay nakangiti lang habang pinag mamasdan sila. Tingnan natin ngayon kung sino ang mananalo. Sabay sabay nilang tinikman yung gawa ni Femia. Lahat sila ay tahimik na tila ayaw mag salita. "Mag salita kayo, kaninong gawa ang mas masarap?" Tanong ni Femia. "I want to be honest with you Femia, but for me mas masarap yung gawa ni Arcela." Saad ni Ariella. "Me too, mas gusto ko yung gawa ni Arcela. "Ako din, saktong sakto sa panlasa ko yung gawa ni Arcela." Saad ni Sheila. "Wala akong paki sa opinion nyong lahat. So babe, tell me, para sayo kaninong cookies yung masarap?" Tanong ni Femia kay Richard. Napansin ko na napalunok si Richard, kahit naman na mag sinungaling si Richard sa harap ko, alam ko naman na yung cookies ko talaga ang pasok sa panlasa nya. Never na nag sinungaling ang mga mata nya. "Sorry babe, pero tama silang lahat, siguro may nakalimutan ka lang na ilagay na ingredients kaya mas naging masarap yung gawa ni Arcela kesa sayo." Saad ni Richard dito. "Ganun ba, baka nga babe. Sobrang busy ko kasi, baka nga may hindi ako nailagay. Hayaan mo, next time ay mas aayusin ko na." Nakangiting saad nito sabay yakap sa braso ni Richard. Alam kong ako ang nanalo sa laban na to, pero hindi ko magawang maging masaya dahil parang wala lang kay Femia yung nangyare. Binoto nga ako ni Richard, pero na gawa nya pa ding pagaanin ang loob ni Femia. "By the way guys, kailangan ko ng umalis. Thank you sa time nyo, see you next time." Paalam ko sa kanila kaya naman tumayo na kami ni Lidia. "Best okey ka lang?" Pag aalalang tanong nito. "Gusto ko lang na matalo si Femia. Pero hanggat nasa kanya si Richard talo pa din ako." Saad ko dito kaya naman niyakap ako nito. "Ngayon ka pa ba susuko kung kelan maganda kana?" Pa birong saad nito. "Sira, kahit na mali itong ginagawa ko, sinusuportahan mo pa din ako." Saad ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD