Richard's Pov
"Wait babe, mag c-cr lang ako." Paalam ko kay Femia.
Pag labas ko ay agad kong sinundan si Arcela. Gusto ko syang makausap kahit sandali lang. Naabutan ko naman sila ng bestfriend nyang si Lidia sa parking lot.
"Arcela, can we talk?" Tanong ko dito at mukang na gulat pa ito ng makita ako.
"Iwan ko muna kayo." Saad ni Lidia.
"Alam ba ni Femia na nandito ka?" Tanong nito kaya naman umiling ako nilang sagot.
"Gusto ko lang na kamustahin ka, ilang taon din bago ulit tayo nag kita." Saad ko dito kaya lumapit ito sakin. Ibang-iba na talaga sya, wala na yung mga dry skin at pimples nya. Sobrang perfect ng kanyang muka. Mata nya lang yung walang pinag bago.
"I'm happy na nag kita ulit tayo." Saad nito at inabot nito sakin ang kanang kamay nya kaya naman nakipag shake hands ako dito.
"Sobrang tagal kong nag crave sa cookies mo, siguro naman ay masusuplayan mo na ulit ako? But don't worry, mag babayad na ako this time." Saad ko dito kaya naman na tawa ito.
"Ikaw ah, may cookie na si Femia pero cookie ko pa din ang gusto mo." Nakangiting saad nito kaya naman napangiti din ako. Nakaka green yung pag ka sabi nya pero alam ko naman na wala lang ito sa kanya. Sya pa din si Arcela, yung nerd na kilala ko noon. Nag bago lang ang pang labas na anyo nya, pero pure pa din ang puso nito.
"Please Arcela, sobrang tagal kong hinintay na makakain ulit ng cookies mo. Lahat na ata ng bake shop ay nasubukan ko na para ma satisfy yung panlasa ko. Pero wala talagang makakatalo sa cookies mo." Saad ko dito.
"Give me your number." Saad nito sakin. Kaya naman agad kong kinuha sa wallet ko yung calling card ko.
"Malapit na ang opening ng cafe ko. Kokontakin kita sa opening, sana makapunta ka." Saad nito kaya naman sobrang galak na galak ang puso ko.
"Finally at naisipan mo na ding mag tayo ng cafe. For sure ay matutuwa nito si Charina at ang mga pinsan ko kapag nalaman nilang bumalik kana." Saad ko dito. Bigla namang nag ring ang phone ko, pag tingin ko ay tumatawag na si Femia.
"Mukang hinahanap kana ng girlfriend mo. Kailangan ko na din umalis, see you next time." Saad nito at ikinagulat ko ng mag beso ito sakin.
"I-ingat ka." Saad ko dito at sumakay na ito sa sasakyan nya. Habang nag lalakad ako pa balik ng event area ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Napahawak pa ako sa pisnge ko kung saan nakipag beso sakin si Arcela. Ewan ko ba kung tama na maramdaman ko to, pero ngayon nalang ulit ako kinilig sa buong buhay ko.
Masaya ako sa pag babalik ni Arcela. Finally ay makakain ko na din ang cookies nito anytime na gustuhin ko lalo na ngayon at may cafe na sya.
** Arcela's Pov **
Para akong hihimatayin sa kilig. Sorry na kung medyo lumandi ako kanina, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko kaya nakipag beso ako dito. Beso lang naman yun diba, hindi naman kiss kaya for sure ay wala lang yun sa kanya. Pero ako, wahhhhhh! Para akong aatakihin sa puso dahil sa sobrang kilig.
Next week pa ang opening ng AR'C Sweet Delight pero parang gusto ko na itong madaliin sa lalong madaling panahon. Bukod kasi sa malapit lang ito kay Richard, tiyak kong mang gagalaiti si Femia kapag nalaman nya na ang boyfriend nya ay may ibang cookie na kinababaliwan. Sorry sya dahil mas masarap ang cookie ko kesa sa cookie nya hahaha.
Habang nag mamaneho ako palabas ng AU ay bigla nalang may bumangga sa bumper ko. Mabuti nalang at hindi ito ganun ka lakas kaya naman agad akong bumaba para i-check ito.
"Sorry Miss, are you alright?" Tanong ng lalaking nakabangga sakin. Pag harap ko dito ay namukaan ko ito. Sya si Gael Montesa, ang bestfriend ni Richard. Gwapo din ito pero tahimik at may sariling mundo lang. Tinalo pa nga nito ang pagiging nerd ko, kaibahan lang sa kanya ay ma porma sya at gwapo kaya naman pasok na pasok pa din sya sa panlasa ng mga babae.
"Sh*t paano na to." Saad ko dahil sa damage ng sasakyan ko. Wala pang isang buwan sakin ang kotse ko na ito at ganito na agad ang nangyare.
"Wait, Arcela ikaw ba yan?" Tanong nito sakin na ikinagulat ko. Teka, paano nya ko nakilala? I mean hindi naman kami close nung school days. Tapos ngayong maganda na ko nakilala nya pa rin ako.
"K-kilala mo ko?" Nauutal na tanong ko dito.
"Of course, paanong hindi kita makikilala. Ikaw yung dating nerd na mahilig mag bigay ng cookies kay Richard." Saad nito kaya napangiti nalang ako.
"Tahimik ka lang noon pero nag mamasid ka lang pala. So paano na yan, ano ng gagawin natin Dyan?" Tanong ko dito habang parehas kaming nakatingin ngayon sa harap ng bumper ng mga sasakyan namin.
"Ganito nalang, ibigay mo sakin ang number mo para tawagan kita bukas. May auto shop ako, ako na ang bahala sa damage." Saad nito kaya naman nakahinga ako ng maayos.
"Para sure akong hindi mo ko tatakbuhan, kukunin ko na din yung number mo." Saad ko dito kaya naman na tawa ito sa sinabi ko.
"Sigurista kana ngayon ah." Saad nito sabay kuha ng cp nya, kaya naman nag bigayan na kami ng number nito sa isa't isa.
"So paano, bukas nalang ulit. I'm happy to see you again Arcela. Sana this time ay makatanggap na ako ng cookies galing sayo." Saad nito kaya naman na tawa ako.
"Sorry, hindi ko naman kasi alam na gusto mo din ng cookies ko. Sa opening ng cafe ko, invite kita." Saad ko dito kaya naman nakipag kamay ito sakin.
"Thanks, isang karangalan na maimbitihan mo ang katulad ko." Saad nito kaya naman nakipag kamay na ako dito.
"Ako lang to Gael, wag ka ngang OA." Natatawang saad ko.
After naming mag paalam sa Isa't Isa ay umalis na ako. Sya kasi ay papunta palang ng event. Mabuti nalang talaga ay si Gael ang nakabanggaan ko. Kung ibang tao siguro yun, baka napa away na ako.
Grabe din yung pinag bago ni Gael, mas lalo syang gumwapo. Pero wala pa ding tatalo kay Richard ko. Hays, sulit na sulit ang gabing ito, uuwi akong masaya at hindi luhaan. Hindi na muna ako mag paparamdam kay Richard, mag papa-miss muna ako sa kanya. Alam ko naman na laway na laway na sya sa cookies ko. Kaya kailangan mag pa miss tayo ng bongga para mabaliw sya sa kakahanap sakin.
(Sa mga new reader ko, series 2 na po ito. Bali ang part 1 nya po ay ang parents ni Richard na si Noraisa at Chandler. Kung gusto nyo po na ma basa, Esguerra's Favorite Maid po ang title. For Free din po ito. )