Gael's Pov
Hindi ako makapaniwala na si Elaine yung nakaharap ko. Sabi na nga ba at maganda sya, noon pa man ay alam ko ng may gandang tinatago ito sa likod ng salamin nya.
Unang araw ko palang sa AU ay napansin ko na agad sya. Madalas itong binubully dahil sa pang labas na anyo nya. Sa tuwing nag iisa ako, sya palagi ang pinag mamasdan ko. Ewan ko ba pero tuwang tuwa ako sa kanya. Wala naman akong ginagawang action para mapansin nya. Basta tahimik lang akong pinapanuod sya sa malayo.
Dahil sa pag oobserve ko sa kanya, dun ko nalaman ang totoong ugali nya. Hindi nga nasusukat sa labas na kaanyuan ang ugali ng isang tao. Dahil si Arcela, kahit ilang beses na itong ginawan ng masama ng mga taong nasa paligid nya. Wala syang ginawang action para gumanti. Lagi nyang sinabi sa kaibigan nitong si Lidia na darating ang araw at mapapagod din ang mga ito sa pang bubully sa kanya.
Dahil dito ay hindi ko na kayang mag sa walang kibo nalang sa mga ginagawa sa kanya ng mga bully. Everytime na may naririnig akong pinaplano nila sa mag kaibigan ay palihim na akong gumagawa ng moves para hindi matuloy ang binabalak nila. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng pinahamak ang sarili ko para sa kanya.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit ko ginagawa yun. Ang alam ko lang ay masaya ako sa tuwing nakikita ko syang masaya at ligtas. Parang kay Arcela umikot ang mundo ko nung panahong nag aaral ako. Walang nakakaalam nun kundi ako lang. Kaya madalas na pinipili kong mag isa para malaya kong nasusundan si Arcela ng walang nakakapansin.
Dumating yung time na binigyan ni Arcela ng cookies si Richard, inggit na inggit ako nun. Tinatanong ko yung sarili ko bakit si Richard, bakit hindi ako? Ako na lihim na piniprotektahan sya laban sa mga bullies, ako na lihim na may pag tingin sa kanya, samantalang si Richard naman ay inlove sa iba. Pero na nanatili pa din akong tahimik. Wala akong lakas na sabihin kay Arcela ang lahat ng mga kabilang pinag gagawa ko.
Dumating yung time na wala si Richard at ako ang nakita ni Arcela. Sakin nya pinaabot yung cookies na binake nya para kay Richard. Ewan ko ba kung bakit hindi ko binigay kay Richard ang cookies na yun. Natatawa ako sa tuwing naalala na hanggang ngayon ay nasa akin pa din ito. Inaamag na nga ito sa jar na pinag lagyan ko. Kahit hindi ko aminin sa sarili ko, alam kong sobrang obsessed ko kay Arcela pero wala akong ginawa para aminin sa kanya ang nararamdaman ko.
Nung araw na pinapili ni Femia si Richard, nandun ako. Kitang kita ko yung pag luha ni Arcela. Lalapitan ko na sana sya nun, kaso biglang dumating si Lidia. Umurong na naman ang tuhod ko, wala na naman akong na gawa para sa kanya.
Hindi ko naman akalain yun na pala ang huling beses na makikita ko sya.
-
Pag dating ko sa table namin ay agad na nakipag fist bump sakin sila Richard. Nakipag beso namàn sakin ang mga kaibigan naming babae.
"Dude, sayang at na late ka. Naabutan mo sana si Arcela, nakita mo sana kung gaano na sya kaganda ngayon. Pinag iisipan ko nga kung pano ko sya popormahan ngayon." Saad ni Mike kaya naman tiningnan sya ng masama ni Tricia.
"Siraulo ka ba, paano ka magugustuhan ni Arcela. Nakakalimutan mo ba na Isa ka sa mga nang bubully sa kanya noon? Pati wala ka sa kalingkingan ni Richard." Inis na saad ni Tricia dito.
"May pag asa pa naman na mag bago ako. Mag papatulong ako kay Richard kung paano maging ganap na katulad nya." Nakangiting saad nito kaya naman napailing nalang si Richard.
"Bakit kay Richard?" Tanong ko dito at naupo na sa tabi ni Richard.
"Katulad daw kasi ni Richard ang gusto nyang maging nobyo. Talagang ang lakas ng loob nyang sabihin yun sa harapan ko. Hindi pa din sya nag babago, kahit noon pa ay talagang gustong gusto nya na si Richard. Sorry sya dahil hindi ako papayag na maagaw nya sakin ang boyfriend ko." Saad naman ni Femia.
Ngayong maganda at sexy na si Arcela, malaki na ang chance na magustuhan sya ni Richard. Kung noon ay lamang na lamang si Femia dito, para sakin ay mas lamang na ngayon si Arcela.
"Actually nag kita kami kanina." Saad ko sa kanila kaya naman gulat na gulat ang mga ito.
"P-paanong nag kita kayo?" Nauutal na tanong ni Tricia.
"Nabangga ko yung kotse nya dahil sa pag mamadali ko." Paliwanag ko sa kanila.
"How is she?" Tanong ni Richard.
"She's fine, hindi naman malakas yung pag bangga ko sa kotse nya. Medyo may na yupi lang sa bumper nya, nag usap naman na kami about dito." Nakangiting kwento ko sa kanila.
"My gosh, akala ko naman ay nasaktan na ito." Saad ni Billy.
"Hindi naman halata na nag aalala ka sa kanya." Inis na saad ni Femia kay Richard.
"Owww, bakit parang nag seselos ka Femia? Simula ng dumating si Arcela naging mainitin na ang ulo mo." Saad naman ni Sheila.
"Paanong hindi iinit ang ulo ko, noon pa man ay inis na ako sa babaeng yun. Mashadong pa bida, gumanda lang ng konte feeling nya sya na ang pinakang maganda sa batch natin." Inis na saad nito.
"Bakit sa tingin mo ba ay may iba pa? Sa tingin nyo guys, sino nga ba ang pinakang maganda sa batch natin ngayon?" Tanong ni Lidia. Malaki na ang pinag bago ni Lidia, pero yung eye glass nito ay mas lalong ngayong kumapal. Pero hindi na sya old fashion kung manamit.
"Sorry Femia, pero sa tingin ko ay mas maganda na ngayon si Arcela kesa sayo. " Saad ni Sheila at ganun din ang iba.
"Don't worry babe, for me ikaw pa din ang pinakang maganda." Saad ni Richard kaya naman kinilig ang mga kasama namin sa table. Hanga din ako kay Richard dahil sa loob ng limang taon nilang relasyon ni Femia ay hindi manlang ito nag try na sumubok ng iba.
Noon pa man ay talagang gustong gusto nya na si Femia. Kahit na ayaw ng mga pinsan at kapatid nito kay Femia ay mas nanaig pa din ang kagustuhan nitong maging kasintahan si Femia.
Siguro naman, ito na ang pag kakataon ko para mag tapat ng nararamdaman kay Arcela. Single naman ako at ganun din sya. Yung nangyare samin kanina, baka yun na ang sign para saming dalawa.
Bukas na bukas ay tatawagan ko sya para ayusin ang sasakyan nya. After nun ay yayain ko syang lumabas. Marami akong gustong i-kwento sa kanya at handa na akong aminin l ang matagal ko ng tinatagong pag ibig para sa kanya.