Kabanata 8:AR'C Sweet Delight

1419 Words
Richard's Pov "Okey ka lang Sir?" Tanong ni Ayah sakin, ang secretary ko. "Yes I'm fine." Nakangiting sagot ko dito. Ilang araw na akong balisa, bawat minuto ay nakatingin ako sa telepono ko. Hinihintay ko kasi na kontakin ako ni Arcela pero isang linggo na ang lumipas ay wala pa rin itong paramdam sakin. Nakakainis lang dahil dapat pala ay kinuha ko din ang number nito. May peace of mind sana ako ngayon. Ewan ko ba kung bakit ako nag kakaganito. Masaya lang ako dahil bumalik na sya. Isa pa, sya ang favorite baker ko, sobrang na miss ko ang mga cookies nya. Habang abala ako sa pag babasa ng mga papers ay biglang may kumatok sa pinto. Sumilip si Ayah. "Sir, may nag hahanap po sa inyo." Saad nito. "Sino daw?" Tanong ko dito. "Arcela Laxama daw po." Saad nito kaya naman napatayo ako. "Sige, papasukin mo sya." Saad ko dito at agad na inayos ang mga gamit ko sa table. Inayos ko din ang suot kong long sleeve. Pag pasok nito ay agad ko itong sinalubong. Nakipag beso ito sakin sabay abot ng dala nyang box of cookies. "Mukang na abala ata kita." Nakangiting tanong nito. "Hindi naman, thanks sa cookies, talagang nag abala ka pa." Saad ko dito at naupo kami sa sofa. "Akala ko nakalimutan mo na ako, hinihintay ko kasi ang text at tawag mo. Naisip ko na baka sobrang busy mo dahil sa pag aasikaso sa opening ng bakeshop mo." Saad ko dito. Tumayo ito at pumunta sa wall glass. Tinawag naman ako nito kaya lumapit ako dito. Napansin kong nakatingin ito dun sa gusaling ginagawa noon. Tapos na ito, at mukang ngayon din ang opening nito. Nakalagay sa itaas nito ang pangalan ng shop. AR'C Sweet Delight. Parang pamilyar ang pangalan nito sakin. "Be my guest." Nakangiting saad nito kaya naman napakunot ang noo ko. "Guest saan?" Naguguluhang tanong ko. "Ngayon kasi ang opening ng shop ko, kung okey lang sana sayo na maging guest ko today." Nakangiting saad nito sabay tingin sa ibaba. "Oh my gosh, don't tell me yan ang bake shop mo?" Di makapaniwalang tanong ko. Ngumiti naman ito at tumango. "So Mr. Esguerra's, willing ka ba na maging guest ko for today?" Nakangiting tanong nito at inalok pa sakin ang kanang kamay nya. "Matatanggihan ko ba ang isang magaling na baker na tulad mo?" Nakangiting saad ko dito at inabot ko sa kanya ang kamay ko. "Thank you." Tuwang tuwa na saad nito. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. Napalunok ako ng maramdaman ang dibdib nito ng lumapat sa dibdib ko. "S-sorry, na carried away lang." Nakangiting saad nito sabay ayos ng sarili nya. "No it's okey, so tara na? For sure ay hinihintay na ng lahat ang opening ng shop mo." Saad ko dito kaya naman masaya kami nitong lumabas ng opisina ko. Habang nasa elevator kaming dalawa ay hindi ma wala ang ngiti nito. Ibang iba na talaga sya sa Arcela na nakilala ko noon. Sinong mag aakala na gaganda sya ng ganito? Hindi ko tuloy maiwasang hindi sya titigan. Hindi kasi nakakasawa ang Ganda nito. Parang yung cookies nya lang, hindi nakakasawang kainin dahil sa sarap nito. Patawid na kami ng kalsada, ng mag stop light na ay mabilis kong kinuha ang pala pulsuhan nito at hinila na ito pa tawid sa kabilang kalsada. Nasa tapat na kami ng shop nya, doon ko lang na realized na nakahawak pa din pala ako sa kamay nya. "S-sorry." Nauutal na saad ko dito kaya naman napa hawak ako sa batok ko. - Ilang sandali pa ay nag simula na Ang program. Kasabay na din nito ang pa blessing ng shop nya, kaya after ng ilang minutong speech ni Father ay hinila ako ni Arcela sa tabi nya para sa cutting of the ribbon. "Dito ka sa tabi ko, guest kita diba?" Nakangiting saad nito. Pag kabigay nito ng gunting sakin ay sinimulan na namin ang pag cut ng ribbon. After nito ay pumasok na kami sa loob. Napahanga ako dahil sa ganda ng shop nito. Wala itong sinabi sa bake shop ni Femia. Pink ang kulay nito, may pag ka old rose ang pintura kaya naman hindi ganun ka sakit sa mata. Hindi sya ganun ka laki, ten tables lang ang meron dito. Napalunok ako ng makita ang mga naka display na cakes nila. Maging ang mga cookies at iba't ibang breads. Napahanga na naman ako ni Arcela, noon pa man ay mahusay na sya pag dating sa baking. - After ng blessing ay nag simula na ang promo ng shop nila. 50% discount sa 100 customers, kaya naman pinilahan agad ang shop nya. "Thank you Richard." Nakangiting saad ko dito. "Wala yun, ako nga dapat ang mag thank you sayo. Ang swerte ko dahil ako yung palaging nakakatikim ng mga gawa mo noon." Saad ko dito. "Ikaw lang kasi yung nakaka appreciate ng talent ko. Wala din namang ibang pumapansin sakin kundi ikaw lang at mga pinsan mo." Saad nito. "Speaking of pinsan, tinatanong nga pala nila kung kelan opening ng shop mo. Sasabihan ko lang sila, tiyak na pupunta ang mga yun dito ngayon." Saad ko dito kaya naman nag message ako sa gc namin. Na miss nila ang cookies ni Arcela kaya naman mabilis silang nag response. "On the way na sila." Saad ko dito. "Thank you talaga Richard." Saad ko dito. "Gael!" Nakangiting saad ni Arcela at kumaway pa ito sa likuran ko. Pag lingon ko ay papalapit na si Gael sa pwesto namin. May dala itong bouquet of roses. "Sorry I'm late, sobrang traffic kasi. By the way congrats." Saad nito sabay beso kay Arcela. Nakipag fist bump naman ito sakin. Hindi ko akalain na invited din ito. "By the way Gael, thank you sa pag ayos ng sasakyan ko." Saad ni Arcela dito. "No problem, kasalanan ko din naman yung nangyare. Nakakatuwa naman at tapat lang ng hotel nila Richard itong shop mo." Saad ni Gael at naupo na ito sa tabi ko. "Oo nga eh, walking distance lang. Kaya anytime na mag craving ako sa cookies nya ay makakain ako agad." Saad ko kay Gael. "Baka naman mag tampo si Femia nyan. Bro, alam ko naman na favorite mo noon pa man ang cookies ni Arcela. Pero wag mong kalimutan na baker din ang girlfriend mo. Tiyan na magagalit yun sayo kapag nalaman nya na mas sinusuportahan mo pa si Arcela kesa sa kanya. Diba Arcela?" Saad ni Gael kaya naman napakunot ang noo ko. I want to support Femia, pero cookies ni Arcela yung hinahanap ng dila ko. **Femia's Pov** I'm on my way na sa hotel ni Richard para ipatikim sa kanya ang bagong recipe ko. Excited na ako dahil ilang araw ko din pinag aralan para makuha ang tamang timpla nito. Pag dating ko ng opisina nya ay agad akong sinalubong ng secretary nitong si Ayah. Para itong naka kita ng multo ng makita ako. "G-good morning po Mam Femia." Nauutal na tawag nito sakin. "Good morning din, nandyan na ba ang Sir mo?" Tanong ko dito. "Opo p-" hindi ko na pinansin ang sinasabi nito kaya pumasok na ako sa loob ng opisina ni Richard. Pag pasok ko dito ay wala ito sa table nya. Napansin ko ang box of cookies na nasa table nya. Naka lagay ito sa pink box na may pangalang AR's Sweet Delight. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang pangalan nito. "Akala ko ba ay nandito ang Sir mo, niloloko mo ba ako?" Inis na tanong ko kay Ayah. "Opo, pero may pumunta po ditong magandang babae kanina. Umalis po sila ni Sir, hindi ko na po natanong kung san sila pupunta." Saad nito kaya naman napakunot ang noo ko. "What the h*ll, secretary ka nya kaya dapat inaalam mo kung san sya pumupunta!" Inis na saad ko dito kaya na payuko ito. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Richard. Pag ka ring nito ay narinig ko ang ringtone nito. Napalingon ako sa table nito ng marinig ko ang ringtone ng phone nito. "Asar! Bwesít talaga na Arcela na yan! Humanda sya sakin kapag nakita ko sya. Talaga ginagalit nya ko, hindi pa rin sya nag babago. Akala nya ay maagaw nya sakin si Richard, pwes nag kakamali sya. Ipapamuka ko sa babaeng yan na wala pa din syang lugar sa buhay ni Richard?!" Inis na saad ko kaya naman umalis na ako ng opisina nito. Humanda ka sakin Arcela, gusto mo ng gulo, pag bibigyan kita!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD