Femia's Pov
Pag ka U-turn ko ay napansin ko ang bagong bukas na shop sa tapat ng hotel nila Richard. Agad kong pinark ang sasakyan ko sa tabi dahil pamilyar sakin ang pangalan ng shop. Bigla akong kinutuban, kaya naman madali akong pumasok sa loob.
Agad na kumulo ang dugo ko ng makita si Richard na kasama si Arcela habang nag lalandian.
"Babe!" Inis na tawag ko dito. Hinila ko si Richard papunta sa tabi ko kaya naman napakunot ang noo ni Arcela.
"Ikaw pala Femia, mabuti nalang at nandito ka din." Nakangiting saad nito.
"Hindi ako pumunta dito para sayo, nandito ako sunduin ang boyfriend ko na nilalandi mo!" Inis na saad ko dito.
"Babe, watch your word. Nakakahiya sa mga customers!" Inis na saad sakin ni Richard.
"Nakakahiya? Dapat lang na mahiya ang babae na yan dahil kitang kita naman na nilalandi ka nya!" Inis na saad ko dito.
"What's going on here?" Agad akong napatingin sa babaeng nag salita, si Rosemarie ang pinsan ni Richard.
"Ate Femia, ano bang ikinagagalit mo dyan?" Saad naman ni Charina.
"Nasan na yung cake ko? Ang tagal nyo naman." Saad naman ni Aivan.
"Nandito din kayo?" Nakakunot noo na saad ko sa kanila. Nung nag opening ang shop ko, ni isang pamilya ni Richard ay walang dumalo. Tapos itong opening ng babaeng malandi na to nandito silang lahat?
"Sorry guys, nag ka missed understanding lang." Saad ni Richard kaya naman hinila ako nito palabas ng shop.
"Ano bang nangyayare sayo? Huwag ka ngang gumawa ng eksena dito!" Inis na saad nito sakin.
"Ikaw ba dapat ang magalit o ako? My gosh Richard, bumyahe ako dito para puntahan ka sa office mo pero wala ka dun! Tapos makikita lang kita na kasama ang babaeng yan!" Inis na saad ko dito.
"Please Babe, calm down okey. Alam mo naman na fan ako ng mga cookies nya. Isa pa nasa tapat lang ng office ko ang shop nya, she invited me kaya naman pinaunlakan ko na. Nakakahiya naman kung tatangihan ko sya." Saad nito sakin sabay hawak sa kamay ko.
"Yun lang ba talaga? Alam mo naman na wala akong tiwala sa babaeng yan. Noon pa man ay may gusto na sya sayo, kaya naman gumagawa na naman yan ng way para ma agaw ka nya sakin." Paliwanag ko dito. Hinaplos naman nito ang muka ko.
"Hindi mo kailangan matakot babe, I'm yours, sayong sayo lang ako. Hinding hindi ako maagaw ng kahit sinong babae, kahit na si Arcela pa yan." Saad nito sabay halik sa labi ko.
"Thanks babe, naniniwala ako sayo." Saad ko dito at bumalik na kami sa loob na mag ka hawak kamay.
**Arcela's Pov**
Pag baba palang ni Femia sa kotse nya ay tanaw ko na ito. Nasa tapat kasi kami ng counter ni Richard, sinamahan ko ito para pumili ng mga cakes para sa pinsan nya. Sinadya ko na dumikit ng husto dito para pag selosin si Femia at hindi naman ako na bigo sa plano ko dahil inis na inis ito.
"Ngayon ko lang na kitang mag selos si Femia." Saad ni Aivan.
"Oo nga eh, lumalabas tuloy yung totoong sya." Saad naman ni Charina.
"Shhhh, nandyan na sila." Saad naman ni Rosemarie.
"By the way Arcela, congrats." Saad ni Femia sakin at na upo na ito sa tabi ni Charina. Bali pinagitnaan nya yung mag kapatid.
"Thanks, baka gusto mong tikman ang isa sa mga gawa ko. Alam ko naman na professional baker kana at sawa kana sa mga cakes and pastries pero baka Kasi gusto mo lang I try. Gusto ko rin malaman ang side comment mo sa gawa ko." Nakangiting saad ko dito.
Binigyan ko ito ng spoon and plate nya. Hindi naman ito tumanggi kaya sinimulan nya na yung pag tikim sa lahat ng naka serve sa table namin.
"Masarap ba babe?" Tanong ni Richard dito.
"Uhmmm, okey naman itong chocolate cake nya. Medyo may pagka bitter lang." Saad nito sabay inom ng tubig.
"Teh, baka naman di ka lang nag toothbrush kanina kaya mapakla ang panlasa mo." Saad ni Charina kaya naman sinaway ito nila Rosemarie. Napatalikod ako dahil ayukong tumawa sa harap nila.
Pasaway talaga itong si Charina, mashado syang vocal. Sasabihin nya talaga ang gusto nyang sabihin kahit na nakakaopened ito.
Tinikman nya pa ang iba at lahat nalang ay may bad comments sya. Nauunawaan ko naman yun dahil mag kakaiba ng taste ang mga tao.
"Hayaan mo next time, pag bubutihin ko pa. Masaya ako dahil may isang professional baker akong nakasama Ngayon. At least alam ko yung mga dapat Kong gawin sa susunod." Nakangiting saad ko dito.
"Pero para sakin Arcela okey naman lahat ng gawa mo. Huwag mo ng baguhin." Saad ni Gael kaya naman napangiti ako sa sinabi nito.
"Kuya Gael is right, ito ang original flavor mo diba? So bakit mo babaguhin dahil lang sa isang komento ng isang professional?" Saad ni Charina kaya naman napataas ang isang kilay ni Femia. Napansin kong hindi sila goods ni Charina.
"May point naman si Charina. Alam na namin ang quality ng mga gawa mo. Noon pa man ay sakto na ito sa panlasa namin kaya huwag mo ng baguhin." Saad naman ni Rosemarie.
"Yan na ang signature mo, sa lasang yan ka makikilala ng mga tao. Kung hinanap hanap namin ang cookies mo noon, tiyak namin na hahanap hanapin din yan ng mga customer mo na kumakain dito ngayon." Nakangiting saad ni Gael kaya naman napangiti ako sa mga komento nito.
"Thank you sa inyo, tatandaan ko lahat ng mga sinabi nyo." Nakangiting saad ko sa kanila.
"By the way ate, baka naman pwede mo kong isingit sa time mo. Gusto ko din matutong mag bake." Saad ni Charina sakin.
"Charina, nandito naman ang ate Femia mo. Nakakahiya na kay Arcela, baka maabala mo lang sya." Saad ni Richard dito.
"Oo nga Femia, pwede kitang turuan sa bahay nyo anytime time you want." Nakangiting saad ni Femia dito.
"Okey lang sakin, marami naman akong free time. Sabihan mo lang ako Charina kung kelan ka mag sisimula." Nakagiting saad ko kaya naman tuwang tuwa ito. Napansin ko naman ang pag irap ng mata ni Femia.
"Salamat ate Arcela, the best ka talaga?" Saad ni Charina sabay thumbs up ng dalawang daliri nya.
- Kinagabihan -
7pm palang at ubos na ang mga tinapay namin. Dapat 9pm pa ang close ng shop pero napa aga ngayon. Pag alis ng mga staff ko ay naiwan ako sa kitchen para mag bake ng mga cookies. Hindi pa naman ako pagod kaya mas mabuti pang ubusin ko nalang ang oras ko sa pag bi-bake. Nakakatuwa dahil unang araw palang ng shop ko ay naubos na agad yung tinapay na pang dalawang araw.
Habang nag mamasa ako ng dough ay biglang tumungo yung telepono sa counter kaya naman dali-dali akong lumabas ng kitchen para sagutin ang tawag.
"Hello good evening." Masayang bati ko dito.
"Arcela, si Richard to." Saad ng nasa kabilang linya. Napalunok ako dahil sa sinabi nito.
"I-ikaw pala, napatawag ka?" Saad ko dito.
"Pauwi na sana ako ng mapansing bukas pa ang ilaw ng shop mo, then nandito pa sa labas ang car mo." Saad nito.
Napasilip ako sa labas ng store at nakita ko itong nakatayo sa tapat ng kotse mo. Shuta, bakit di pa sya umuwi.
"Ah eh ano, nandito pa ako sa loob nag bi-bake pa ako." Sagot ko dito.
"Ganun ba, ikaw lang ba mag isa dyan?" Tanong nito.
"Oo eh, nakauwi na mga staff ko." Sagot ko dito.
"Kung okey lang sayo, gusto mo bang samahan muna kita. Dilikado kasi na nag iisa ka lang ng ganitong oras dito sa shop mo." Saad nito kaya naman napangiti ako.
Pag kakataon ko na din ito para ma solo sya. Ito naman talaga yung gusto ko diba? Papakipot pa ba ko?
"Okey lang naman sakin, mukang mapilit ka eh." Pa birong saad ko dito.
Binuksan ko na yung glassdoor kaya naman pumasok na si Richard.
"Okey lang ba na nandito ka? Baka naman magalit na naman si Femia at sugudin ako nito ah." Pa birong saad ko dito.
"Pasensya kana sa ugali ni Femia, ganun lang talaga yun pero mabait naman ito." Saad nito kaya naman binalikan ko na yung ginagawa ko.
Habang nag mamasa ako ng dough ay bigla itong lumapit sa tabi ko. Titig na titig ito sa ginagawa ko.
"Gusto mo i-try?" Nakangiting tanong ko dito dahil yung muka nya eh halatang interesadong interesado sa ginagawa ko.
"Pwede ba?" Nahihiyang tanong nito.
"Oo naman, basta mag hugas ka muna ng kamay." Saad ko dito kaya naman agad itong pumunta ng gripo. Kinuhaan ko ito ng apron para hindi madumiham ang damit nya.
Tinuro ko dito kung ano ang tamang pag masa ng dough. Mukang enjoy na enjoy naman ito sa ginagawa nya. After namin mag masa ng dough at pinakita ko sa kanya kung ano yung ginagawa kong proseso kung paano gawin yung cookies.
Nag lagay ulit ako ng flour sa bowl, nagulat ako ng bigla nitong lagyan ng flour ang pisnge ko.
"Richard!" Inis na tawag ko dito pero dumakot ito ng flour at hinipihan sa muka ko kaya naman hindi na ako nakatiis at gumanti na ako dito.
Para kaming batang nag lalaro na dalawa. Dahil sa nag kalat na flour sa sahig ay na out of balance ako. Mabuti nalang at na salo ako ni Richard.
Napalunok ako dahil sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa.
"Okey ka lang?" Tanong nito at dahan dahan akong itinayo. Muntik na yun, muntik ng mag dikit ang mga labi namin. Palihim kong kinapa ang dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito.
Hinay hinay lang Arcela, baka pag nag madali ka ay ma purnada ang lahat ng plano mo. Isang dalagang Filipina pa rin dapat, yung hindi halatang Mang aagaw. Ganun dapat ang tirada mo.
Huminga ako ng malalim at umakto na parang walang nangyare. Ganyan nga, dahil baka mapansin ni Richard ang totoo mong nararamdaman para sa kanya.