Arcela's Pov
Pasado eleven pm na ng matapos kami ni Richard. Kahit na naka apron ito ay nag karoon pa din ng flour ang pants nya.
"Sorry, na dumihan ka tuloy." Nahihiyang saad ko dito.
"Okey lang, nag enjoy naman ako." Nakangiting saad nito. Nilagyan ko sya ng cookies sa box para may maiuwi ito sa kanila.
"Kabahagi mo dahil tinulungan mo ko." Nakangiting saad ko dito sabay abot nung cookies.
"Thanks, may stock na naman ako ng cookies mo." Saad nito at cheneck ko muna ang kitchen bago kami lumabas. Pag ka off ko ng mga ilaw ay lumabas na kami ng shop.
"Thanks again Richard." Saad ko dito at binuksan ko na ang pinto ng kotse ko.
"Ingat ka, see you tomorrow." Saad nito, bago ako pumasok sa loob ay nag beso muna ako dito.
"Ingat ka din, good night." Saad ko at pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Shuta kinikilig ako sa mga moves ko. Di naman halata na chinachansingan ko sya diba? Hays, sige lang Arcela, mag bubungad lahat ng pag sisikap mo. Tiyaga lang, yung pagiging malandi mo, dapat e-level up mo. Kulang ka pa sa praktis, para kasing hindi tumatalab kay Richard yung mga simpling galawan mo.
-
Pag dating ko sa bahay ay tulog na sila Mom. Dumaan din sila ni dad sa shop ko kanina. Kasama din nila si Mrs Chung, at ang kapatid ni Mom na si Tito Malvar at ang napakagandang wife nito na si tita Lorria.
(Sa nag tatanong po kung related si Elaine at Arcela, yes po mag pinsan po sila. Wala pa si Elaine sa story na to, pero isisingit ko sya pag okey na.)
After kong mag linis ng sarili ko ay na higa na ako ng kama ko. Pa pikit na ako ng biglang mag ring ang phone ko. Napangiti ako ng lumabas ang pangalan ni Richard sa screen ng phone ko.
"Nakauwi kana ba?" Tanong nito kaya naman abot kisame na naman yung ngiti ko.
"Oo, ikaw ba?"
"Oo, papasok palang ako ng bahay." Sagot nito. Bumalikwas ako ng pag kakahiga, ngayon ko lang naranasan yung ganito. Yung bago ka matulog may mangangamusta sayo, mag tatanong kung nakauwi kana ba? Hays, feeling ko boyfriend ko na itong si Richard.
"Wahhhh cookies!!!" Dinig kong sigaw ng pamilyar na boses.
"Kuya ang dami naman nyan, galing ba yan kay ate Arcela? Akin nalang yung isang box please??" Dinig kong saad ni Charina sa kabilang linya. Gising pa pala ang bubwit na yan.
"Hey Charina, that's mine!" Sigaw ni Richard dito.
"Hays, pasaway talaga." Saad ni Richard kaya naman napangiti nalang ako.
"Hayaan mo na, bibigyan nalang kita bukas. Basta tulungan mo ulit ako sa pag bi-bake. Hindi na uso ang libre Ngayon." Pa birong saad ko dito.
"Sure, mas pabor ako dun. Salamat Arcela, thank you dahil bumalik ka." Saad nito kaya napakagat ako sa ibang labi ko.
"Sige na, alam kong pagod ka kaya mag pahinga kana. Good night my little cookie." Saad nito sabay end ng call.
"Wahhhhhh! Tinawag nya kong my little Cookie!!!" Kinikilig na sigaw ko kaya naman nag pa gulong gulong ako sa kama ko hanggang sa
*Blaaaggggg*
Pag ka laglag ko sa kama ko ay agad din akong bumangon at bumalik sa pag kakahiga. Yung kilig ko umabot na sa bubong namin. Hays, ang sarap sa pakiramdam ng ganito.
**Richard's Pov**
"Na late ka ata ng uwi Son, at bakit puro flour ang pants mo? Tinulungan mo ba si Femia sa bake shop nya?" Tanong ni Mom sakin, lumapit ako dito at humalik sa pisnge nya.
"Naalala mo pa ba yung schoolmate ko before na nerd, yung palaging nag bibigay sakin ng cookies?" Nakangiting tanong ko dito.
"Oo naman, what about her?" Tanong ni Mom habang nag lalakad kami papuntang kusina.
"Nag open sya ng bake shop malapit sa hotel natin. Pauwi na dapat ako ng mapansin kong bukas pa yung shop nya. Kaya naman tinulungan ko itong mag bake ng mga cookies." Nakangiting sagot ko dito.
"Alam ba ni Femia na bumalik na itong favorite baker mo?" Nakakunot noo na tanong ni Mom.
"Yes Mom, pumunta din si Femia sa grand opening. Nagalit nga ito sakin dahil hindi ko sya na inform about dito. Nakalimutan kong mag paalam sa kanya dahil biglaan din naman. Isa pa, nandun din naman si Gael, Charina, Aivan at Rosemarie." Paliwanag ko kay Mom.
"Richard, alam ko naman na noon pa ay obsessed kana sa cookies nito, ano ngang name nito?" Tanong ni Mom.
"Arcela " Sagot ko.
"Ipapaalala ko lang sayo Richard, hindi kita pinalaki para mamangka sa dalawang ilog." Saad ni Mom kaya naman napakunot ang noo ko.
"What do you mean Mom?"
"May girlfriend kana, may bake shop din ito, sino sa kanilang dalawa ang susuportahan mo?" Tanong ni Mom kaya mas lalong napa kunot ang noo ko.
"Hindi ba pwedeng dalawa sila?" Tanong ko dito kaya naman tinapik ni mom ang balikat ko.
"That's what I'm talking about Richard. Hindi mo sila pwedeng pag sabayin. Masasaktan si Femia sa ginagawa mo. Sya ang girlfriend mo, kaya naman dapat 100% nasa kanya ang suporta mo. Kahit na hindi mo gusto ang mga gawa nya, ipakita mo pa din ang support mo sa kanya." Saad ni Mom at tinapik pa nito ang balikat ko bago lumabas ng kusina.
Wala namang masama sa ginagawa ko diba? Masaya ako kapag kasama ko si Arcela. Wala naman mag babago samin ni Femia, sya pa rin ang girlfriend ko. Susuportahan ko pa rin naman sya sa kahit na anong laban nya.
**Kinabukasan**
Pag dating ko sa opisina ko ay dumiretso agad ako wall glass. Nakita ko si Arcela na kadarating lang ng shop nya. Naka baby pink dress ito, mas lalo itong gumanda sa suot nya.
Bumalik na din ako sa table ko at nag simula na sa trabaho ko. Habang abala ako sa pag babasa ng mga papers ay nag ring ang phone ko.
"Good morning babe." Masiglang bati ni Femia sakin.
"Good morning din sayo Babe, napatawag ka?" Tanong ko dito.
"Babe pa lambing naman O." Saad nito kaya napasandal ako sa upuan ko.
"Sige ano ba yun?" Nakakunot noo na tanong ko dito.
"May magaganap kasing completion para sa mga bakers. Ang tatanghaling panalo ay magiging King or Queen Baker. Kailangan kasi ng sponsor, mga malalaking company ang makakalaban ko." Saad nito.
"Sure babe, ako na ang bahala kay Dad. Ikaw na ang kukunin naming representative para sa Esguerra's Cuisine." Saad ko dito.
"Wahh, thank you babe! Inform mo ako kapag nag submit na sila ng registration." Saad nito na halatang excited na.
"Okey babe, galingan mo, nandito lang ako to support you." Saad ko dito.
"Oo naman babe, thank you, I love you."
"I love you too." Sagot ko dito bago nya i-end ang call.
Biglang pumasok sa isip ko si Arcela kaya naman tinawagan ko ito para ipaalam sa kanya ang contest.
"Good morning, na miss mo naman agad ako." Pa birong saad nito ng sagutin ang tawag ko.
"Good morning din sayo my little cookie." Nakangiting saad ko dito.
"Napatawag ka?" Tanong nito.
"Busy ka ba?" Tanong ko dito.
"Medyo, ano ba yun?" Tanong nito.
"Mas okey siguro kung puntahan nalang kita dyan." Saad ko dito at binababa ko na ang call.
"Sir San po kayo pupunta?" Tanong ni Ayah.
"Dyan lang sa tapat, mabilis lang ako." Saad ko dito at madali ng sumakay ng elevator.
Inayos ko muna yung suot ko, tiningnan ko pa sa reflection ng wall ng elevator ang ayos ko.
Pag labas ko ng hotel ay agad kong na tanaw si Arcela na nag aabang sa labas ng shop nya. Pag lapit ko dito ay nakipag beso ito sakin.
"Pasok ka muna, mukang importante yung sasabihin mo dahil talagang sinadya mo pa ko dito." Nakangiting saad nito kaya naman na upo na kami.
"Tumawag kasi si Femia sakin, nag papa-sponsor ito sa isang baking competition. Bigla kitang na isip, bakit hindi mo subukan. Exposure din yun para makilala itong shop mo." Nakangiting saad ko.
"Ako? Tapos makakalaban ko si Femia sa competition. Naku matatalo lang ako." Saad nito, mukang na walan agad sya ng pag asa.
"Naniniwala ako sa kakayahan mo Arcela. Manalo ka man o matalo, at least sinubukan mo." Sagot ko dito kaya naman napangiti ito.
"Thanks Richard, pinapalakas mo palagi ang loob ko." Saad nito sabay hawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay nito. Ramdam na ramdam ko yung init ng kamay nya. Para bang gumagapang ang init nito hanggang sa ikabituran ng aking pag ka tao.
"S-sorry." Saad nito at agad na inalis ang kamay nya.
"Kung kailangan mo ng sponsor sa completion, let me know, tutulungan kita." Saad ko dito.
"Talaga? Paano si Femia? Baka magalit na naman yun kapag nalaman nyang tinutulungan mo ko." Pag aalalang Saad nito.
"Ako ng bahala dun, basta sabihan mo ko kung sasali ka. Gusto ko lang bumawi sa lahat ng cookies na binigay mo sakin noon." Nakangiting sagot ko dito.
"Thank you talaga Richard, pero sana ito na ang huli ah." Saad nito kaya naman napakunot ang noo ko.
"Bakit naman? Ayaw mo ba na tinutulungan kita?" Pag tatakang tanong ko dito.
"Hindi sa ayaw, natatakot lang kasi ako na ma fall sayo. Mahirap na, Buti sana kung sasaluhin mo ko." Seryosong saad nito kaya naman napa lunok ako.
"Hahahha, joke lang baka seryosohin mo ah." Saad nito sabay hampas sa braso ko. Kinabahan ako sa sinabi nito.
"Puro ka talaga kalokohan." Nakangiting saad ko dito.
"Sayang nga lang dahil may girlfriend kana." Mahinang saad nito pero malinaw kong narinig ito.
"May sinasabi ka?" Tanong ko dito.
"Wala, sabi ko ang gwapo mo sana kaso binge ka. Sige na at baka hanapin ka na naman ng girlfriend mo." Saad nito at hinila na ako nito paalis.
"Grabe, pinag tatabuyan mo ba ko?" Natatawang tanong ko dito.
"Oo, baka kasi wala na akong mag gawang trabaho dahil sayo." Nakangiting saad nito.
Kumaway ako dito bago umalis. Nakaaliw talagang kausap si Arcela. Bukod sa maganda nyang ngiti, sa simpling conversation nagagawa nyang pasayahin.
Ma swerte ang lalaking mamahalin nito. Sayang lang dahil hindi na ako available.