ANG NAKARAAN NI SERAPINA

1306 Words

CHAPTER 51 SERAPHINA POV It's been 4 years. At sa bawat taon na 'yon, ay unti-unti akong nabubulok sa inggit, sa galit, at sa matinding uhaw sa hustisya... sa hustisyang ako lang ang nagdesisyong ibigay sa sarili ko. Tatlong buwan na rin mula noong tuluyan na kaming naghiwalay ni Nayll. Umayon ang lahat sa plano ko ang mapalapit sa kanya, makuha ang loob niya, makuha ang yaman, at higit sa lahat... mawasak si Cataleya. Pero bakit ganito? Bakit kahit hawak ko na ang tagumpay, pakiramdam ko'y talo pa rin ako? "Dahil kinuha niya lahat sa akin," bulong ko sa sarili ko habang hawak-hawak ang luma kong larawan. Nakaipit pa rin doon ang retokadong birth certificate ko, pati na ang pekeng pagkakakilanlan na pinagawa ni Mama, ang babaeng nagpalaki sa akin na hindi ko tunay na ina. FLASHBACK

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD