CHAPTER 34 Third Person POV Maagang umaga. Tahimik pa ang buong paligid. Ang tanging maririnig lamang ay ang mga ibong nagkukumpas ng himig ng bagong araw. Sa loob ng kwartong iyon sa mansion, magkahinang pa rin ang dalawang katawan nina Matteo at Cataleya nakatulog na magkayakap, parehong may maliliit na ngiti sa mga labi, tila mga batang natulog na payapa sa piling ng isa’t isa. Dahan-dahan gumising si Matteo, medyo masakit pa ang katawan pero puno ng ligaya ang puso niya. Saglit niyang pinagmasdan ang mukha ni Cataleya habang ito’y mahimbing na natutulog. Mapula pa ang labi nito, may konting pasa sa leeg mga tanda ng gabi ng wagas na pagmamahalan. Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at saka bumulong, “Good morning, my Baby…” Ngunit tulog pa rin ito, kaya hinalikan niya na lang ang n

