CHAPTER 35 Cataleya’s POV Nagpakalayo-layo kami ni Matteo. Wala man akong planong tumakas, pero noong gabing ‘yonkung saan pakiramdam ko'y tuluyan nang nadurog ang puso ko, kung saan tuluyan nang binasag ni Nayll ang huli kong tiwala walang ibang gusto ang katawan ko kundi ang makalayo. Makalimot. At si Matteo lang ang naiisip kong takbuhan. Pagkarating niya sa tapat ng gate, walang tanong-tanong, agad niya akong pinasakay sa sasakyan. Tahimik kami sa loob habang mabilis niyang pinaandar ang kotse palayo sa mansion ng Villafuerte. Naramdaman kong nanginginig pa rin ako, pero nang hawakan niya ang kamay ko, biglang uminit ang mga palad ko. Sa simpleng haplos niya, may dumarating na kaunting kapayapaan. "We're flying to LA," bulong niya habang nakatingin sa kalsada. "You need to breath

