CHAPTER 36 NAYLL'S POV Tatlong linggo. Tatlong linggo na simula nang umalis si Cataleya sa mansyon. Tatlong linggo na rin kaming opisyal na hiwalay. Divorced. Ang salitang ‘yon paulit-ulit na umuukit sa utak ko. Tila ba sa bawat paghinga ko, siya ang hinahanap ng katawan ko. Sa bawat sulok ng bahay, mukha niya ang naiisip ko. Tahimik. Sobrang tahimik ng mansyon. Si Manang Delia, nagbakasyon. Umuwi raw sa probinsya para makasama ang pamilya niya. Ako na lang talaga ang natira dito. Ako. Mag-isa. Walang Cataleya sa kusina tuwing umaga. Walang Cataleya sa hallway. Walang Cataleya sa kwarto. Walang Cataleya sa buhay ko. Pvta, bakit ko siya pinalayas? Tumayo ako mula sa couch at sinipa ang table sa harap ko. Bagsak ang vase sa sahig, nagkalat ang mga bulaklak na siya pa ang nagtanim

