CHAPTER 6
CATALEYA’S POINT OF VIEW
Masakit. Hindi lang sa katawan… kundi pati na rin sa puso. Ang buong katawan ko’y tila binuhusan ng yelo at sinunog sa apoy nang sabay. Habang nakahiga ako sa malamig na kama ng ospital, nakadikit pa rin sa balat ko ang init ng sabaw ng hipon na ibinuhos niya—ang sakit na dulot ng paso’y hindi pa rin humuhupa, kahit na may gamot at benda na ang sugat ko. Pero mas masakit ‘yung paraan kung paano niya ako tinitingnan, parang wala akong halaga. Parang wala akong karapatang mabuhay sa mundong ginagalawan niya.
Nakatingin lang ako sa kisame. Tahimik ang silid, maliban sa mahinang tunog ng dextrose at ng monitor na sumusukat sa t***k ng puso ko. Ironikal… kasi habang tumitibok pa ang puso ko, parang nawawalan naman ito ng dahilan para tumibok pa.
Napapikit ako. At bumalik sa alaala ang lahat-lahat ng nangyari bago ako tuluyang bumagsak sa gitna ng kalsada.
FLASHBACK
"AHHH!" napasigaw ako, napaatras, hawak ang ulo, nanginginig sa sakit.
"Hindi mo ba maintindihan, Cataleya?!" singhal ni Nayll habang galit na galit ang mga mata. "Hindi ako kumakain ng luto ng babae'ng hindi ko mahal!"
Hindi pa siya nakuntento. Lumapit siya sa akin, hinablot ang ulo nito at buong lakas na idiniin ang mukha ko sa mainit na sabaw ng hipon na nasa mesa. Tumalsik ang mangkok, nabasag ang pinggan, at nabalot ng sabaw ang mukha ko.
"STOP IT, PLEASE!" umiiyak na pakiusap ko kay Nayll, nanginginig habang pilit tumatayo mula sa pagkakayuko.
Pero wala. Walang awa. Walang kahit anong pag-aalinlangan.
"You’re a mistake, Cataleya. A desperate, useless woman. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin dahil hindi mo kailanman makukuha ang puso ko," malamig at matalim ang bawat salita ni Nayll.
Bago siya umalis, kinuha niya ang bag niya at humarap muli sa kanya.
"Itapon mo lahat ng pagkain na 'yan. Dahil hindi ko kailanman kakainin ang luto ng babaeng hindi ko mahal. Tandaan mo 'yan, kasal lang tayo sa papel. You’re nothing more than a burden."
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatayo sa tapat ng pintuan, nakasuot ang coat niyang puti at may hawak na briefcase. Ang lamig ng tingin niya, tila ba wala siyang naririnig.
“Alam kong galit ka sa akin, pero gutom ka. Pakiusap, kahit konti lang”
Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla niyang agawin ang mangkok sa kamay ko at itinapon sa sahig.
“Walang kwenta ang ginagawa mo!” singhal niya.
At bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang buhok ko, at sa harap ng mesa, kinabig ang ulo ko pababa, sa mismong sabaw ng hipong nagkalat sa sahig.
“Gusto mo akong pakainin? Ayan! Tikman mo ‘yang niluto mo!”
Mainit. Masakit. Mapahiya. Pero ang pinaka masakit sa lahat, ‘yung ginusto ko lang naman ay maalagaan siya. Hindi ko ginusto ang kasal na ‘to, pero tinanggap ko. Pinili kong mahalin siya. Pinili kong umasa.
“Nayll…” nanginginig kong tawag habang nakaluhod ako sa sahig. Pero tuluyan na siyang lumakad palayo.
Pag-alis niya, kahit nanginginig pa ako sa sakit at takot, pinilit kong tumayo. Hinabol ko siya hanggang sa gate, kahit nanginginig ang tuhod ko, kahit hindi ako halos makalakad.
“Please, Nayll! Kahit tubig man lang”
Pero hindi siya lumingon. Sumakay siya ng kotse at pinaandar iyon. At kahit umiiyak na ako, hinabol ko pa rin.
“MAHAL KITA, NAYLL! HUWAG MO NAMAN AKONG ITAKWIL!”
Sumigaw ako sa lansangan, pero wala. Ni hindi man lang ako nilingon.
Hanggang sa...
Biglang nagdilim ang paligid ko. Umikot ang paningin ko. At ang huling alaala ko, yung init ng araw sa balat ko, ang malamig na simoy ng hangin, at ang mapait na katotohanang hindi niya ako kayang mahalin.
END OF FLASHBACK
Pagmulat ko, nakita ko si Manang Delia sa gilid ng kama. Naka-upo siya sa isang monoblock, hawak ang kanyang rosaryo habang umiiyak ng tahimik.
“Manang…” mahina kong tawag.
Nagulat siya at agad lumapit sa akin. “Cataleya, anak… gising ka na…” Naluluha ang mga mata niyang may kunot ng pag-aalala. “Patawarin mo ako… hindi kita agad nailigtas kanina…”
“Hindi mo kasalanan, Manang,” bulong ko habang pilit pinipigilan ang sariling umiyak. “Kayo nga ang nagdala sa akin dito, diba?”
Tumango siya. “Oo, anak… at kahit sinigawan ako ni Sir Nayll, wala akong pagsisisi. Ayoko lang makita kang mamatay sa harap ko. Hindi ko na kinaya ‘yung nakita kong duguan ‘yung labi mo, nanginginig ka at nawalan ng malay.”
Tumulo ang luha ko.
“Manang… bakit ganito? Bakit ang sakit? Hindi ko naman siya ginugulo. Wala naman akong ibang hiniling kundi ‘yung konting respeto. Konting pag-unawa. Konting pagmamahal…”
Hinawakan ni Manang Delia ang kamay ko. “Anak, bakit ka pa pumayag sa kasal kung alam mong hindi ka mahal?”
Napapikit ako. “Kasi… mahal ko siya. Umasa akong… baka sakaling matutunan niya rin akong mahalin…”
Napahikbi ako, at doon na bumigay ang puso ko. Umiyak ako, hindi dahil sa sakit ng paso o ng sugat ko, kundi dahil sa pagkabigo. Sa pagkasuklam niya sa’kin. Sa katotohanang kahit gawin ko ang lahat, hindi niya ako kailanman pipiliin.
“Anak… anak patawarin mo ako… kung sana mas maaga kong nakita ‘tong lahat, sana—”
Biglang bumukas ang pinto ng silid. Napalingon kami ni Manang Delia.
Si Nayll bumalik ulit dito sa kwarto.
At sa likod ng malamig niyang tindig, nakakunot ang noo niya. “Gising ka na pala,” malamig niyang sabi.
Hindi ako makasagot. Tumingin lang ako sa kaniya, umaasang kahit papaano’y may pag-aalala sa mga mata niya. Pero wala. Blangko. Galit pa rin.
Lumapit siya, at walang pasabi, isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi ko.
Pak!
“Anong ginagawa mo dito? Nagdrama ka na naman? Nagpakita ka pa sa ospital kung saan ako nagtatrabaho para anong, magpapansin? Umarte na parang maysakit?”
“Nayll, hindi ko naman alam na—” nanginginig kong sagot.
“Shut up!” sigaw niya.
Napasigaw si Manang Delia. “Sir! Tama na po—”
“Tumahimik ka, Delia!” bulyaw ni Nayll. “Ikaw? Ikaw ang nagdala sa kanya dito, hindi ba? Anong sinabi ko sa’yo tungkol sa pakikialam sa buhay ko? Ha?!”
Nangangatog si Manang Delia, pero buong tapang siyang sumagot, kahit nangingilid ang luha niya. “Sir… pasensya na po… hindi ko na po kasi matiis na makita siyang—”
“Hindi mo trabaho ang alagaan siya!” galit na sigaw ni Nayll. “Isa kang katulong! Sa bahay ka lang! Sa oras na makialam ka ulit, tanggal ka!”
“Sir… please…” lumuhod si Manang Delia sa harap niya. “Huwag niyo po akong tanggalin… labinlimang taon na po ako sa pamilya niyo… pakiusap…”
“Then stay out of it! The next time you do this again, I swear—wala kang babalikan!”
Umiiyak na si Manang. Hindi ako makagalaw. Hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang sarili ko, lalo na siya. Para kaming mga sisiw sa harap ng mabangis na agila.
Napayuko ako. “Please, Nayll… tama na…”
Napatingin siya sa akin, pero ang titig niya’y parang kutsilyong itinarak sa puso ko. “Kung gusto mong itigil ‘to, tigilan mo na ang pagiging pabigat. Hindi ka karapat-dapat sa buhay ko, Cataleya. Hindi ikaw ang pinili ko. Hindi kailanman magiging ikaw.”
At sa isang iglap, tumalikod siya’t lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni Manang Delia, parehas luhaan, parehas basag.
Hinila ako ni Manang sa yakap niya. At doon, sa bisig ng nag-iisang taong totoong nagmamalasakit sa akin… ako bumigay.
“Manang… ayoko na…”
“Shhh… anak… andito lang ako…”
Wala akong ibang sinabi. Niyakap ko lang siya ng mahigpit. Kasi sa mundo kung saan ang asawa ko'y halimaw, si Manang Delia lang ang tahanan ko.