SINAPIT NI CATALEYA

1141 Words
CHAPTER 5 THIRD PERSON POV Pagdating ni Nayll sa ospital, agad siyang sinalubong ng isa sa mga resident doctors. Halata sa mukha nito ang tensyon at pag-aalala. “Dr. Villafuerte, salamat po at dumating kayo agad. The patient you operated earlier, nagkaroon ng bleeding. Kinamot daw po ang sugat,” mabilis nitong ulat. Hindi na sumagot si Nayll, agad niyang tinungo ang operating room. Ilang minuto ang lumipas, at muling naging matatag ang pasyente matapos ang agarang operasyon. Matapos nito, lumabas siya ng recovery room, pagod ngunit alerto pa rin. Galing siya sa ikalimang palapag at bumaba papuntang second floor para tumungo sa Cardiologists’ Area, ngunit sa di-inaasahang pagkakataon, napalingon siya sa isang private room, at doon niya nakita ang isang pamilyar na pigura. Si Cataleya. Nakahiga. Walang malay. Naka-dextrose. Maputla ang mukha at tila matagal nang hindi kumakain. Nagtama ang kilay ni Nayll. Galit ang unang emosyong bumalot sa kanya. Galit, hindi pag-aalala. Pumasok siya sa kwarto, mabilis, at walang pag-aatubili. Lumapit siya sa kama at tinitigan ang babae, ang babaeng pinakasalan niya pero kailanma’y hindi minahal. At sa isang iglap, isang sampal ang gumising kay Cataleya mula sa walang malay na kalagayan. Pak! “Gising ka na pala,” malamig at matalim ang boses ni Nayll. Nagulat si Cataleya, nanlaki ang mata, agad napahawak sa pisngi niyang namula sa lakas ng sampal. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi malaman kung anong nararamdaman, sakit, takot, hiya, o lahat ng iyon nang sabay-sabay. “Na-nayll…” mahinang bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses. “Anong… ginagawa ko dito?” “‘Yan din ang gusto kong malaman,” sagot niya, walang emosyon. “Nagsakit-sakitan ka? Ganito ka na kababa, Cataleya?” “Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito…” pabulong niyang sagot, nangingilid ang luha. “Pagkagising ko kanina, masakit na katawan ko. Nahimatay yata ako—” “Sakto naman, ‘no?” sarkastikong tugon ni Nayll. “Kaya mo pa talagang gamitin ang ospital para makuha ang atensyon ko?” “I-I swear, hindi ko ginusto ‘to… Nayll, naniniwala ka naman sa ‘kin, ‘di ba?” Hindi pa siya tapos magsalita nang muling itinaas ni Nayll ang kamay niya, galit na galit ang titig niya sa kanya. “Tama na ang drama mo, Cataleya. Akala mo ba maaawa ako?” Ngunit bago niya tuluyang maibaba ang kamay, bumukas ang pinto at pumasok ang matandang babae na may dalang tray ng pagkain at mga gamot. “Ma’am Cataleya, eto na po ang—” Naputol ang sasabihin ng matanda nang makita niya ang posisyon nina Nayll at Cataleya. Nahulog ang tray sa sahig sa gulat. Kumalat ang lugaw, bumagsak ang mga bote ng gamot. Natigilan ang matanda, nanginginig. “Manang Delia?” tanong ni Nayll, hindi makapaniwala. “A-ako po ang nagdala kay Ma’am Cataleya dito,” amin ni Manang Delia, mahina ang boses, nanginginig ang tuhod. “Nahimatay po siya sa labas ng gate kanina. Wala pong ibang tao. Hindi ko po matiis, Sir…” Umusok ang ilong ni Nayll. “Ginawa mo ‘to? Dinala mo siya rito? Sa ospital kung saan ako nagtatrabaho?” Napaatras si Manang Delia, pero sinikap niyang magsalita. “Sir, patawad po. Hindi ko po alam kung anong gagawin—wala pong ibang tumulong sa kanya—” “Hindi mo ba naisip ang implikasyon nito sa akin?” bulyaw ni Nayll. “Akala mo ba makakalusot ka?” “Sir, ilang taon na po akong naninilbihan sa pamilya ninyo… tatlumpung taon na po, simula pa po noong binata pa lang ang ama niyo…” nanginginig ang tinig ni Manang Delia, at napaluha na ang matanda. “Hindi ko po kayang makita si Ma’am Cataleya na walang malay sa kalsada, Sir. Wala po akong masamang intensyon…” “E ‘di sana pinabayaan mo siya! Wala kang karapatang pakialaman ang mga desisyon ko!” bulyaw ni Nayll habang tinuturo ang matanda. Lumuhod si Manang Delia, hawak ang laylayan ng kanyang palda, humahagulhol. “Patawad po, Sir. Huwag niyo po akong tanggalin. Wala na po akong ibang mapupuntahan. Matanda na po ako…” Hindi kumibo si Nayll. Nakatingin lang siya sa babaeng matagal na niyang kilala, na sa kabila ng takot at pangamba, piniling iligtas ang asawa niyang pinandidirihan niya. Habang lumuluha si Cataleya sa kama, pilit niyang inabot si Nayll. “Huwag mong saktan si Manang… wala siyang kasalanan…” “Tumahimik ka,” singhal niya kay Cataleya. “Hindi mo ba naiisip na ang lahat ng ‘to, ginagawa mo lang para magmukha kang kawawa?” “Hindi totoo ‘yan!” umiiyak si Cataleya. “Hindi ko na nga alam kung bakit bigla akong nahimatay! Hindi ako nagsisinungaling, Nayll. Please…” Ngunit hindi pinakinggan ni Nayll ang paliwanag. Sa halip, tumalikod siya at tinapakan ang tray ng pagkain habang lumalabas ng kwarto. “Isang beses pa, Manang, isang beses ka pang makialam sa kanya, tanggal ka na,” malamig niyang banta. “Wala akong pakialam kung tatlumpung taon ka nang naninilbihan. Hindi kita kailangang kaawaan.” At tuluyan siyang lumabas, walang lingon-lingon. Naiwan si Manang Delia na nakaluhod sa sahig, patuloy sa pag-iyak. Sa tabi niya, si Cataleya, pilit pinipigilan ang luha habang pinagmamasdan ang pinto na kanina lang ay nilabasan ng lalaking dapat sana’y mag-aalaga sa kanya. Ang sakit ay hindi lang pisikal. Mas lalong masakit ang katotohanang kahit anong gawin niya, kahit anong paliwanag, hindi siya paniniwalaan ni Nayll. At ang matandang nag-alaga sa kanya simula pagkabata… siya pa ngayon ang nasasaktan dahil sa kagustuhang iligtas siya. “M-Ma’am…” tinig ni Manang Delia habang pinupulot ang basag na tray. “Patawad, hindi ko po sinadyang idamay kayo…” Umiling si Cataleya, hinawakan ang kamay ni Manang. “Wala kang kasalanan. Ikaw lang ang nagmalasakit.” Nagyakap silang dalawa, parehong umiiyak. Ang isa, puno ng takot sa posibleng pagkawala ng kanyang trabaho—ng kanyang buhay. Ang isa, puso ang pinapasan, wasak at sugatan, hindi alam kung saan pa kukunin ang lakas para magpatuloy. At sa corridor ng ospital, si Nayll, nakatayo, nakatingin sa labas ng bintana. Mula sa salamin, nasisilayan pa rin niya ang silid na pinanggalingan niya. Pero wala siyang naramdaman. O ayaw na lang niyang maramdaman. Sapat na ang isang gabi kasama si Seraphina para limutin ang sakit ng obligasyon. Pero kahit anong lakas niyang pigilan, may parte sa kanyang damdamin na kumakalmot sa kanyang konsensya, hindi dahil sa ginawa niya kay Cataleya, kundi dahil sa matandang si Manang Delia. Ang taong nagsilbing pangalawang ina sa kanya. At ngayon, takot na takot dahil sa banta niya. Pero hindi niya pinansin. Hindi siya dapat matitinag. Hindi siya dapat marupok. Dahil sa mundong ‘to, wala siyang dapat paniwalaan kundi ang sarili niyang kagustuhan. Hindi ang awa. Hindi ang luha. At lalo na, hindi ang asawa niyang kailanman ay hindi niya pinangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD